DAPAT pag-aralang mabuti ni Pangulong Noynoy Aquino kung sino ang nararapat niyang ipalit kay retired General Magtanggol Gatdula na sinibak niya bilang hepe ng National Bureau of Investigation.
Tinaggal ni P-Noy si Gatdula dahil umano sa insubordination, bunga daw ng kabiguan nitong i-turn-over sa Bureau of Immigration ang isang undocumented na Haponesa.
Ayon sa mga balita, kinidnap umano ng mga ahente ng NBI ang nasabing Haponesa na kinilalang si Noriyo Ohara at ikinulong sa isang safehouse at headquarters ng ahensiya sa Maynila.
Sabi ni P-Noy, binalewala daw ni Gatdula ang mga utos sa kanya na i-transfer sa BI si Ohara.
Hindi natin sinasabing sangkot nga si Gatdula sa kidnapping. Sa katunayan, sa mga nakakakilala kay Gadula, hindi sila naniniwalang may kinalaman ang dating heneral sa sinasabing kaso ng kidnapping dahil sa haba ng panununkulan nito sa PNP ay hindi man lang nadungisan o nakumpromiso ang kanyang pangalan.
Kaya lang, hindi natin masisisi ang ating mga kababayan. Maraming beses na kasing na-involved ang ilang ahente ng NBI sa iba’t ibang kaso.
Katulad nga ng tanong ni kasamang Paul Gutierrez, ano na ba ang nangyari sa imbestigasyon sa reklamo ng National Press Club laban kay Region 3 director Atty. Ric Diaz?
Ang reklamo ay nag-ugat sa kawalang aksiyon umano ni Diaz sa pagmaltrato ng mga tauhan nito sa isang peryodista. At ano rin ang nangyari sa kaso ng mga pekeng AFTA Certificate na pinaimbestigahan noong panahon ni dating Bureau Of Customs Commissioner Lito Alvarez?
Milyun-milyong piso ang nawala sa gobyerno dahil sa anomalyang ito. Ang sinasabi nga, protektado pa raw ng ilang taga-NBI ang trabaho ng Chinoy na sangkot sa nasabing anomalya.
Hindi lang ’yan. Hanggang ngayon ay wala ring balita kung ano na ang nangyari sa imbestigayson sa nawawalang 1,900 containers na dapat sana’y ita-tranship sa Port of Batangas.
Ayon sa ating miron, nai-turn-over na daw ng mga taga-BOC ang mga ebidensiya sa NBI pero hanggang ngayon ay wala pang aksyon. Maging ang nag-imbestiga sa nasabing kaso na si Dino Tuazon, dating hepe ng ID ng BOC, ay parang nanahimik na rin yata.
Dapat may managot sa mga katiwaliang nangyari para matigil na ang pagsasamantala ng mga tiwaling opisyal at kawani ng BOC.
Ayon sa ating mga miron sa aduana, malaking pera daw ang nagpalitang kamay sa kasong ito.
Kaya ngayong nandiyan na si Commissioner Ruffy Biazon, marapat lamang na busisiin niya kung ano talaga ang nangyari sa imbestigasyon. Simple lang naman ’yan. Ipatawag niya si Tuazon at siguradong marami siyang mapupulot na impormasyon kaugnay ng nawalang 1,900 na container.
Sa dami ng mga problemang kinakaharap ng bayan at mamamayan, mahalaga na isang incorruptible na tao ang mamuno sa NBI.
Dapat maibalik ang respeto at tiwala ng taumbayan sa ahensiyang ito na dating tinitingala ng ating mga kababayan.
Kaya nakapahalaga ngayon na masuring mabuti ni P-Noy ang katauhan ng ipapalit na director ng NBI.
Sa ngayon ay dalawang pangalan ang matunog na papalit kay Gatdula. Ito ay sina CIDG Director Sammy Pagdilao at BOC Deputy Commissioner Danny Lim na isa ring dating heneral ng Army. Hindi na tayo magtataka kung sa mga darating na araw ay madaragdagan pa ang talaan.
Abangan…
* * * *
Muli na namang nasaksihan ng buong mundo ang kabayanihan ng overseas Filipino workers.
Kung hindi sa kabayanihan ng mga Pilipinong crew ay baka marami ang napahamak na pasahero ng lumubog na MV Costa Concordia sa baybaying dagat ng Italya.
Pinagtulungan nilang isakay sa life boats ang mga pasahero. Ang iba naman ay namigay ng life jackets sa mga nahintakutang pasahero.
Mismong si DFA Sec. Albert Del Rosario ang pumuri sa mga Filipino crew ng lumubog na cruise ship na may 1,000 tripulante.
Sa isang statement ay sinabi ni Del Rosario, “you are men and women of courage, heroism and dedication. We commend you for showing to the world the best traits of the Filipino seafarers. In the words of President Benigno S. Aquino lll, you are our sailing ambassadors.”
Ayon sa balita, bago inabandona ng mga Pinoy, na karamihan ay cooks at maids, ang barko ay tinulungan muna nila ang mga pasaherong banyaga.
Sa bagong kabayanihang ipinamalas nila, tiyak na dadami pa ang foreign ship owners ang kukuha sa mga marinong kababayan natin.
Talagang world-class ang mga Filipino seaman.
* * *
MGA REKLAMO AT REAKSIYON
PANAWAGAN SA TESDA-CHED: OIC ng Datemex-Cubao ay naniningil na ng balance, midterm pa lang naman. Kapag hindi fully paid, no exam no permit -- JL ng Marikina.
Sana bigyan pansin ng otoridad ang mga batang halos dalawang taon pa lang ay namamalimos na sa mga jeep sa lugar ng Blumentrit sa Maynila. Delikado, huwag na natin hintaying may maaksidente -- DONG NERVES ng Manila.
Sec. Luistro, hindi na La Salle ang pinamumunuan mo kundi DepEd. Maawa ka naman sa mahihirap. Mag-resign ka na lang -- CC ng Manila,
Salamat sa text nina RIC CABUSAO ng Manila, ELENA GARCIA ng QC, ALLISA SENCIO ng MAKATI, DINAH HONOR ng Pasig, CELESTINO REGALADO ng Muntinlupa, MADEL GO ng Valenzuela, FLOR HERNANDEZ ng Laguna, OFELIA ANG ng Manila, GREG MARCELO ng Bataan, NOEL GOPEZ ng Mandaluyong, BETH CRUZ ng Bulacan at ANDY PROCESO ng QC.
(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0195-9462777/email:
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 57
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 53

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more