Kgg. na Hepe ng PAO,
Magandang araw po!
Mayroon pong umutang sa akin ng $5,000 at ito ay nakapaloob sa isang kasulatan. Ayon sa aming napagkasunduan, babayaran niya ang nabanggit na halaga sa loob lamang ng isang linggo subalit mahigit apat na taon na ang nakakaraan ay hindi pa rin ito nababayaran. Ngayon ay parang ayaw na po akong kausapin ng may utang sa akin na kasalukuyang naninirahan sa probinsya. Ano po ang maaari kong gawin upang masingil ang perang aking ipinautang?
Lubos na gumagalang,
Richie
Dear Richie,
Hindi ninyo nabanggit kung ano ang eksaktong currency ng inyong perang ipinautang. Ito ay mahalaga upang matukoy ang halaga nito sa Philippine peso na siya namang magsasabi kung saan dapat isampa ang inyong kaso. Gayunpaman, gagawin namin ang lubos na aming makakaya upang masagot ang inyong katanungan.
Ang utang ay isang obligasyon na dapat bayaran sa sandaling sumapit na ang takdang oras o panahon para ito ay bayaran ayon sa napagkasunduan, kasama ang interes kung ito ay nakapaloob sa isang kasulatan.
Ayon sa inyo ay mahigit apat na taon na ang utang na nais ninyong singilin at nakapaloob sa isang kasulatan. Sa kabutihang palad, maaari pa ninyong maidemanda ang taong umutang sa inyo sa kabila ng lumipas na mga taon. Ito ay alinsunod sa New Civil Code of the Philippines na nagsasaad na:
“Article 1144. The following actions must be brought within ten years from the time the right of action accrues:
(1) Upon a written contract; x x x”
Sa ngayon, maipapayo naming magpadala kayo ng demand letter o abiso sa taong umutang sa inyo na siya ay dapat na magbayad na. Mas makabubuting sabihin din sa nasabing liham na sa oras na siya ay hindi tumugon sa kanyang obligasyon na magbayad, kayo ay mapipilitang magsampa ng kaukulang kaso laban sa kanya.
Kung ang nasabing liham ay binalewala ng taong umutang sa inyo, maaari na kayong magsampa ng kaso laban sa kanya. Kung ang halaga ng inyong ipinautang ay P100,000 o mas mababa, ito ay sakop ng alituntunin sa pagsingil ng maliliit na halaga o “Small Claims Rule.” Ito ay natatanging pamamaraan sa pagdinig kung saan ang halagang salapi na sinisingil ay P100,000 o mas mababa. Ang nasabing proseso ay simple at hindi pormal.
Maaari ninyong makolekta ang perang ipinautang ninyo sa inyong kakilala sa pamamagitan ng pagsasampa ng “small claims action” sa Metropolitan Trial Court, Municipal Trial Court in Cities, Municipal Trial Court o Municipal Circuit Trial Court. Kailangan ninyong i-file sa nasabing hukuman ang “accomplished and verified Statement of Claim (Form 1-SCC) in duplicate, accompanied by a Certification of Non-forum Shopping (Form 1-A, SCC), and two duly certified photocopies of the actionable document/s subject of the claim, as well as the affidavits of witnesses and other evidence to support the claim. No evidence will be allowed during the hearing which was not attached to or submitted together with the Claim, unless good cause is shown for the admission of additional evidence.” Ang nasabi pong mga forms ay makukuha sa alinman sa nasabing hukuman. Ang Clerk of Court o iba pang court personnel ay maglalaan ng kaukulang assistance sa inyo kung ito ay hihilingin ninyo patungkol sa “availability of forms” at iba pang impormasyon ukol sa coverage, requirements at maging procedure para sa small claims cases.
Sa inyong pagpunta sa nasabing hukuman ay bibigyan kayo o maaari kayong humingi ng “Kaalaman para sa Naghahabla” o “Information for the Plaintiff” kung saan ay nakasaad ang inyong mga karapatan bilang naghahabla at ang mga dapat ninyong gawin para sa ikatatagumpay ng inyong isasampang kaso. Maaari rin kayong magtanong tungkol sa inyong mga karapatan sa Office of the Clerk of Court (OCC) ng lugar kung saan ninyo nais maghain ng reklamo ukol sa pagsingil ng maliit na halaga.
Kung ang halaga ng inyong pautang ay hihigit sa P100,000, maaari kayong magsampa ng kasong collection of sum of money sa kaukulang korte tulad ng Metropolitan Trial Court, Municipal Trial Court o Regional Trial Court depende sa halaga na inyong pautang.
Sa pagsampa ng nasabing kaso, magagamit ninyo bilang ebidensya sa kaso ang kasulatang nilagdaan ng may utang sa inyo. Kung kayo ay manalo sa kaso, mapipilitan siyang magbayad dahil kung hindi, maaaring hatakin at ibenta ang kanyang ari- arian.
Maaari rin kayong magsampa ng kasong estafa o swindling laban sa may utang sa inyo ayon sa Artikulo 315 ng Revised Penal Code. Kung ang isang tao ay nagrepresenta na siya ay may kakayahang magbayad o may sapat na pagkukuhanan upang magbayad at dahil sa representasyong ito, siya ay nakakuha ng pera o bagay mula sa iba, ang hindi pagtupad sa obligasyong ibalik ang pera o bagay sa taong kanyang pinangakuan ay sapat na dahilan upang makasuhan siya ng swindling o estafa. Ang kasong ito, na isang kasong kriminal, ay may kaakibat na parusang pagkakakulong.
Nawa ay natulungan namin kayo sa inyong suliraning legal.
Ang inyo pong lingkod-bayan,
PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA
Punong Manananggol Pambayan
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 57
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 53

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more