KUNG Si Fa Chay! Happy Chinese New Year po sa ating lahat!
Sana ang Year of the Water Dragon ay maging masagana sa ating lahat, mula sa ating pamilya, tahanan, kapaligiran at higit sa lahat ang bayan nating lugmok sa kahirapan dahil na rin sa mga corrupt na tao sa pamahalaan.
Natawa ako sa ibinulong sa akin ng kaibigan kong Chinese. Ang Year of the Water Dragon daw ay taon ng mga ‘flirtations’ at ‘emotions.’
Ibig sabihin, taon ito ng ‘kalandian’ at pagiging senti.
Ang catch lang, sabi ng aking Pale, ang ‘flirtations’ ay para sa mga kababaihan at ang ‘emotions’ ay para sa mga kalalakihan.
Ibig sabihin, subukan n’yong patulan ang mga babaing aali-aligid sa inyo, tiyak luluha ang mga lalaki dahil papairalin nila ang puso’t damdamin na hahantong sa matinding emosyon.
Kaya ang payo ko sa mga barakong hindi mapakali, kilu-kilo lang mga pare ko! Hehehe.
* * * *
Apat na sunod na araw na nating napanood ang Coronavela sa Impeachment Court sa Mataas na Kapulungan.
Marami ang bumilib kina Senate President Juan Ponce Enrile at Senate Majority Floor Leader Vicente “Tito” Sotto III dahil maayos na naisasagawa ang pagdinig na talaga namang sinusubaybayan ng taumbayan.
Higit na kahanga-hanga ang pinuno ng defense panel na si dating Associate Justice Serafin Cuevas na kahit 83- taong gulang na, matalas pa rin ang isip at hanep kung umatake ng tanong at makipag-argumento sa prosecution team.
Kaya ang dapat gawin ng prosecution team ngayon, gumawa sila ng bagong estratehiya kung talagang gusto nilang madiin nang husto si Chief Justice Renato Corona.
* * * *
May bagong ‘crush ng bayan’ ang mga dabarkads natin sa Senado.
Ibang klase raw kasi ang ganda ni Atty. Karen Jimeno, ang isa sa spokesman ng defense panel.
Produkto ng UP Law School si Lovable Karen at ang masters niya, kaibigang Mike Ubak ng Philippine Daily Inquirer, ay sa Harvard din na tulad mo.
Ang kakatuwa, ikinumpara ang ganda ni Karen kay Presidential Deputy Spokesperson Atty. Avigail “Abi” Valte.
Mukha lang bata si Atty. Karen kasi slim ang figure ng lola nyo at siyempre taglay ang ‘slender legs,’ pero ang totoo hamak na mas bata si Atty. Abi kasi kung 2006 pumasa ng Bar exam si Jimeno, si Valte naman na mula sa Ateneo Law School ay pumasa sa Bar taong 2007.
Sabi ng mga loyalists ni Abi sa Malakanyang, mas bilugan at mas seksi pa rin si Atty. Valte kasi kakaiba raw ang hugis ng ‘behind’ nito saka ang vital statistics ni madam ay 36-25-38.
Oh ‘di ba panalo, Mr. Boyet Jadulco ng Abante?
Dati yatang figure skater si Atty. Abi!
* * * *
Kakatuwa ang ‘bonding’ ng pamilya Singson nang dumating pabalik ng bansa si dating Ilocos Sur Rep. Ronald Singson.
Kahit kanino naman talaga mangyari ang pagsubok na tulad ni Cong. Ronald, pamilya pa rin ang unang-unang susuporta, aalalay at mananabik sa kanya.
May isa lang tayong hiling sa dating mambabatas, ngayong nakalaya na siya mula sa ilang buwang pagkakabilanggo sa Hong Kong, dapat ay pangalanan na nito kung kanino niya kinuha, binili o iniskor ang 26.1 gramo ng cocaine na nakuha sa kanya.
Naniniwala kasi ako na kahit hindi na siya congressman, may moral responsibility pa rin siya sa taumbayan para tukuyin kung sinong ‘drug pusher’ ang nagbenta sa kanya ng ipinagbabawal na gamot.
Iyan ay kung talagang gusto nitong makatulong para masugpo na nang tuluyan ang pagkalat ng pesteng illegal drugs sa bansa.
* * * *
Nabanggit na rin lang naman natin ang mga Singson.
‘Di ba si Ilocos Sur Gov. Luis “Chavit” Singson ang isa sa bida ng ‘unfinished impeachment trial’ kay dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada?
Pinaratangan pa nga ni Boss Chavit si Erap na Lords of the Jueteng Lords kaya na-agitate nang husto ang taumbayan at napatalsik ito sa Malakanyang.
Sampung taon ang nakalipas, napalayas, nakulong, nakalaya at muntik pang manalo uli sa nakalipas na presidential elections si Erap, pero tuloy pa rin daw ang jueteng sa buong Ilocos province.
Ibig bang sabihin nito Boss Chavit, kahit nawala na sa Malakanyang ang pinaratangan mong Lord of the Jueteng Lords ay hindi pa rin nasasawata ang illegal gambling sa iyong nasasakupan?
Sino nga ba si Manong na pasimuno ng jueteng sa Ilocos Sur at si Bonito naman na jueteng operator din sa Ilocos Norte?
Sila na ba ang bagong Lords of the Jueteng Lords, Boss Chavit?
* * * *
Attention Chairman Sanchez, tuloy pa rin ang reklamong natatanggap natin tungkol sa ingay at walang humpay na inuman sa kalsada ng Abad Santos, corner La Torre, Manila.
Maliit na nga lang ang Bgy. 250, Zone 23 sa District II hindi mo pa kayang ipatigil ang lantarang inuman at tagayan diyan.
Sana, kahit puro anak ng mga barangay kagawad n’yo ang nangunguna sa inuman, ingay at videoke sa kalsada, igalang naman ninyo ang mga kapitbahay n’yo na bukod sa hindi na makatulog gabi-gabi dahil sa perwisyong bisyo ng mga tao riyan ay kinakatakutan na rin ang inyong barangay.
Sino ba naman ang hindi matatakot, eh walang humpay na nga ang inuman, kantahan at tagayan, mga naka-topless pa ang mga tumador sa inyong barangay Mr. Sanchez.
Buti sana kung magaganda ang abs ng mga tomador, ang kaso puro ‘tabs’ as in taba na ng alak ang tiyan ng mga tumador diyan!
Saan ka naman kasi nakakita na kahit may ‘city ordinance’ na bawal ang inuman sa kalsada ay lantarang nilalabag ito sa lugar ni Chairman Sanchez.
Kilos ka naman Tserman! Please???
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 57
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 53

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more