Sino ang dapat sisihin sa shabu laboratory shipment?


BINABATI natin ang Bureau of Customs (BOC) sa pagsakote ng anim na container van sa Port of Manila (POM) noong Martes na naglalaman ng mga kagamitan at ingredients sa paggawa ng shabu.

Kung nakalusot kasi ito, panibagong problema ito sa ating dati nang malaking problema sa iligal na droga kung saan “sikat” ang ’Pinas hindi bilang “Asia’s illegal drug transshipment capital” kundi, bilang “manufacturing base” ng mga international drug syndicates.

Sayang nga lang at malinaw na sa simula pa lang ay “sunog” na ang plano ni Comm. Ruffy Biazon na tukuyin kung sino ang mga aktwal na nagparating ng naturang kargamento at alamin kung saan ito dadalhin.

Wala na kasing nag-file ng “customs entry” na dapat sanang nangyari kaya lang nabuksan ang kargamento ay deklarado na itong “abandoned shipment.”

Ang siste pa, nang “sugurin” ng mga tauhan ni Depcomm. Danny Lim ang opisina nitong “WA Bitangcor Enterprises” sa Binondo noong Miyerkules, “abandoned” na umano ang opisina nito.

At kung “misteryo” pa rin kay Comm. Ruffy at Depcomm. Danny ang pagkatao nitong si “Wildredo Bitangcor” na siyang nakalagay sa “shipping manifest” bilang importer, ang malinaw, mga bosing, ay PRENTE lang ang kanyang kumpanya ng tinatawag na “Tolentino Brothers” na ayon sa ating mga miron d’yan sa pantalan ay siyang tunay na may-ari ng WA Bitangcor Enterprises.

Sa imbestigasyon, mga kabayan, nabisto pa ni Comm. Ruffy na pulos PEKE umano ang mga ginamit na dokumento ng nasabing trading company para makakuha ng rehistro at lisensiya sa BOC.

Sa tanong ni Comm. Ruffy kung “sino” ang mga corrupt, ehek, ungas, oops, pabayang mga opisyal ng BOC, ang responsable kung bakit kahit mga pekeng kumpanya ay narerehistro sa BOC, aba’y dapat niyang “paluhurin” sa isang bilao ng munggo ang mga nagmamando sa ICARE (Interim Customs Accreditation and Registration Unit), hanggang umamin ang mga ito kung sa magkanong halaga sila naareglo para mabigyan ng rehistro at lisensiya ang mga pekeng kumpanya tulad ng WA Bitangcor Enterprise.

Aber, kahit kasi sa hanay ng mga brokers at importers, hindi sila nasisindak dito sa ICARE dahil ang tsismis na nadadampot natin, talamak din ang “ayusan” dito kung saan sa halagang P20,000 pataas, kahit poste ng Meralco ay puwedeng gawing business address ng mga smugglers.

Sa madaling salita, para lang nag-a-apply ka sa LTO kung saan sa halagang P4,000, may lisensiya ka na kahit bisikleta ay hindi ka marunong magpatakbo, hehehe!

’Yun nga lang, ang ICARE ay nasa ilalim ni Depcomm. Peter Manzano ng Revenue Collection and Monitoring Group (RCMG), ang kasabwat, ehek, kaibigan, ni Executive Secretary Paquito “Jojo” Ochoa.

Kaya ang tanong: Kaya naman kayang disiplinahin ni Comm. Ruffy itong ICARE/RCMG eh, itong si ES Ochoa ang “nakapatong” oops, “nakapayong” sa mga kabalbalan, ehek, aktibidades nito?

Take note: Bukod sa ICARE, na siyang responsable kung sino at aling kumpanya ang puwede lang magpasok ng kargamento sa ating mga pantalan, ito ring si Depcomm. Manzano ang binigyan ng kapangyarihan sa pagsupil ng mga smugglers bilang hepe ng “Run After Smugglers” (RATS) program ng BOC.

Yes, dear readers, sobra-sobrang kapangyarihan ang naibigay ng Malacañang dito sa grupo ni ES Ochoa pagdating sa operasyon ng BOC at kampanya laban sa smuggling.

Ito kaya ang dahilan kung bakit kahit araw-araw nating punuin ang pahinang ito ng mga reklamo at sumbong hinggil umano sa mga smugglers na “protektado” umano ng “Ochoa Group,” walang mangyayari, ganu’n ba ’yun ES Ochoa?

At any rate, sa ginagawang kapabayaan ng mga bataan mo d’yan sa ICARE/RCMG, aba’y buong laboratoryo na ngayon ng mga drug syndicates ang ipinapasok nila dito sa ’Pinas! Hindi ba nakababahala ang ganitong sitwasyon, mahal na Pang. Noy?

At mabalik tayo dito sa Tolentino brothers, mga kabayan. Nalaman pa natin na kaya pala sa Port of Manila (POM) lang ito “nagpaparating” ay dahil “tamang hinala” sa lahat ng kanyang kargamento ang mga taga-Assessment ng Manila International Container Port (MICP).

“Pare, lahat kasi ng kargamento ng mga ’yan, pulos tagilid; marami na silang ipinahamak na mga taga-Customs,” banggit pa ng ating mga miron.

Ang ibig bang sabihin nito, mas gahaman, ehek, mas “malalakas ang loob” ng mga tauhan at opisyal sa POM, ganun ba ’yun, Coll. Rogel Gatchalian?

* * * *

Maganda ang ginagawa ni Pagcor Chairman Bong Naguiat na balasahin ang mga opisyal at miyembro ng Hyatt internal security (IS), na ilang beses na nating naisulat dito ang ginagawang pag-abuso sa kanilang mga posisyon.

Sa nalaman natin, itinapon, ehek, inilipat na sa Pagcor Cebu ang dating Hyatt chief security na si Mr. Ricky Recto at babalasahin na rin ang ilan niyang mga tauhan na sandamakmak na ang reklamo ng mga nagpupunta d’yan sa Hyatt casino.

Patunay lang na sa ilalim ng administrasyon ni Chairman Naguiat, ang lahat ng mga kabalbalan ay may katapusan! Mabuhay ka, Chairman Bong, dahil ikaw na lang yata ang iilan sa mga opisyales ng gobyernong Aquino na alam ang ginagawa at nagpapahalaga sa ibinigay na responsibilidad ni P-Noy.

(For reaction, text at 09274711475 or email at This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. ).



Opinion

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Mario F. Fetalino Jr.

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang  kinakapitan. Okey na sana itong... Read more

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 57
By : Jess V. Antiporda

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Vic Reyes

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more

The shoal

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 54

The shoal

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we  safeguard the sovereignty dispute,... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC