Bababa kaya si Sec. Llamas?


HINDI naman daw makapal ang mukha kundi mahaba lang ang pasensiya ni Presidenital Adviser on Political Affairs (PAPA) Sec. Ronald Llamas kaya hindi pa rin ito nagsasalita sa media hanggang kahapon ng umaga.

Ang nakakainis lang, sobrang dami na ng problema ng gobyernong Aquino kaya sa halip na makatulong pa si Sec. Llamas ay parang bagahe at pabigat pa ito sa administrasyon.

Unang sumabit si Llamas nang makunan ng kamera ang mga bata nito habang ibinababa ang AK 47 at apat pang baril na nakita sa Mitsubishi Montero  na nasangkot sa isang vehicular accident noong Oktubre 7. Nasa Switzerland noong mga panahong iyon ang ‘matulis’ na Cabinet secretary, pero dahil sa kanya nakalisensiya ang baril, naturalmente na walang karapatan ang mga tauhan nito na hawakan at bitbitin ang kanyang baril.

Ikalawa ay nang makunan naman si Llamas habang namimili ng mga pirated DVDs sa isang mall sa Congressional, Quezon City.

Nangyari ang pamimili ng Cabinet secretary sa gitna ng maigting na kampanya ng pamahalaan laban sa mga pirated DVDs na malaking sagabal para mapaunlad ang industriya ng pelikula sa bansa.

Ang mabigat, si NBI Director Magtanggol Gatdula na bagaman pinaratangan lamang sa isang asuntong ginagawa ng kanyang tauhan ay kaagad sinibak ng administrasyon, samantalang si Llamas na sumabit not only once, but twice ay kapit-tuko pa rin sa puwesto.

Kung totoo ang katwiran ni Llamas na para sa mga anak n’ya ang pinamiling DVDs, mali pa rin ito kasi bilang magulang -- higit lalo kung opisyales ka ng pamahalaan -- ikaw pa dapat ang magpayo at maging ehemplo para ’wag tangkilikin ang mga pirated DVDs.

Biro tuloy ng maganda nating tsikadora, baka naman nagmo-movie marathon na si Llamas kaya hanggang kahapon ay hindi pa rin ito lumulutang sa media?

Ikaw ba naman ang mamili ng worth P2,000 na pirated DVDs na tatlo piraso kada P100, tiyak kahit na sandamukal na pop corn pa ang isalang mo sa microwave ay kulang ang isang linggo para matapos itong panoorin.

Ang tanong ngayon ng marami, hihintayin pa ba ni Llamas na sibakin siya ni P-Noy o personal na siyang bababa sa puwesto?

***

Siyanga pala, Sec. Llamas, gaano katotoo na ikaw daw ang may hawak ng P16-million pondo para sa prosecution panel sa Coronavela sa Senado?

Part ba sa multi-million pondo na ’to ang pinamili mong P2,000 pirated DVDs?

Sabagay, isa rin si Sec. Llamas sa natsi tsismis na sobrang takaw sa alak. Iyong tipo bang kulang na lang daw ay beer na ang ilagay sa water dispenser sa kanyang opisina kasi ginagawa na raw tubig nito ang alak araw-araw.

Sana ang mga isyung ito ay masagot ni PAPA Llamas! Sa lalong madaling panahon at period!

***

Uso na rin daw ang hulidap ngayon diyan sa Department of the Interior and Local Government (DILG).

Kaya ang payo ko kay DILG Sec. Jesse Robredo, ipatawag nito sina Supt. Peñaflor at Chief Insp. Guillermo ng Office of Internal Security (OIS) para pagpaliwanagin kung totoo ang pinagsasabi ng isang alyas Bebet Aguas na kailangang magbigay sa kanila  ng tong linggu-linggo   ang mga gambliung lord sa southern part at northern part ng Metro Manila.

Dahil kung hindi, huhulihin sila ng grupo nina Peñaflor saka hihingan ng P25,000 linggu-linggo.

Ayon sa impormante, mahigit P700,000 na ang weekly collection ni Aguas mula sa mga gambling lord sa Metro Manila.

Eh, kaya naman pala tuloy ang illegal gambling sa bansa, mismong pangalan ng mga taga-DILG ay nakakaladkad na ngayon!

Isipin n’yo, kahit wala sa mandate ng Office of Internal Security (OIS) na manghuli at mag-operate, napapaikutan pa sila nitong si Bebet Aguas.

Tama ba ako, Col. Peñaflor at Maj. Guillermo?



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 6

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 6
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 6
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 5
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 5
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC