Kgg. na Atty. Acosta,
NAIS ko pong humingi ng payong legal hinggil sa pag-a-apply bilang isang guro sa kolehiyo. Nang ako po ay nagpasa ng aplikasyon para maging guro sa kolehiyong aking pinagtapusan, ako po ay hindi tinanggap sa kadahilanang ako raw ay isang bakla. Hindi ko po naman itinatanggi na ganoon nga po ako pero wala naman po akong ginawang kalokohan noong ako ay nag-aaral pa at wala rin po akong masamang rekord hanggang sa ako ay nakapagtapos. Gusto ko pong malaman kung maaari po ba nilang gawin iyon at kung ano ang aking maaaring gawin para ipaglaban ang aking karapatan lalo na po at ako ay ininsulto at inapakan ang aking pagkatao dahil sa mababang tingin nila sa akin.
Maraming salamat po.
Lubos na gumagalang,
Mando
Dear Mando,
Ang mga alituntunin na gumagabay sa pagpili ng mga guro para sa isang kolehiyo ay nakasaad sa Commission on Higher Education (CHED) Memorandum Order No. 40, Series of 2008 na kilala din bilang Manual of Regulations for Private Higher Education of 2008. Ayun sa Section 35 ng naturang manual, ang mga kwalipikasyon ng isang guro sa kolehiyo ay ang mga sumusunod:
“Section 35. Minimum Faculty Qualifications. The minimum qualifications of a faculty in a higher education institution shall be as follows:
1) For undergraduate programs:
a) Holder of a master’s degree, to teach mainly in his major field and where applicable, a holder of appropriate professional license requiring at least a bachelor’s degree for the professional courses. However, in specific fields where there is dearth of holders of master’s degree, a holder of a professional license requiring at least a bachelor’s degree may be qualified to teach. Any deviation from this requirement will be subject to regulation by the commission.
b) For Physical Education: A holder of a degree in Bachelor of Science in Physical Education, or Bachelor of Science in Education, with major or minor in physical education, or any bachelor’s degree with certificate in physical education.
c) For Music Education: A holder of a degree in Bachelor of Music, or Bachelor of Science, with major or minor in music, or any other bachelor’s degree with certificate in music.
2) For graduate programs:
a) For the master’s program: There shall be at least one (1) full-time faculty who holds a doctoral degree, and at least three (3) full-time faculty who are master’s degree holders in the discipline.
b) For professional master’s program: A holder of at least a professional master’s degree. Faculty complement required in specific fields shall be defined in the policies and standards set by the commission specific to the field.
c) For the doctoral program: There shall be at least three (3) full-time faculty members who are doctoral degree holders, and
d) who have published research works in referred journal(s) in the discipline.
e) For professional doctoral program: A holder of a professional doctoral degree. Faculty complement required shall be defined in the policies and standards set by the commission specific to the field.”
Maaaring magdagdag ng mga kwalipikasyon ang isang employer nang bukod sa itinakda ng batas at alituntunin kung ito ay kinakailangan sa trabahong gagampanan ng mga aplikante o ang siyang tinatawag na “qualifying standards” (Yrasuegui v. Philippine Airlines, Inc., G.R. No. 168081, October 17, 2008). Ganun din ang maaaring gawin ng administrasyon ng kolehiyo o pamantasang inyong inaaplayan.
Sa bandang huli, likas ang kapangyarihan ng administrasyon ng mga naturang institusyon na pumili kung sino ang kanilang ilalagay sa posisyon basta matugunan ng aplikante ang lahat ng mga nabanggit na kwalipikasyon (Mercado, et al. vs. AMA Computer College, G.R. No. 183572, April 13, 2010). Sa iyong sitwasyon, bagama’t hindi nakasulat sa patakaran at alituntunin ng nasabing kolehiyo o pamantasan ang iyong sinasabi na personal na pagkatig ng dean sa mga heterosekswal na aplikante, karapatan din niyang piliin sila kaysa sa inyo basta nasa kanila ang mga kwalipikasyong kailangan.
Gayunpaman, hindi ibig sabihin nito ay wala ka nang karapatan na ipaglaban ang diskriminasyon na iyong naranasan.
Kung lantaran ka niyang hiniya sa pamamagitan ng salita o gawa sa harapan ng maraming tao, maaari mo siyang kasuhan ng Oral Defamation (Article 358, Revised Penal Code) o Slander by Deed (Article 359, Revised Penal Code).
Nawa ay malinaw naming nasagot ang iyong mga katanungan.
Ang inyo pong lingkod bayan,
PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA
Punong Manananggol Pambayan
Paunawa:
Ang mga serbisyong legal ng PAO gaya ng “legal advice,” court representation, pagsasagawa ng dokumento, notaryo at iba pa ay libre at walang bayad mula sa kliyente ng PAO sang-ayon sa R.A. 9406 (PAO Law). Sang-ayon din sa nasabing batas, ang katunggali o kalaban sa kaso na matatalo ang magbabayad ng attorney’s fee sa PAO para ideposito sa National Treasury.
Maaaring isumbong kay Chief Acosta ang sinumang public attorney o empleyado ng PAO na manghihingi o tatanggap ng salapi mula sa kliyente ng PAO sa address na ito: 5th Floor, DOJ Agencies Building, NIA Road corner East Avenue, Diliman, Quezon City, 1104.
Makinig sa “Abogado ng Bayan” sa Radyo ng Bayan, DZRB, 738 khz AM band, 6:30 a.m. mula Lunes hanggang Biyernes. Manood ng “Public Atorni” tuwing Huwebes ng gabi, sa TV5, before “Aksyon Journalismo.” Isangguni ang iba pa ninyong usaping legal sa aming opisina sa address na nakasaad sa pitak na ito o kaya ipadala ang inyong katanungan sa aming e-mail address:
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
o tumawag sa PAO hotline: 929-9436 anytime.
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 57
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 54

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more