Kahit may kapansanan, dapat nasa eskwela


ANG Lunes, Enero 28, ay itinakda ng Department of Education bilang National Early Registration Day sa lahat ng pampublikong paaralan, elementarya at sekundarya.

Hinihimok ng kampanyang ito ang mga magulang, local government units at mga sibikong samahan na kilalanin at dalhin sa mga public schools ang mga batang nasa edad lima hanggang 18 upang magpalista para sa pasukan sa Hunyo.

Mas pinalawak pa ang sakop nito kumpara noong isang taon na kinder, Grade 6 at First year high school lang ang kasali sa early registration. Sa school year 2012-2013, kasama sa magpapalista ang mga out-of-school children, out-of-school youth at maging ang mga kabataang may kapansanan o may physical at learning disabilities.

Ibig sabihin, wala na tayong excuse o dahilan  na kaya hindi pumapasok ang mga differently-abled ay dahil may dinaramdam o kapansanan sila. Mas dapat nga silang ipasok sa paaralan upang mabigyan ng tsansa na ilabas ang kanilang potensyal.

Maganda ang programang ito na sinimulan na natin dati sa ilalim ng programang Child Find noong tayo pa ang kalihim ng DepEd. Bahagi ang kampanyang ito ng “Education For All” sa 2015 na sinusugan ng Pilipinas.

Ano ang tunay na kahalagahan nito? Kung seryosong maipatutupad ito hindi lang ng DepEd kundi sa suporta din ng lahat ng sektor ng lipunan, wala dapat batang naiiwanan ng pagkakataong makapag-aral. Ang lahat ng school-aged children ay dapat nasa paaralan, hindi nagtatrabaho o lumalaboy sa mga lansangan.

Kinakailangan ng gobyerno ng malaking  makinarya upang maayos na maipatupad ito. At muli, kailangan nating bisitahin ang isang usapin na kahit tila laging iniiwasan ay kailangang harapin. Ito ay ang patuloy na paglobo ng populasyon na hindi matugunan ng limitadong  resources ng pamahalaan. 

Ang DepEd, kagaya ng Department of Health at Department of Social Welfare Development ang mga ahensiya ng pamahalaan na direktang nakadarama, nakakaamoy at nakikita ang kahirapan. Natural na sila din ang nasa posisyon  upang tawagin ang atensyon ng mga kinauukulan sa mga suliraning dulot ng hindi malinaw na polisiya sa population management. Sana magkaroon na tayo ng consensus dito. Kung hindi, madami  tayong Child Find na kailangang gawin upang hindi  maulit ang paikut-ikot lang na trahedya ng kahirapan.

Salita sa bahay, salita sa buhay

Kwentong edukasyon pa rin. Ayon sa mga ulat, sa pasukan ngayong Hunyo, ipapatupad na ng DepEd ang mother-tongue-based multi-lingual education (MTB-MLE) mula kinder hanggang Grade 3. Ibig sabihin, kung Tagalog o Ilokano o Bisaya ang ginagamit nilang salita sa loob ng bahay, ito rin ang gagamiting salita sa pagtalakay sa mga aralin sa loob ng silid-aralan.

Sinusuportahan natin ang hakbang na ito at bahagi din ito ng ating mga nakaraang programa sa DepEd. 

Bakit mahalaga ang paggamit ng salitang ginagamit sa loob ng tahanan sa loob ng eskwelahan? Una, kung naiintindihan ng bata ang lahat ng pinag-uusapan dahil pamilyar siya sa wika, mas malalim niya itong mapoproseso  at maaari siyang makibahagi sa diskusyon.

Kunyari English ang medium of instruction o Tagalog, kailangan pang magsalin o mag-translate ng isang estudyanteng Waray sa kanyang isipan bago niya maipahayag ang kanyang saloobin at kailangan pa niyang ipahayag ito sa wikang hindi naman niya nakasanayan. Sa prosesong ito, maraming nawawalang ideya at nasasayang na pagkakataon na masabi ng buo  ang tunay na laman ng kanyang isipan. Ang sinasabi natin, ang salitang gamit sa bahay ay mabisang gamitin upang matuto sa buhay.

Subalit hindi naman ibig sabihin ay isasantabi ang wikang Tagalog na siyang pambansang wika o ang wikang English na international language of business and diplomacy. Unti-unti, ipapasok ang mga ito sa mga aralin habang tumataas ang antas ng pag-intindi ng bata. Kumbaga, pinapa-arangkada lang muna ang wikang kinagisnan.

Kinumpirma kasi ng mga pag-aaral na kapag nahasa na ang critical thinking at pag-unawa ng bata sa unang yugto ng kanyang pag-aaral, mas madali na siyang matuto ng iba pang wika.

At isa pa, mapapanatili at mapapatibay ng estudyante ang koneksyon sa kanyang pinagmulan o cultural roots.

Doktor ng kalooban?

Sa panahon ng maraming pagbabago, pati pagtingin sa medisina at pagpapagamot ay nababago na rin.

Sa paggulong ng panahon, tila dumarami na rin ang gustong bigyan ng tsansa ang ginhawa at lunas na maaaring idulot ng eastern medicine o mga kaalamang panggagamot na nagmula sa kanluran, partikular sa  China.

At iba pa rin ang sinasabi ng holistic medicine na isa namang klase ng paggagamot kung saan tinututukan ang lahat ng aspeto ng buhay ng pasyente -- ang kanyang katawan, isipan, lipunang ginagalawan at maging ang kapaligiran. Kakaiba ang holistic medicine kasi  ang gusto nitong  pagalingin ay ang buong pagkatao o ang kabuuan ng pasyente pati na ang laman ng kanyang kalooban.

Ano ang palagay ninyo dito? Ang sakit nga bang pisikal ay nag-uugat sa mas malalim na sakit sa kalooban ng tao?

(Email: This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. )



Opinion

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Mario F. Fetalino Jr.

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang  kinakapitan. Okey na sana itong... Read more

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 57
By : Jess V. Antiporda

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Vic Reyes

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more

The shoal

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 54

The shoal

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we  safeguard the sovereignty dispute,... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC