Prosecutors walang naipanalong kaso vs droga sa ARMM


MANINIWALA ba kayo na walang sinuman ang na-convict para sa anumang drug-related offense sa mga probinsyang sakop ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) simula noong 2003?

Opo, siyam na taon nang walang naipapanalong kaso ang government prosecutors laban sa drug suspects sa mga lalawigan ng Basilan, Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu at Tawi-tawi!

Ito’y sa kabila ng sangkaterbang mga kaso na naisampa ng mga awtoridad laban sa daan-daang suspected drug traffickers sa loob ng nasabing panahon.

Sa probinsya lang ng Sulu, 137 illegal drug cases ang ibinasura ng korte mula noong 2003, ayon sa datos ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Karamihan sa naturang mga demanda ay na-dismiss dahil lamang umano sa kung anu-anong teknikalidad!

Sadyang napaka-inutil ba ng mga taga-usig ng pamahalaan kaya wala silang mapa-convict na suspect? Hindi kaya palpak kumalap ng ebidensya ang mga arresting officers kaya’t mahina rin ang kanilang naisasampang kaso? Posible kayang puro corrupt ang lahat ng opisyales na humawak sa mga kasong ito?

Para matukoy kung ano talaga ang sanhi ng zero-conviction rate sa ARMM, isang test case ang isinampa ng PDEA sa korte. Ang test case na ito ay maituturing na halos “sure win case” dahil “perfect” ang pagkakasunod sa lahat ng legal procedures mula sa pagkakaaresto sa suspects hanggang sa pag-iingat ng tinatawag na chain of evidence.

Ayon sa PDEA, bihira na magkatugma-tugma ang lahat ng mga bagay para makabuo ng isang napakasolido na kaso laban sa suspected drug pushers.

Ibinasura pa rin po ng judge ang ating perfect test case! Ang dismissal ng kaso ay sanhi muli ng isang walang kwentang teknikalidad na tila ’yung judge lamang ang nakakaunawa?

Dahil sa kasong ito, malinaw na sa amin kung ano talaga ang dahilan kung bakit abswelto lahat ang nahuhuling mga drug traffickers sa ARMM!! Hindi ko na po kailangan linawin sa inyo kung saan nagaganap ang hokus- pokus!

Mahirap na at baka mapukol pa tayo ng kung anu-anong mga kasong contempt! Pero palagay ko, nauunawaan n’yo na po ang mga pinatutungkulan ko!

At ’yan po ang malungkot na katotohanan!

* * * *

Sa aking opinyon, dapat siyasatin din ng Kongreso ang ilang mga hukom sa regional trial courts sa halip na mag-focus lamang sa punong mahistrado ng Korte Suprema.

Aminado ang mga mambabatas na ang impeachment proceedings ay isa lamang political exercise subalit pinababayaan pa rin nila na ikonsumo nito ang panahon ng Senate at House of Representatives.

Samantala, walang sumisilip sa mga kahina-hinalang acquittal ng mga drug suspects sa RTC level!

Hindi ko sinasabi na kalimutan na natin ang impeachment proceedings laban sa Chief Justice. Sinasabi ko lang na dapat tingnan natin ang mas malawak na larawan para masolusyunan natin ang mga problema ng buong judicial system. At batay sa mga impormasyon na aking natatanggap, malalim at malawak ang problema ng ating hudikatura!

Nais kong maniwala na karamihan ng bumubuo sa Judiciary ay mga taong tapat sa kanilang tungkulin. Ngunit dahil ang mga hukom ay mga tao lamang, hindi malayo na mayroon ilan sa kanila ang natutukso at nasisilaw sa drug money. At may mga indiksyon na ganyan na nga ang nagaganap sa ARMM kung kaya’t walang nagbubungang drug cases doon.

Maaaring mali ang aking hinala. Sana nga walang corrupt na judge sa ARMM o sa anumang bahagi ng ating bansa. Subalit hindi natin malalaman ang kasagutan kung walang maglalakas ng loob na mag-imbestiga. Palagay ko ay trabaho rin iyan ng mga kongresista dahil sila ang pinaka-mahihilig sa mga expose!

Ang checks and balances na ipinagkakaloob ng Saligang Batas sa tatlong sangay ng gobyerno ay dapat gamitin para tugunan ang mas malawak na problema ng ating lipunan at hindi para lamang usigin ang isang indibidwal.

* * * *

Bakit kaya sa tuwing umiinit ang isyu tungkol sa presyo ng mga produktong petrolyo, bigla na lamang nagkakaroon ng rollback sa presyo?

Malinaw na sensitibo ang mga oil companies sa public opinion. Subalit parang napakadali pala sa kanila na magbaba ng presyo kapag nararamdaman nilang ubos na ang pasensya ng taumbayan?!

Tila may buffer sa ipinatutupad nilang mga oil price hike para siguruhin na kikita pa rin sila kung sakali na mapilitan man silang mag-rollback ng kaunti!

Hindi natin matutuklasan ang katotohanan habang hindi naamyendahan ang Oil Deregulation Law. Walang duda na ang consumers ay mayroon ding natamong pakinabang mula sa deregulasyon ng industriya ng langis.

Dahil sa liberalisasyon ng industriya, nagkaroon tuloy ng mas maraming oil players sa halip na tatlong higanteng oil firms lamang. Ngunit ito rin ay nagbigay daan para mamatay ang transparency at accountability sa lokal na industiya ng langis.

Ayon sa mga oil executives, hindi sila maaaring akusahan ng overpricing sapagkat sa ilalim ng batas ay malaya silang magtakda ng presyo alinsunod sa pangangailangan ng kanilang mga kompanya!

Sa ganang akin, kahit mayroon deregulation, posible pa rin magkaroon ng overpricing kung nagpapatubong-lugaw ang mga oil companies! Hanggang hindi nabubuksan ang mga libro ng oil firms, hindi mabubura sa isip ng publiko ang hinala na baka sinasamantala ng mga ito ang volatility sa world market para magpatubo ng lubusan!

Dapat magmungkahi ng isang amendment sa Oil Deregulation Law na nagbibigay-daan sa mas masusing monitoring sa income ng mga oil players.

Hindi natin layunin na supilin ang free enterprise dahil batid natin na ito ang pundasyon ng isang malakas na ekonomiya. Subalit dahil ang langis ay kabilang sa mga basic necessities, obligasyon din ng gobyerno na gawin abot-kamay ito sa mas nakararaming mamamayan.

Bawasan po natin ng kaunti ang kapangyarihan ng oil industry! Isa pa itong isyu na dapat bigyan ng kaunting atensyon ng ating mga mambabatas.

* * * *

Ginanap kahapon ng umaga ang official turn-over ng directorship position ng Dangerous Drugs Board (DDB) na aking sinaksihan at ng mga empleyadong bumubuo ng DDB.

Inilipat ni dating OIC-Executive Director at DDB Permanent Member Usec. Edgar C. Galvante ang tungkulin sa newly-appointed Acting Executive Director na si dating Philippine Navy Rear Admiral Jorge de Guzman Necesito.

Hangad ko ang isang mabungang taon, pagmamahalan at pagkakaisa para sa pamilya ng DDB.

(Para sa inyong impormasyon, suhestiyon, o reklamo, mag-text lamang po kayo dito sa number ko: 09159509746 o di kaya ay mag-email sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. )



Opinion

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Mario F. Fetalino Jr.

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang  kinakapitan. Okey na sana itong... Read more

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 57
By : Jess V. Antiporda

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Vic Reyes

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more

The shoal

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 54

The shoal

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we  safeguard the sovereignty dispute,... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC