Halos isang araw lang pinirmahan ng magigiting na mga kongresista ang impeachment laban kay Supreme Court Chief Justice Renato Corona nang nakaraang Disyembre. Ok lang ‘yon!
Pero ang patuloy na walang tigil na pagtaas ng presyo ng gasoline, diesel at kerosene ay isa na ring inhustisya na matagal nang nagpapahirap sa mga Pilipino. Hindi ok ‘yon!
Tumindi na ang mga sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo noon pa mang nakaraang siyam na taong panunungkulan ni dating Pangulong Gloria Arroyo.
Nitong nakaraang isa’t kalahating taong pagkakaupo ni P-Noy, patuloy pa ring humahagupit sa pagtaas ng presyo ang gasolina at diesel! Lalo pa itong tumindi nang magbangayan na sina P-Noy at CJ Corona ng huling bahagi ng 2011.
Aba’y pagpasok ng Enero ng taong ito, P2.50 ang idinagdag sa presyo ng gasolina at diesel! Nangyari ito nang magkasunod lang na dalawang linggo ng Enero! Anak ng putakte talaga!
Ang pagtataas ng presyo ay kasabay ng impeachment ni CJ Corona. Para bang interesado ang lahat ng Pinoy sa impeachment at walang makapapansin sa gagawin ng mga dambuhalang kumpanya ng langis sa pagtataas nila ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ang bilis ng mga mambabatas na pirmahan ang impeachment laban kay Corona pero hanggang ngayon nakabimbin pa rin ang panukalang batas ng Bayan Muna party list sa Oil Regulation Law para maibasura na ang Oil Deregulation Law o RA. 8479 na ginawang batas noong 1998
Dapat nang isabatas ang Oil Regulation Law mga Cong! Para kayong naka-100% high octane gasoline sa paglagda sa impeachment pero bakit naman nagiging “diesel” kayo pagdating sa pagsasabatas ng Oil Regulation Law na magpapagaan sa buhay ng 80 milyong Pilipino.
Para naman hindi masabing pulitika lang ang habol dyan sa impeachment, makabubuti marahil na isabatas na ngayon din ang Oil Regulation Law ng mga pumirmang 188 kongresista sa impeachment ni Corona.
Tiyak bayani kayo at puputungan kayo sa ulo ng korona ng mamamayang Pilipino bilang pagbubunyi --- kung ito’y gagawin n’yo.
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 57
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 53

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more