MALUNGKOT na balita. Ayon kasi sa National HIV and AIDS Registry, umabot na ng 8,364 ang bilang ng mga kababayan nating may AIDS hanggang 2011.
Sa bilang na ito, 2,349 ang mga bagong kaso na naitala noong nakaraang taon. Kasama ang 268 infections na nai-report noong buwan ng Disyembre.
Ang masakit nito, lalo pang dumami ang OFWs na nagkasakit ng HIV-AIDS noong 2011 kumpara noong 2010.
Ang nakalulungkot pa, 97 porsiyento ng mga OFWs na may AIDS ay nahawa sa pamamagitan ng “unsafe sexual contact.”
Ang mahirap kasi, saka lang nalalaman ang mga bagong dinadapuan ng HIV-AIDS kung sila mismo ang boluntaryong nagpapasuri o nagpapagamot.
Mula 1984 hanggang noong katapusan ng nakaraang taon ay mayroon nang 1,794 migranteng Pinoy na HIV positive o may full-blown AIDS, ayon kay LPG Marketers’ Association Rep. Arnel Ty.
Dahil ayaw pandirihan ng mga kamag-anak, kaibigan, kakilala at kapitbahay ay pilit na inililihim ng may AIDS ang kanyang nakahahawang sakit. Ang mahirap nito, pwede siyang makahawa ng iba.
Kaya nga dapat maglunsad ang gobyerno ng isang makatotohanang information dissemination tungkol sa HIV-AIDS.
Siyempre, kailangang sumama sa kampanya ang pribadong sektor kung gusto nating mapigil ang paglaganap ng sakit na ito.
Marami ang nagsasabi na nahihirapan ang mga otoridad na pigilin ang pagkalat ng sakit na ito dahil ipinagbabawal ng National AIDS Prevention and Control Law ang sapilitang HIV-AIDS testing. Kaya naman panahon na siguro para baguhin ang ilang probisyon ng nasbing batas.
At bago payagang lumabas ng bansa ang isang OFW ay kailangang dumalo muna siya sa isang seminar tungkol sa nakakapandiring sakit na ito, lalo na ang mga OFW na magtatrabaho sa mga bansang laganap ang mga bahay-aliwan.
Kung minsan kasi, dahil sa labis na kalungkutan, ’di natin maiaalis sa iba nating kalalakihang OFWs na paminsan-minsan ay magpalipas ng oras sa mga bahay-aliwan sa ibang bansa.
Sabi nga ni Congressman Ty, “Easy access to paid sex services overseas has made many OFWs extremely exposed to HIV.”
’Yan ang malungkot na katotohanan.
* * * *
Noong una ay nandiyan ang mga nakalalasong laruan ng mga bata na nabibili sa maraming parte ng bansa.
Dahil sa public outcry, napilitang maglunsad ang gobyerno ng kampanya para alisin sa merkado ang mga laruang ito.
Ngayon naman, marami daw Chinese lucky charms at ornaments ay masama sa kalusugan ng tao.
Sinabi ni Aileen Lucero ng EcoWaste Coalition, isang environment group, ang mga produkto ay dumaan sa tinatawag na XFR analysis para malaman kung nagtataglay nga sila ng mga toxic substances.
Pinayuhan ni Lucero ang mga manufacturer na palitan nila ng non-toxic ingredients ang mga toxic substances para maiwasan ang pagkalason ng mga gumagamit nito.
Nakiusap din si Lucero sa importers, distributors, sellers at consumers na “they should all demand nothing less than safe products.”
Ang mahalaga ay mag-ingat ang publiko sa kanilang pamimili dahil nagkalat nga ang mga produktong may nakalalasong substances.
At kung maaari lang ay magsagawa ang gobyerno ng surprise visit sa mga palengke at shopping mall.
Ito ay para malaman kung talagang walang toxic products na pinagbibili sa mga nasabing mga pamilihan.
Sakaling may mga mahuli, hindi lang dapat kumpiskahin ang mga paninda, kasuhan rin ang mga nagtitinda para huwag silang pamarisan ng iba.
Ayon sa EcoWaste Coalition, lumalabas sa kanilang pagsusuri na 14 sa 30 lucky charms at ornaments na binili nila ay naglalaman ng lead at toxic metal substances. Kaya naman, marapat lang na kumilos na agad ang ating mga otoridad.
Huwag na nating hintaying may malason o mamatay!
MGA REKLAMO AT REAKSIYON
Malaki ang maitutulong ni Sen. Miriam Santiago sa impeachment trial dahil sa kanyang mahabang karanasan bilang huwes -- ALLAN DE LEON ng Makati.
Hindi dapat mag-resign si Enrile bilang presiding judge ng impeachement trial. Siya lang ang nagdadala sa buong Senado. Ang dapat nga ay mag-inhibit na si Drilon dahil kita agad na may kinikilingan siya -- SHIRLY ADRIANO ng Mandaluyong.
Salamat sa text nina FERDIE QUINTO ng Manila, BETH CRUZ ng Bulacan, AILEEN MANIEGO ng Bulacan, CECILLE MATIAS ng Pampanga, FLOR HERNANDEZ ng Laguna, ELMER SANTIAGO ng Muntinlupa, RITA WENCESLAO ng Pasay, VER ANTONIO ng Las Piñas, TRIXIA FELICIANO ng QC at ROBERT GO ng Manila.
(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0915-9462777/email:
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 57
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 54

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more