Sa isang pugarang itlog, hindi nawawalan ng bugok!


KUNG may mga pulis na nakagagawa ng hindi tama, mabilis ang pagpuna at pagtuligsa natin sa mga tiwali at hindi tamang asal ng sino mang pulis.  Katakut-takot na alimura at paglait ang ginagawa sa lahat ng pulis na tila ba sa kasalanan nung ilan ay idinaramay na pati ang mga walang ginagawang masama at matapat sa pagtupad ng tungkuling nakaatang sa kanilang mga balikat!

Mahigit na 120,000 ang pulis na tagapangalaga ng kaayusang pambayan at kaligtasan ng halos 90 milyon na yatang mga Pilipino, bukod pa ang mga dayuhang nasa ating bansa.  Hindi biro ang bigat ng saguting pasan ng mga pulis, ano po?  Sa totoo lang, marahil karamihan sa atin ay hindi nag-uukol ng pansin sa katotohanang sa ilalim ng ating mga batas, ang pangunahing katungkulan at sagutin ng mga pulis ay pangalagaan ang katahimikan at kaayusang pambayan.

Sa maikling salita, ang tungkuling nakaatang sa balikat ng mga pulis ay tiyakin ang katiwasayan sa lahat ng sulok ng bansa, pati sa mga pinakadulo at pinakaliblib na mga pook para ang bawa’t mamamayan ay mahimbing na makatulog nang walang agam-agam at malaya namang makapaghanap-buhay nang marangal.  Kasi nga, ang katahimikan at kaayusang pambayan saan mang sulok ng daigdig ang tunay na hagdang paakyat sa pagsulong ng kabuhayan ng taong bayan na tiyak na hahantong sa kaunlaran at kasaganaan ng isang bayan.

Kung maligalig at maraming masasamang-loob saan mang pook, tiyak na mag-aatubiling pumunta roon  ang sino man sa pangambang mapagnakawan o maputi pa ang buhay.  Ang ligalig sa isang pook ang dahilan kaya nga walang maaasahang pagsulong at pag-unlad ng kabuhayan ng mga tao.  At sa pagkakataon na gaya nito napapatunayan ang halaga ng husay ng mga pulis na siyang nangunguna sa pagharap sa mga naghahasik ng ligalig at kaguluhan saan mang panig ng bansa.  Subok naman ang husay ng mga pulis sa bayan natin.  Sa mga tauhan ng gobyerno, ang mga pulis ang unang-unang inaasahang lulunas sa mga problemang ukol sa katiwasayang pambayan, lalo na sa panahong ito na higit na mapangahas at tila mandin wala nang kinasisindakan ang masasamang-loob!

Totoo nga sa hanay ng mga pulis ang kawikaang: SA ISANG PUGARANG ITLOG, HINDI NAWAWALAN NG BUGOK!  Sa hanay ng mahigit na 120,000 pulis, mangilan-ngilan lamang ang nasa lihis na landas.  Ang higit na maraming pulis ay nasa tuwid na landas at handang ialay pati sariling buhay sa tungkuling sinumpaan.  Ang mabubuting alagad ng batas na ito ang nagbabantay upang tiyaking ligtas ang taong bayan sa lahat ng saglit nang hindi alintana ang sarili nilang kaligtasan o sukdulang Pasko o Bagong Taon at iba pang mahahalagang pagdiriwang ay wala sila sa piling ng mga mahal sa buhay sapagkat may tungkulin silang ginagampanan para sa sambayanan.

Kapag nakakita tayo ng pulis, lalo na ang sa kainitan ng sikat ng araw ay nagtatrapik para maayos na makadaloy ang mga sasakyan, sana, matutuhan nating pahalagahan ang kanilang pagpapakasakit sa kapakanang panlahat kahit may mangilan-ngilan sa hanay nila na nagiging batik pati sa matatapat, masisipag at matatapang na pulis na handang sumagupa sa mga kalaban ng katahimikan at kaayusang pambayan.



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 5

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 5
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 5
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 4
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 4
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC