NAKARATING sa amin ang maugong na balitang tumaas mula 15 kaso ng tisis nitong 2010 sa higit 70 na sa kasalukuyan sa Quezon City Jail… batay sa pandaigdigang datos sa naturang sakit, isa sa bawat lima ang natitigok— lalo na sa hanay ng mga nakatira lang sa lansangan at sa mga nasa kulungan… masaklap na higit sa sandosenang bilanggo ang napipintong paglamayan.
Nakakahawa ang pulmonary tuberculosis, sanhi kasi ng paglaganap ng mikrobyong sanhi ng PTB na hindi na kaya ng antibiotics… nakakabahala na may mga biktima ng PTB sa naturang piitan ang hindi na raw kayang gamutin.
Tapikin na natin sa balikat si Warden Supt. Joseph Vela… sabi nga’y daig ng maagap ang masipag… at kailangan na yatang agapan ang pagsambulat ng PTB epidemic diyan, aba’y natatangay sa hangin ang mikrobyong sanhi ng PTB… humatsing lang ang mga nakapiit diyan sa QC Jail, tiyak na ihahasik na sa kalapit na NEPA Q-Mart at Ramon Magsaysay High School sa Cubao ang mga mikrobyo ng PTB, may we call on the attention of J/Senior Supt. Romeo Vio?
Ayon sa ating mga tagaulat sa naturang lupalop, tila wala ring pinatutunguhan ang anti-TB program na tinatawag na TB-DOTS ng national government dahil patuloy na dumadami ang bilang ng mga inmate na tinamaan ng nakamamatay na sakit na ito.
An ounce of prevention can be worth a ton of cure… eh magkano naman kaya ang nakalaang pantustos para sa kalusugan ng mga bilanggo? Hindi naman tayo mapaparatang na baka naipasok na sa kung saang bulsa ‘yon, pero, hindi lang kapakanan ng mga nakapiit ang nakasangkalan dito… pati na ‘yung mga kabataan sa kalapit ninyong paaralan.
Nakakabahala at nakakakaba dahil tila pinababayaan na nga yata ni Vela ang ganitong kalagayan. Nasa likod kasi ang kanyang mga padrino, pwe-he-he-he!
Anyway, alam mo ba Superintendent Vio (malugod na pagbati nga pala sa iyong pagkakatalaga bilang NCR director) na isang preso na si Jeffrey Abas ay nasa East Avenue Medical Center pa rin hanggang ngayon dahil sa tinamong tama ng bala sa katawan?
Hindi pa naiaalis ang punglo sa dahilang wala raw perang gagastusin sa operasyon ang QC Jail ni Superintendent Vela. Oh my katuray! Eh baka naman mabulok ang sugat nay an ni Abas at mas maging malala pa ang problema.
Tila labag din ito sa karapatang pantao, ah. Hindi ba, Sec. Jesse Robredo at CHR Chairperson Etta Rosales?
Hindi ata ako makapaniwala na walang perang iaabono ang opisina ni Vela dito. Kawawang Abas. O baka naman wala ring suporta ang NCR? Hmmmm. We’ll see.
Naisulat na natin dito na noong nakaraang pagsalubong sa 2011, isang bala ng kalibre 9mm ang sumapol sa hita ni Abas sa kasagsagan ng putukan.
Ang balita natin eh galing sa baril ng isang lasing na jailguard ang tumama kay Jeffrey. Baka naman ito ang dahilan kung bakit hindi maoperahan agad si Abas.-ballistics kasi ang bala, baka dito na magkabukingan.
Maraming hindi magandang balita sa QC Jail mula ng maupo itong si Ate Helen, este Superintendent Vela pala. Ewan ko kung nakakarating sa kaniya ang mga kuwentong ito lalo’t warden lang yata siya tuwing kinsenas at katapusan.
Dereliction of duty? Nonfeasance? Your guess is as good as ours…
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 57
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 53

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more