Nakawan ng kuryente protektado ng Meralco?


ANG malalang nakawan ng kuryente ng Meralco sa isang barangay sa Bocaue, Bulacan ang matagal nang inirereklamo ng mga residente sa lugar subalit wala umanong aksyon ang Meralco  at barangay officials.

Inirerekkamo ng mga concerned citizens ng Bgy. Antipona, Bocaue, ang dati nilang barangay chairman na si Daldo Rubio at kasalukuyang chairman na si Mila Dabu at ang Meralco sa patuloy na kawalang aksyon sa nakawan ng kuryente sa kanilang barangay.

Nagtataka sila na maging ang Meralco sa Bocaue na kanilang pinag-reklamuhan ay ’di rin kumikilos upang maputol ang mga nakasabit na ‘flying connections’ at mga ‘jumper’ ng mga kawatan.

Hindi lang umano ang mga seryosong nagbabayad ng kuryente sa Bocaue ang apektado ng nakawan kundi ang lahat ng ‘consumers’ ng Meralco, dahil ang mga nawawalang kunsumo sa kuryente na ninanakaw ng mga nagkakabit ng mga ‘jumper’ ay sinisingil sa kanila sa pamamagitan ng isinasamang bill ng Meralco buwan-buwan.

Kaya wala umanong kiber ang mga taga Meralco sa nangyayaring nakawan dahil wala namang nawawala sa kanila.

At ayon sa aking mga espiya, halos lahat ng taga Meralco lalo na iyong mga nasa field operation at mga namumuno sa kanila sa mga branches ay kumikita sa mga ‘illegal connections’ ng Meralco sa pamamagitan ng pinagsama-samang lagay o suhol ng mga may iligal na ‘flying connection’ o ‘jumper’ ng mga kuryente.

Sinisiguro din ng mga residente ng nasabing baranggay sa Bocaue na kasapakat ng mga nagnanakaw ng kuryente ang kanilang mga opisyal ng barangay kapalit ang malaking halaga ng suhol o tong-pats na nakukulekta nila mula sa mga magnanakaw ng kuryente.  

Hindi lang unano sa Bocaue nangyayari ang suhulan sa mga opisyal ng barangay at mga taga-Meralco kundi sa iba pa ring mga lugar na lantad na lantad.

Laganap din ang nakawan ng kuryente sa Parañaque, partikular sa Baclaran na kung saan ang mga illegal sidewalk vendor doon na karamihan ay kapatid nating mga Muslim ay nabibiyayaan ng mga nakaw na kuryente na isinusupply sa kanila ng mga tiwaling barangay officials sa lugar na siyang nasa likod ng nakawan ng kuryente.

Masahol din ang lantaran nakawan ng kuryente sa San Bartolome sa kahabaan ng Qurino Highway sa Quezon City, na kung saan halos dalawang barangay ang sinusuplayan ng mga nakaw na kuryente na protektado din ng mismong taga-Meralco.

Kaya habang may proteksyon sa mga taga-Meralco at mga barangay officials ng bawat lugar  ay patuloy pong magdurusa ang mamamayan na tapat na nagbabayad ng kanilang mga ‘electric bill’ buwan-buwan.   

* * * *

Napatigil na po nina Collector Rogel Gatchalian ng Port of Manila (POM) at Collector Boysie Belmonte ng Manila International Container Port (MICP) ang smuggling ng mga ‘processed food products’ partikular ang mga frozen meat ng baboy at manok sa kani-kanilang nasasakupan subalit dagsa pa rin at bumabaha ng mga imported na manok at baboy sa mga supermarket.

Alam n’yo ba na ang pangunahing dahilan ng pagdagsa ng mga ‘frozen food products’ tulad nga ng buo at pira-pirasong parte ng manok at baboy at mga frozen ‘French fries’, hamburger patties, isda na ginagawang sardinas, at gulay tulad ng sibuyas at bawang ay bunga ng garapalang ‘smuggling activity’ sa Subic Free Port?

At hindi lang mga pagkain ang ipinupuslit sa Subic sa kasalukuyan kundi mga imported na bigas at bakal na sadyang ipinupuslit sa tulong ng mga opisyal ng Bureau of Customs dyan sa Subic Free Port.

Para sa kaalaman nina Customs Commissioner Ruffy Biazon at Deputy Commissioner Danny Lim, malaki po ang maitutulong para mahubaran ang mga smuggler sa Subic ng mga ‘broker’ na sina Tony Camacho at isang ‘Tagor’.

Ang sinasabing bagsakan ng mga ipinupuslit na ‘smuggled goods’ sa Subic  ay ang kilalang  supermarket at malalaking ‘food processing plant’ sa bansa.

Nagkalat na rin sa mga malalaking ‘public market’ ang mga imported na karne ng manok at baboy, isda at mga gulay.

At ang nakakatakot umano sa mga ‘processed food’ na ipinupuslit sa Subic Free Port customs ay hindi dumaan ang mga ito sa ‘inspection’ ng Bureau of Food and Drug (BFAD) ng Department of Agriculture (DA) at ng Bureau of Qurantine ng DA.

Posible umanong mga ‘imported botcha’ o ‘double-dead’ na mga pira-pirasong karne ng baboy at manok ang ipinapasok dito sa ating bansa at ang karamihan sa mga ito ay mula pa sa bansang Tsina.

Nagtataka din ang ating mga kababayan kung bakit hindi ini-inspeksyon at hindi pinipigilan ng ating mga awtoridad kasama na ang mga lokal na ‘meat inspector’ ng bawat lungsod, ang mga supermarket na nagbebenta ng mga nangingitim nang mga karne ng manok at baboy na ibinibenta nila ng ‘buy one, take one free’.

Gayundin ang mga gulay na ini-sprayan ng mga kemikal para mapanatili ang anyong sariwa nito at ang daan-daaang libong tonelada ng “French fries’ na ipinupuslit ng mga smugglers na hindi idinaan sa inspeksyon ng BFAD.

Posible umanong maging ‘source’ ang nabanggit na ‘smuggled processed food’ ng mga grabeng sakit na maaaring dumapo sa ating mga kababayan.



Opinion

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Mario F. Fetalino Jr.

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang  kinakapitan. Okey na sana itong... Read more

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 57
By : Jess V. Antiporda

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Vic Reyes

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more

The shoal

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 53

The shoal

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we  safeguard the sovereignty dispute,... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC