Ang panalanging pinakikinggan ng Diyos


NAKAGISNAN natin mula pa sa pagkabata ang panalanging “Ama Namin” o “Our Father” ay paulit-ulit na dinadasal. Nang ituro ito ng Panginoong Jesus sa kanyang mga alagad – wala siyang instensyon na ito’y maging isang mekanikal na dasal na inuusal-usal ng paulit-ulit. Jesus said, “In this manner, therefore, pray: Our Father in heaven, Hallowed be Your name…” [Matt. 6:9-13]  Jesus said, “In this manner, therefore pray…”  Jesus did not say, “Pray this…” or “This then is what you should pray…” Rather he said, “In this manner, thefore pray…” Ibinigay ang panalanging “Ama Namin” o kilala sa tawag na “The Lord’s Prayer” para magsilbing modelo o pamarisan ng tamang pananalangin.

Ang panalangin ay dapat “relational” at hindi “mechanical.” Ang unang linya ng panalangin na itinuro ni Jesus ay nagpapahiwatig ng relasyon natin sa Diyos-Ama. The first line says, “Our father in heaven…” Ang panalangin ay dapat pakikipag-ugnayan ng mga anak ng Diyos sa Amang sumasalangit. Hindi lahat ng panalangin ay “relational.” Mayroong mga taong wala namang relasyon sa Diyos pero nananalangin din sa Diyos. Pinapakinggan ba ng Diyos ang kanilang panalangin? Hindi. Ang panalangin ng makasalanan [hindi anak ng Diyos] ay hindi pinapakinggan ng Diyos. The Bible says, “Now we know that God does not hear sinners; but if anyone is a worshiper of God and does His will, He hears him.”[John 9:31] Totoong lahat naman tayo’y makasalanan [Roma 3:10, 23]. Ngunit kapag ang isang tao ay naniwala at tumanggap sa ating Panginoong Jesu-Cristo, siya’y nagiging anak ng Diyos. Apostle John writes, “But to all who believed him and accepted him, he gave the right to become children of God.” [John 1:12] At kung ikaw ay anak na ng Diyos dahil sa iyong pagsampalataya sa Panginoong Jesu-Cristo – mayroon ka ng karapatan manalangin ng “Ama namin.”

Ang isa sa mga maling akala ng mga tao sa panalangin – ang panalangin ay para lang sa mga may problema o kaya’y mayroong malaking pangangailangan. Kung wala ka namang kailangan sa Diyos, eh bakit gagambalain mo pa siya. Maling-mali ang ganitong akala. Kung ito’y totoo, dapat sana’y huwag ka ng mawalan ng problema para lagi kang nananalangin. Mayroong mga tao na ang tingin sa Diyos ay parang ambulansya – na kailangang tawagin sa panahon ng emergency. O kaya’y pulis, na kailangang tawagin sa panahon ng panganib. Kung minsan nama’y ang Diyos ay nagmimistulang bumbay, na kailangang tawagin sa panahon ng pinansyal na pangangailangan – kahit na may tubo, puwede na rin.

Ang kawalan ng tamang relasyon sa Diyos nagdudulot ng maling panalangin. Ang panalangin kasi ay ugnayan ng mga anak ng Diyos sa kanilang Amang sumasalangit. Ang panalangin ng mga makasalanan [mga hindi pa anak ng Diyos] ay hindi pinakikinggan ng Diyos. Listen up, the only prayer God hears from sinners is the prayer of repentance and acceptance. Ang tanging panalangin na pinapakinggan ng Diyos mula sa taong makasalanan ay ang panalangin ng pagsisi at pagtanggap. Naalala ‘nyo ba yung isang magnanakaw na kasama ni Jesus na napako sa gawing kanan. Ang wika niya “Jesus alalahanin mo ako pagdating mo sa iyong kaharian.” Ang tugon ni Jesus sa kanya, “Ngayon din isasama kita sa paraiso.” Pinakinggan ni Jesus ang munting panalangin ng isang makasalanang nagsisisi at tumatanggap. Ang buod ng kanyang kahilingan ay puno ng pananamplataya na si Jesus ang hari ng mga Judio, ang Mesias – ang Tagapagligtas!

Sa panalangin na itinuro ng Panginoong Jesus – hindi lang siya ang may karapatan tumawag sa Diyos na Ama. Kundi binigyan niya rin tayo ng karapatan tawagin ang Diyos na Ama. Ang pagiging anak ng Diyos ni Jesus ay base sa walang hanggan niyang kaugnayan sa Ama. Christ’s sonship is based on eternal generation. Ang tawag sa kanya ay “Bugtong na Anak” sa wikang Ingles, “Begotten Son” [John 3:16]. Tayo nama’y naging anak ng Diyos base sa “pagkupkop” o sa wikang Ingles ay “Adoption.” Apostle Paul writes, “For you have not received a spirit of slavery leading to fear again, but you have received a Spirit of adoption as sons by which we cry out, ‘Abba! Father!’” [Rom. 8:15] Furthermore, he writes, “And because you are sons, God has sent forth the spirit of His Son into our hearts crying, ‘Abba! Father!’” [Gal.4:6]

Ang panalangin ay relasyon sa Diyos. Nais mo bang magkaroon ng relasyon sa Diyos? Tanggapin mo ang Panginoong Jesus sa iyong puso at ikaw ay magiging anak ng Diyos – at ang panalangin ay magkakaroon ng mas mataas na kahulugan kaysa paghingi – ang panalangin ay relasyon sa Diyos!

Basahin mo ng taus-puso ang panalangin na ito at magkaroon ng tamang relasyon sa Diyos. “Panginoon Jesus, ako po ay makasalanan. Patawarin mo po ako sa aking mga kasalanan at tinatanggap kita sa aking puso bilang Panginoon at sariling Tagapagligtas. Sa pangalan ni Jesus, amen”

ANG DYARYO EMI ay gawaing paglilingkod ng Emmanuel Ministry Institute. Ugaliin ding makinig sa RADYO EMI sa DWBL 1242 tuwing Linggo, alas-7:30 ng umaga. Lumago kasama namin tuwing Linggo, alas-6:30; 8:30; at 10:30 ng umaga; alas-4:30 ng hapon at alas-6:30 ng gabi; at araw ng Miyerkules at Huwebes alas-7:00 ng gabi sa EMI Center. Tumawag sa 4444-777 o mag-text sa 0922-8661029. Bisitahin ang www.facebook.emi.ph



Opinion

Comelec’s en banc decision (2)

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 5

Comelec’s en banc decision (2)

I have filed my Motion for Reconsideration with the Commission on Elections last May 21 on the grounds that: 1. “Procedurally the subject resolution disregarded for the rule on evidence that only authenticated copies are admissible, and made out a case not materially alleged by the complainant in his criminal... Read more

Hinahon hindi tensyon

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 5
By : Jesli A. Lapus

Hinahon hindi  tensyon

HINDI daw talaga tayo ang may-ari ng mga yaman sa mundo, tagapangalaga lamang tayo nito para sa mga susunod na henerasyon. Magandang pagmuni-munihan ito sa gitna ng patuloy na umiinit na tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China dahil sa pinagtatalunang Scarborough Shoal. Paano pa kaya ang Spratly’s? Paano... Read more

Courage defies arrogance of power

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 5
By : Winston A. Marbella

FOR Sen. Joker Arroyo, the impeachment trial of Chief Justice Renato Corona goes far beyond that. He has called the dangerous trajectory of the Aquino presidency as a blatant grab for power “disguised as transparency.” Senator Arroyo, a human rights lawyer who served as President Cory Aquino’s first executive secretary,... Read more

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 4
By : Atty. Persida Rueda-Acosta

‘Malaya kayong magpakasal ng inyong live-in partner’

Kgg. na Chief Acosta, Nais ko po sanang humingi ng advice sa inyo.  May mga anak ang aking asawa sa kanyang dating kinakasama. Nagkasundo sila sa P4,000 sustento buwan-buwan. Ang kapatid po ng dating kinakasama ng aking asawa ang siyang nag-aalaga noon sa mga bata. Ngunit, ipinagtabuyan niya ang mga... Read more

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

Published : Friday May 25, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 4
By : Paul M. Gutierrez

Laguna Rep. Arago, tagilid sa 2013 election?

BAGO ang lahat, kudos muna ulit sa Laguna PPO sa pangunguna ni PD Gilbert Cruz, matapos madakma ng kanyang mga tauhan sa San Pedro itong si Ester “Estela” Concepcion, isang katiwaldas, ehek, kasambahay, na marami ng kaso ng pagnanakaw sa kanyang mga naging “amo” sa Metro Manila. Ayon na rin... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC