NAGING maganda ang pagtanggap ng taumbayan, lalo na ang mga negosyante, sa pagpasok ni dating Muntinlupa Rep. Ruffy Biazon bilang hepe ng Bureau of Customs.
Bagama’t hindi nakuha noong nakaraang taon ang target revenue collection ng ahensiya, marami namang ginawang pagbabago si Biazon para isaayos ang durog na imahe ng ahensiya.
Sa katunayan, marami na palang kusang tumigil at napatigil na player sa aduana dahil sa hindi pagsunod sa mga alituntuning ipinapatupad ngayon sa pier.
Ika nga marami nang nagugutom na mandurugas na player dahil ‘di makaporma kay Biazon.
Kaya nga nagulat tayo sa balitang may bagong ipinanganak na player na wala daw kapantay sa kasakiman at katusuhan.
Ito daw ay si Norman na mukha talagang bigtime ang dating dahil resins kaagad ang pinatungang trabaho.
Kung ang normal na bayad sa (benchmark) na ipinapatupad ngayon ay P130 sa 20-footer at P160 sa 40-footer, si Norman daw ay P100k at P120 lang ang binabayaran para sa 20 at 40-footer. At para naman sa ibang kargamento, na kagaya ng general merchandise, food items at iba pang produkto ang pag-uusapan, lagi daw mababa ng P20k ang ibinabayad ni Norman sa itinakdang benchmark.
Ayon sa ating miron, paanong hindi lalakas ang loob ni Norman, isang tauhan daw ni Biazon sa OCOM ang kanyang protektor. Ang tindi nga naman, ‘di ba mga kabayan?
Sabi nga ng ilang reporter sa aduana, wala daw palang ipinagkaiba noong panahon ni Lito Alvarez na isang Cesar na nasa OCOM din ang “padrino” ng mga mandurugas na player.
Male-maletang pera daw ang dinadala noon ng mga player sa opisina ni Cesar, kaya nga sa tingin nila, mukhang pulos bukol ang inabot ni Alvarez sa tauhan niya.
Sa totoo lang, ito rin daw si Cesar ang isa sa dapat isalang sa masusing imbestigasyon sa pagkawala ng 1,900 container na dapat i-tranship sa Port of Batangas.
Marami kasing naniniwala na malaki ang partisipasyon ni Cesar sa pagkawala ng nasabing kargamento Dismayado naman ang ilang BOC insiders. Akala daw kasi nila, nang mawala sina dating Commissioners Boy Morales at Lito Alvarez ay tapos na ang maliligayang araw ng mga mandurugas sa aduana.
Pero dahil nga may sumulpot na namang bagong player, mukhang balik ligaya na naman daw ang mga mandurugas, lalo pa’t protektado ito ng isang taga-Ocom.
Bukod sa mga mandurugas sa Customs, ang isa pang malaking problemang kakaharapin ni Biazon ay ang papalapit na 2013 election. Lalong sasakit ang ulo ni Biazon dahil paboritong pinagkukunan ng political campaign fund ng mga tusong pulitiko ang aduana. Siguradong kabi-kabilang tawag ang tatangapin ni Biazon mula sa mga pulitiko.
Tama ba Cong. Umali?
Oo nga pala, kahit kailangan si Biazon sa BOC ay marami namang nagsasabi na kailangang kumandidato si Com. Ruffy sa pagka-senador sa darating na eleksiyon.
Subok na daw kasi ang galing ni Biazon sa pagiging mambabatas.
Pero Mr. Commissioner, paki busisi mo muna ang mga sumbong tungkol sa tao mo diyan sa Ocom. Mahirap na, baka napapaikutan ka!
Abangan.
MGA REKLAMO AT REAKSIYON
Senador Drilon, sobrang garapal mo. Anong akala mo sa mga tao, hindi alam ang pinaggagawa mo sa impeachment trial. Kung hindi mo kayang maging patas, umalis ka na diyan, nadadamay lang ang mga kasama mong senador -- ED SOTTO ng QC.
Kung nag-resign na lang sana si Corona, hindi na sana nalaman ng sambayanan ang mga tagong yaman nila. Nakakahiya sila -- BEN MENDEZ ng Bulacan.
Kailangan lumabas ang katotohanan sa impeachment trial. Panagutin ang may sala -- MIA PENA ng Cagayan Valley.
Drilon, mag-inhibit ka na lang -- JOSE MANALO ng Manila.
Sec. Luistro, itigil mo na ang kahibangan mo. Sobra na ang paghihirap ng Pilipino kaya huwag mo na munang ipatupad ang anti-poor mong programang pagdaragdag ng 2 taon sa basic education -- JOSEFINA RUBIO ng Ilocos Sur.
Salamat sa text nina RIC CABUSAO ng Manila, ETOY BULURAN ng Bulacan, MARIE PERALTA ng Pampanga, ELMER TOLENTINO ng Pasig, CYNTHIA OLIVEROS ng Mandaluyong, ARLENE P. ng Muntinlupa, LEMUEL DE CASTRO ng Cavite at GERRY WONG ng San Juan.
(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0915-9462777/email:
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 6

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 6
By : Jesli A. Lapus

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 6
By : Winston A. Marbella
FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 5
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo. May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 5
By : Paul M. Gutierrez

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more