Pedestrians nanganganib sa inalis na footbridge sa Baclaran


MULA nang alisin ng mga awtoridad ng Parañaque sa ’di malamang dahilan ang ‘footbridge’ sa harap ng Baclaran Redemptorist Church ay nanganib na ang buhay ng maraming taong tumatawid sa lugar.

Salimbawan ang pagtawid ng mga tao na nagiging dahilan ng pagkabundol ng ilang   tumatawid doon.

At ang pangunahing dahilan ay ang mabibilis na sasakyang tumatahak sa Roxas Boulevard at kawalan ng mga traffic enforcers upang mangalaga sa daloy ng trapiko at gumabay sa mga taong tumatawid sa lugar.

Hanggang sa kasalukuyan ay walang itinatalagang mga enforcers ng Metro Manila Development  Authority (MMDA) sa naturang lugar kung kaya’t nangangamba ang mga concerned citizen na marami pang tao ang masasaktan at maaaring mamatay kung masasagasaan.

* * * *

Nagbabanta ang isang malagim na kaguluhan sa isang lugar sa Navotas City partikular sa dalawang kalye doon na kamakailan ay may naganap na patayan.

Nangangamba ang mga residente ng isang kalye na napapagitnaan ng dalawang kalye na kung saan  dalawang grupo ang  maaaring maggantihan dahil sa pagkamatay ng isang di nakilalang biktima at malubhang pagkasugat ng kasama nito na nakilalang isang alias Aries, na parehong nagtamo ng maraming mga saksak sa kani-kanilang mga katawan.

Pinagsasaksak po ng suspect na si alias J.M. at mga kasama nito ang mga  biktima sa kanto ng Tuazon Street at Governor Pascual Street sa Barangay San Jose, Navotas City, noong linggo ng gabi.

Ang mga biktima ay isinugod sa malapit na pagamutan kung saan ang kasama ni alias Aries  na parehong nakatira sa Bagong Silang Street ay namatay matapos mangyyari ang pananaksak sa pagitan ng alas-9 at alas 10 ng gabi.

Ang mga residente naman na  nakatira sa Dos Martirez Street  na napapagitnaan ng Tuazon at Bagong Silang Street ay nangangamba sa maaaring maganap na gantihan dahil hindi umano nagdemanda ang mga kaanak ng mga biktima at baka sila ay madamay.

Kaya ang resulta, pagkagat pa lang ng dilim ay abandonado na ang mga nasabing mga kalye at walang nakikitang nakaistambay o naglalakad sa lugar.

Sana naman daw ay magtalaga ng mga pulis  ang Navotas Police Station upang magbantay sa nasabing lugar na nasasakupan ng Barangay San Jose.

Hindi umano pinapansin ang mga barangay tanod at mga baranggay officials sa lugar at hindi  kayang pangalagaan ng mga ito ang katahimikan doon.

Ang mga suspect ay hindi lang minsan nakagawa ng pamaaslang at pananakit sa lugar upang magpasikat umano ito gayundin ang mga kaanak at kagrupo ng mga ito na pawang mga dayo sa lugar. 

* * * *

Nananawagan naman ang mga commuters at residente sa may Pedro Gil Street dahil sa naghambalang na mga sasakyan sa kanto ng Taft Avenue at Pedro Gil na sanhi ng pagkakabuhul-buhol ng trapiko sa Taft Avenue kahit na hatinggabi.

Walang araw na di nabalam ang trapik sa Taft Aveue bunga ng walang modo at walang kinikilalang batas trapiko ang mga tsuper sa lugar sa maghapon.

At ang dahilan umano ng pagbababad sa nasabing kalye ng walang mga modong dyipni driver ay ang malaking tong-pats at lagay na ibinibigay ng mga ito sa mga awrtoridad.

Kung nagsisikip man ang trapik sa Taft Avenue bunga ng nakahambalang na mga pampasaherong dyipni sa kanto ng  Pedro Gil at Taft Avenue ay gayundin umano ang nangyayari sa kanto ng Kalaw Street sa tabi ng Jollibee.

Hindi din umaalis sa kanto ng Kalaw Street ang mga dyipni driver hangga’t  hindi puno ang kanilang mga dyipni na biyaheng Project 6 at iba pa.

Wala ding mga awtoridad ng trapik ang pumapansin sa pang-aabusong ito ng mga jeepney driver dahil din sa lagayan.

* * * *

Sa mga nagnanais na makatulong para magkaroon ng kapayapaan sa kani-kanilang mga lugar lalo na iyong may mga nangyayaring krimen, mangyaring makipag-ugnayan sa akin sa pamamagitan ng cellphone number ko ng 09179993555 at 09995080777 at e-mail address na jessvant @yahoo.com. MARAMING SALAMAT PO!



Opinion

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Mario F. Fetalino Jr.

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang  kinakapitan. Okey na sana itong... Read more

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 57
By : Jess V. Antiporda

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Vic Reyes

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more

The shoal

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 54

The shoal

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we  safeguard the sovereignty dispute,... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC