SUNUD-SUNOD na ang matatagumpay na operasyon ng mga awtoridad laban sa big-time drug syndicates! Nitong mga nakaraang buwan, bilyon pisong halaga ng droga ang ating nakumpiska dahil malalaking sindikato ang ating pinuntirya sa halip na puro pipitsugin na mga tulak lamang.
Kung desidido tayong lansagin ang industriya ng iligal na droga, kailangan gamitin natin ang ating limitadong resources para putulin ang problema sa pinaka-ugat! Kapag nasira natin ang supply chain ng droga, magkakaroon iyan ng domino effect hanggang sa street-level dealers.
Walang duda na malaki ang impact sa daloy ng supply nitong 300 kilos ng shabu na nakumpiska ng PNP Anti-illegal Drug Special Operations Task Force (PNP-AIDSOTF) mula sa isang shabu laboratory-warehouse sa Kaybiga, Caloocan, noong nakalipas na linggo.
Tiyak na magkakaroon ng pansamantalang supply shortage ang mga pushers na pinaglalaanan sana nitong nabawi nating produkto. Para sa kaalaman ng ating readers ang 300 kilo ng shabu ay mayroon street-value na humigit-kumulang sa P3 bilyon !
Bukod sa finished products at almost finished products na nasabat ng raiding team, nabawi din nila ang maraming controlled precursors o mga raw materials sa pagluto ng shabu.
Sayang lang at nakatakas ang mga suspects bago pa man makapasok sa 1,000 square meter property sa 22 Diamond Street ang ating mga operatiba! Naiwan ng suspects ang lahat ng kanilang mga kagamitan pati ang kanilang groceries bilang indikasyon na sa huling sandali lang sila naka-puslit!
Batay sa impormasyon na ating natanggap, isang Chinese drug ring ang nasa likod ng nabanggit na shabu laboratory-warehouse. Pinaghahanap na ngayon ng mga awtoridad kaugnay ng kaso ang dalawang suspects na kinilala lamang bilang sina Mr. Chua at Mr. Sy. Bagama’t nakatakas sila ngayon, kumpiyansa ako na may araw din sila!
Maituturing natin na isang major drug bust ang natamo ng mga alagad ng batas, ngunit panandalian lang ang epekto nito sa industriya ng illegal narcotics.
Kailangan maging consistent tayo sa ating pagsusumikap na tuldukan ang salot na dulot ng droga. Ang pagiging agresibo ang ating pinaka-mabisang sandata laban sa halimaw na ito!!
Ganun man, isang pagbati para sa PNP-AIDSTOTF sa tagumpay na ito sa pangunguna ni Task Force Commander Gen. Arturo G. Cacdac! Gayun din para sa PDEA sa nakaraang tatlong matagumpay na huli sa pamumuno ni Usec. Jose Gutierrez at PDEA-NCR Director Gen. Pedrito Magsino.
Mabuhay kayo!
* * * *
Aabot na yata hanggang langit ang presyo ng gasolina at diesel!! Hindi natin maaaring lunukin na lang lagi ang press release ng mga oil companies na ipinapasa lamang nila sa consumers ang pagbabago sa presyo ng inaangkat nilang langis.
Maraming nagsasabi na idinadahilan lang ng mga local oil players ang volatility sa world market para kumita ng higit sa nararapat. Hindi natin malalaman ang totoo kung hindi natin ibayong babantayan ang mga oil firms!
Halos linggo-linggo ngayon ay mayroon oil price hike! Kadalasan ay malalaki ang umento sa presyo ng oil products. Kung minsan mayroon din rollback sa presyo subalit barya-barya lang ang ikinakaltas!
Sabi ng mga oil executives sila’y sumusunod lamang sa dikta ng pang-daigdigang merkado. Ngunit ano ang batayan natin bilang consumers para makatiyak kung ang oil companies ay nagsasabi ng totoo o nagsi-sinungaling?
Sa tuwing mayroon magrereklamo, pinamu-mukha lamang ng mga oil companies ang umiiral na Oil Deregulation Law. Ayon sa mga oil executives, hindi sila maaaring kuwestyunin dahil nasa ilalim tayo ng isang deregulated market.
Sa ilalim kasi ng deregulation, ang presyo ng produkto ay ganap na nasa pagpapasya lamang ng mga oil firms. Tanong ko lang, ang deregulation ba ay isang lisensya para umabuso?
Dati ay bantay-sarado ang mga oil players sa Department of Energy (DOE). Pinatatawag pa ng energy secretary ang mga oil executives kapag mayroon anomang duda sa naganap na pagbabago sa presyo.
Subalit ngayon tila naging rubber stamp agency na lang ang DOE. Wala raw itong magagawa habang umiiral ang oil industry deregulation!
Noon, mayroon din Consumer & Oil Price Watch na kakampi ang consumers sa pribadong sektor. Subalit matagal na rin itong naglaho kaya’t libreng- libre na ang mga oil firms na gawin ang anomang nais nila. Sadyang wala na pong transparency ang industriya ng langis sa ating bansa!
Sa aking pagkakaalam, ikinakasa pa ng mga oil companies ang isa pang oil price increase sa mga susunod na araw! Kapag natuloy, dagdag pasanin na naman ito kay Juan dela Cruz! Hindi po ako eksperto sa oil industry pero pakiramdam ko talaga ay ginigisa tayong lahat sa ating sariling langis!!
Ang oil prices ay isa pa pong isyu na dapat bigyan prayoridad ng ating mga kagalang-galang na mga mambabatas sa halip na kung anu-anong bagay ang kanilang pinagkaka-abalahan.
* * * *
Samantala, nananatili pa rin tayong positibo sa DDB upang patuloy na umakay sa ating mga kababayang nalululong sa droga ngunit gustong magbagong-buhay.
Inaasahan din natin sa taong ito ang patuloy na suporta ng mga ahensya tulad ng Philippine Racing Commission, PAGCOR, PCSO at Manila Jockey Club na katuwang natin sa DDB upang patuloy tayong makatulong sa pagpapagawa ng rehab centers para sa ating mga kababayan.
Sana naman, habang kaming nasa gobyerno ay gumagawa ng aming bahagi upang makatulong sa problema ng illegal na droga, maging masipag din sana ang bawa’t pamilya sa pagbabantay ng kanilang mga anak nang sa ganoon ay walang masayang na oras at buhay.
Kung maaagapan lamang ang problema sa tahanan partikular sa mga kabataan, hindi na nila siguro maiisip na tumakbo sa kaibigan at droga upang pansamantalang makalimutan ang problema. Sapagkat kadalasan, sinasabing problema ang nagiging dahilan kung bakit ang ating mga kabataan ay gumagamit ng droga!
* * * *
Ako ay nakikiramay sa pagpanaw ng aking kaibigan na dating mayor at ngayon ay vice mayor ng Bautista, Pangasinan na si Pepe Espino. Siya ay nakatatandang kapatid ng akin ding kumpare na si Gov. Amado Espino.
Pakikiramay din ang aking ipinaabot sa pamilya ni Archbishop Jose sa pagpanaw ng kanyang nanay na nasa America.
(Para sa inyong impormasyon, suhestiyon, o reklamo, mag-text lamang po kayo dito sa number ko: 09159509746 o di kaya ay mag-email sa
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
).
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 57
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 53

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more