Sa dami ng hindi magandang nangyayari ngayon, dapat siguro mag-umpisa na tayong gumawa ng listahan kung sinu-sino ang dapat natin iboto sa darating na eleksyon na naman sa Mayo 2013. Sa darating na taon na ‘yan; or 16 months away; or eleven months na lang actually when they start campaigning next February.
Bago tayo makalimot, bigyan na natin ngayon pa lang ng pansin kung sino ang hindi natin dapat iboto at ito ang panahong magsisulputan ang masasama nilang ugali.
For a change, let’s help our country upgrade the members of the Senate and Congress. Nasa kamay nating lahat na botante ‘yan. Kaya huwag hintayin ang “last minute,” ika nga, at baka kayo magkamali na naman sa di dapat iboto.
On my part, I’ve begun scratching off politicians, both on the local and national level na sa aking pananaw ay walang karapatan maiupo muli sa puwesto.
Ngayon pa lang, naglalabasan na ang tunay nilang kaugalian. Oras na to scratch them off your lists. Huwag hintayin pag malapit na ang eleksyon kung saan magkakaroon sila muli ng pagkakataon na baguhin ang kanilang masamang ugali at imahe upang manakaw nilang muli ang boto ninyo.
Sa campaign period sila nagkakaroon ng pagkakataon baguhin (kunwari) ang kanilang tunay na ugali sa pamamaraan ng kuwarta na kinita sa hindi malinis na paraan; at intense publicity.
Win or lose, let’s exercise our votes based on conscience. ‘Yan ang tinatawag na “conscience vote.” Masuhulan man kayo ng maruming kuwarta, iba pa rin ang iboto ninyo total ang kuwartang iaabot sa inyo ay galing naman sa taongbayan, hindi sa kanilang sariling bulsa.
For once, huwag ibenta ang inyong kaluluwa.
Habang malayo pa ang eleksyon, ito ang panahon na lalabas ang mga kasamaan ng ugali ng mga tatakbo sa 2013. They normally change their strategy as election day nears para ‘yon ang maalaala ng mga botante. They are like chameleons that can easily change their colors.
Kaya ngayon na ang tamang oras para suriin ang mga kakandidato sa darating na eleksyon. May oras pa tayo na kilatisin sila.
May listahan na ako ng mga re-electionists at ng mga nagpapahiwatig na tatakbo sa susunod na eleksyon.
Konting-konti pa lang ang pumapasa sa akin. Sa kauntian, sa gilid pa lang ng nobena na pirmi kong dala sa bulsa ko nagkasya.
May kasabihan nga: “Once a son-of-a bitch always a son-of-a bitch’ for the defect is in their genes, from birth.
Hindi ‘yan nagagamot. Kailangan ipanganak sila muli.
For comments email at
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 6

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 6
By : Jesli A. Lapus

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 6
By : Winston A. Marbella
FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 5
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo. May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more
Published : Friday May 25, 2012 | Category : Opinion | Views : 5
By : Paul M. Gutierrez

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more