Ang pakinabang at tungkulin ng mga sikat na artista


Ang pagsikat sa anumang larangan ng buhay ay hindi lamang isang pakinabang kundi isang ring tungkulin. Dapat ay huwag nilang makalimutan na ang tungkuling ito ang nagbigay sa kanila ng maraming pakinabang. Ang kayamanan at layaw ng buhay na kanilang tinatamasa ay resulta ng marami nilang mga tagahanga. Ang sabi nga sa Biblia, “To whom much is given, much will be required.” [Luke 12:48]

Ang bawat kasikatan ay mayroon iba’t ibang kuwento patungkol sa landas ng pagsikat. Mayroong dumaan mula sa pa extra-extra bago nakarating sa tugatog ng tagumpay. Mayroon naman nagsimula na sa itaas, sikat agad sapagkat nakinabang na lang sa kasikatan ng kanilang mga magulang  o kamag-anak. 

Ang pagsikat sa larangan ng pelikula ay may kaakibat na tungkulin. Hindi naman tayo ipinanganak kahapon, alam natin ang labis na kapangyarihan ng telebisyon. Halos lahat ng bahay ay mayroong telebisyon. At kung wala man, ang mga ito’y nakikipanood sa kanilang mga kapitbahay.

Alam ng mga advertisers ang kapangyarihang taglay nito kung kaya’t dito namumuhunan ang mga negosyante sa pamamagitan ng mga patalastas. Milyon-milyong piso ang ginagastos nila para dito. At ang mga sikat na personalidad ang kanilang ginagamit upang higit na makahikayat ng maraming tao. Ang kasikatan ng mga ito ang binabayaran ng mga advertisers upang ibenta ang kanilang mga produkto. 

Ano ang tungkulin ng mga sikat na artista? Dahil sa kultura na mayroon tayo na ang mga artista ay labis na hinahangaan at tinutularan, matuwid lang na sila’y maging mabuting halimbawa. Hindi kinakailangan na sila’y maging perpekto. Wala namang taong perpekto at hindi nagkakamali. Ngunit ang pagkakamali naman ay hindi dapat paulit-ulit na ginagawa.

Ang pagiging artista ay isang propesyon na nangangailangan ng mataas na antas ng maayos na pamumuhay. Hindi dahil may itsura at magaling umarte, kumanta at magsayaw ay artista na. Sila’y tinitingnan bilang halimbawa ng makabagong mundo. Ang estilo ng kanilang pamumuhay ay pilit ginagaya ng mga tagahanga. Ang mga produkto na kanilang pinapatalastas ay binibili at tinatangkilik ng mga tagahanga. Ang laki ng impluwensiya ng mga artista sa buhay ng pangkariniwang tao.

Sa ganitong guhit ng katuwiran ay dapat maging malinaw sa mga artista ang kanilang moral na responsibilidad na maging magandang halimbawa sa publiko. Responsibilidad nila na maging magandang halimbawa sa maayos na pamumuhay. Halimbawa, ang pagsasamang seksuwal ay para lang sa mag-asawa. Ang sabi sa Bibilia, “Maging marangal sa lahat ang pag-aasawa, at huwag dungisan ang higaan, sapagkat ang mga nakikiapid at ang mga mangangalunya ay hahatulan ng Diyos.” (Hebreo 13:4).

Ang sex ay hindi “for sale” hindi “for rent” at lalo’t higit hindi “for same-sex.” Ang sex ay hindi “ for kids” ito’y “for married couple only.” Sa kasulukuyang takbo ng industriya ng pelikula tila sayad sa lupa ang standard ng moralidad nito. Tila nagiging pangkaraniwan na lang sa kanila ang mag-sex kahit hindi mag-asawa. Kung kaya’t yung iba hindi naman talaga iniisip ng mag-asawa sapagkat nagagawa naman nila ang ginagawa ng mag-asawa habang patuloy sa pagsikat at pagkamal ng maraming pera.

Kung ito’y personal at pribadong buhay ng hindi artista, walang gaanong problema. Dahil sila’y artista at may malakas na impluwensiya, mayroong malaking problema. Ang kanilang impluwensiya ay nagiging huwaran ng mga kabataan at maging ng mga katandaan. Pansinin ninyo ang patuloy na pagtaas ng bilang ng teenage pregnancy, ang krimen laban sa mga bata at kababaihan, ang breakdown ng marriages at prostitusyon. Sa maraming dahilan na maisusulat, isa sa mga ito’y ang masamang impluwensiya ng ilang sikat na artista.

Pansinin ninyo ang pagpapalit-palit ng asawa; pagbubuntis ng walang asawa at pagkakaroon ng maraming anak sa labas. Saan ito makikita? Sino ang mga kilalang gumagawa ng mga ito? Di ba’t karamihan mga sikat na artista. Sino ang pinapanood sa telebisyon at pelikula? Di ba’t ang mga sikat na artista. Sino ang may higit na impluwensiya sa mas maraming bilang ng mga tao dahil sa telebisyon? Di ba’t ang mga sikat na artista.

Di ba’t matuwid lang na ang mga hinahangaang artista ay dapat maging mabuting halimbawa? Di ba’t tama lang na yung pakinabang ng kasikatan at karangyaan ay tumbasan naman nila ng tungkulin na maging mabuting huwaran?

ANG DYARYO EMI ay gawaing paglilingkod ng Emmanuel Ministry Institute. Ugaliin ding makinig sa RADYO EMI sa DWBL 1242 tuwing Linggo, alas-7:30 ng umaga. Lumago kasama namin tuwing Linggo, alas-6:30; 8:30; at 10:30 ng umaga; alas-4:30 ng hapon at alas-6:30 ng gabi; at araw ng Miyerkules at Huwebes alas-7:00 ng gabi sa EMI Center. Tumawag sa 4444-777 o mag-text sa 0922-8661029. Bisitahin ang www.facebook.emi.ph.



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 6

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 6
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 6
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 5
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 5
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC