Punong-puno ng buhay


Kapag dumadaan ako sa mga highway o anumang lansangan kahit na maliit na kalye at may mga nakahilerang mga puno, kakaibang lakas ang tila ibinibigay nito sa aking katawan at pag-iisip.

Ganito rin ang sinabi sa akin ng isang peryodista na ngayo’y nasa ibang bansa na upang doon na manirahan. Sa tuwing magpupunta siya sa aming lugar, natutuwa siya dahil sa gitna ng mausok at maingay na kalunsuran ay nakakikita pa siya ng tulad ng aming kalye na tahimik at mapuno.

Ngunit sinabi niya ‘yon may ilang taon na ang nakararaan. Halos ilang bahay na lang sa aming kalye ang may mga puno sa kanilang bakuran o bangketa. Ang ilang may-ari ay ipinagbili na ang kanilang mga bahay at ginawa naman itong townhouses ng mga nakabili.

Ang McArthur Highway sa Bulacan at Baguio ay sentro ngayon ng kontrobersya dahil sa gustong putulin ang ilang daang puno rito upang gawing parking lot ng isang malaking mall. Sa McArthur Highway ng Bulacan naman na matagal  naming tinutulan ang ginawang pagputol noon ng puno ng Department of Public Works and Highways na kumuha umano ng permit sa Department of Environment and Natural Resources nong panahon ni dating secretary Angelo Reyes, dahil sa road widening o pagpapalapad ng kalsada. Pinutol ang malalaking puno sa kahabaan ng highway.

Sa tuwing  makikita ko ngayon ang mga bayan ng Bulacan ng McArthur highway na “pinalapad ang daan,” kakatwang hindi rin naman nagagamit ng mga sasakyan ang dagdag na linya sa kalsada  o additional lane dahil ang inner lane na idinagdag ay naging terminal ng mga sasakyang pampasada, paradahan ng mga sasakyang pampasada, gawaan ng mga sasakyan o impormal na talyer, extension ng vulcanizing shop, may nakahimpil na ambulant carts, may iba’t ibang uri ng mga taong nagtitinda o kaya’y mga pribadong sasakyan na nakahimpil dahil kumakain marahil ang motorista nito sa isang restoran o kaya’y namimili sa isang grocery.

Ito ba ang mga ipinagpalit sa pinutol na puno? Ito ba ang kapalit ng sariwang hanging ibinibigay sa atin ng mga punong pinutol?

Bakit sa kabila mga delubyong naganap at maaring maganap pa sa ating bansa ay tila hindi pa rin naiintindihan ng mga kinauukulan ang kahalagahan ng mga puno sa ating kapaligiran?

May National Greening Program ang DENR. Ibig sabihin ay kailangang magtanim, magtanim, at magtanim hanggang sa abot ng ating makakaya. Lahat ng Pilipinong malakas pa at may kakayahang magtanim ay magtanim sa mga kinalbo ng mga magtotroso. At pagkaraan ay bantayan ang kanilang itinanim sapagkat laging nakaabang ang mga illegal na magtotroso o sinumang nais magka-salapi sa pagbebenta ng puno para mamutol.

Ang puno ay buhay. Kailangang maintindihan ng may-ari ng malaking mall sa Baguio City na hindi lamang ang kanilang negosyo ang kailangang umiral sa bayang ito. Kung nagkakawindang-windang, gumuguho na ang mga bundok, lumulubog na sa tubig-baha ang maraming bayan, balot na ng lason ang hangin at tubig, ano pa ang silbi ng kaunlaran kung libo-libong tao ang namamatay dahil sa patuloy na pagsira sa Inang Kalikasan.

Hindi maaari ang “balling” na pinauso ni Bayani Fernando noong panahon niya. Inililipat kuno ang mga puno sa ibang lugar. Sinabi na ng mga eksperto na malamang sa mamatay ang punong inilipat dahil sa “stress” ng pagbubunot ng ugat ng puno. Subukan n’yong gawin ito sa kahit mga maliliit na halaman at makikita n’yong may mamamatay sa mga inilipat.

Sa yugtong ito ng ating buhay na nasa bingit na ng kamatayan ang mundo, itigil na ang pagsasagawa ng lahat ng mapanirang bagay-- pagpuputol ng puno, pagpapasabog ng mga bundok, quarrying, pagtatayo ng anumang uri ng tambakan ng basura, mapanirang mining, polusyon sa hangin at tubig at marami pang iba.



Opinion

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Mario F. Fetalino Jr.

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang  kinakapitan. Okey na sana itong... Read more

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 57
By : Jess V. Antiporda

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Vic Reyes

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more

The shoal

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 53

The shoal

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we  safeguard the sovereignty dispute,... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC