ANG Punong Huwes na nagsisilbi ng pinal na hustisya sa mga kasong iniaakyat sa Korte Suprema, ngayon ay naghahanap ng hustisya para sa sarili. Siya ba’y biktima o kriminal? Ang katuwiran at katarungan ay pundasyon ng paghahari ng Diyos. The Bible says, “Righteousness and justice are the foundation of your throne.” [Psa. 89:14] Ang Diyos ay kilala sa kanyang katarungan. [Psa. 9:16]. Mahigpit ang tagubilin ng Diyos sa mga huwes na huwag magpapakita ng anumang pagkiling; huwag sirain ang hustisya at huwag tatanggap ng anumang suhol. The bible says, “for bribe blinds the eyes of the wise and twists the words of the righteous.” [Deut. 16:19]
The basic principle of justice is known as the “Presumption of Innocence.” This principle states that one is considered innocent until proven guilty. Ang aplikasyon ng prinsipyong ito ay nagsasabi na legal na karapatan ng akusado sa kriminal na paglilitis na siya’y dapat ituring na walang kasalanan hanggang hindi pa napapatunayan. In my basic understanding is that the accused is always presumed innocent and it is the burden of the prosecution to prove the contrary. In fact, the accused has no responsibility to prove his innocence – he is presumed innocent. The burden of proof is on the prosecution. Furthermore, in a criminal case the guilt has to be proven beyond reasonable doubt. The law requires that if reasonable doubt remains, the accused is to be acquitted.
Narinig ko na sinabi ni Sen. Juan Ponce Enrile, punong-huwes ng impeachment court – na ang kaso na isinampa laban kay CJ Corona ay criminal in nature. Ang isyu na nakaamba dito ay hindi lang ang siya’y mapaalis sa kanyang puwesto bilang Punong Huwes ng Korte Suprema kundi pagkatapos nito’y kailangan niyang harapin ang mga susunod na kasong kriminal na isasampa laban sa kanya sa ordinaryong korte.
Ang kasong ito ay lubhang napakaselan. Ang sabi nga ni Sen. Joker Arroyo, “We will run the risk of having a showdown between the Senate impeachment court and Supreme Court,” Ang mata ng buong bansa at maging ng buong mundo ay nakatuon sa kasong ito.
CJ Corona, biktima ba o kriminal? Sino ang maghuhusga sa kanya? Ang mga senador na minsan niyang nasagasaan sa mga desisyon na hindi popular mula sa korte suprema? Ang mga senador na mayroong kinabibilangang partidong pulitikal? Ang mga senador na mayroon mga pulitikal na ambisyon sa susunod na eleksyon? Ang mga senador na lantarang kaalyado ng Pangulo? Ang mga senador na ang kanilang pasya hinggil sa kasong ito ay maaaring pumatay sa kanilang pulitikal na ambisyon o kaya’y bumuhay sa naghihingalo nilang popularidad? Hindi kaya maging grandstanding lang ang impeachment para sa mga senador na uhaw sa popularidad at media mileage? Nagtatanong lang po?
Nagtatanong lang po – mayroong bang sapat na kakayahan ang ilang mga senador na magtimbang-timbang ng mga ebidensya sa isang kriminal na kaso? Hindi ko tinatawaran ang kakayahan ng ilan sa kanila. Ang mga abugado ay higit na bintahe sa ganitong pagsasanay sapagkat ito’y bahagi ng kanilang propesyon. Paano naman kaya ‘yung mga senador na hindi abugado? Alam kaya nila ang gagawin dito? Nagtatanong lang po?
Ako’y nababahala sa nagiging takbo ng paglilitis – hindi pa man nagtatagal halos nababanaag mo na ang magiging hatol na senador pagkatapos ng paglilitis. Nariyan ang halos tulungan ang panig ng prosecution o kaya’y ang panig ng depensa. Saan kaya tutungo ang sarsuwelang ito? Ang lahat ng ito’y nangyayari habang patuloy na naghihirap ang buhay ng maraming Pilipino.
Kung si CJ Corona ay biktima o kriminal hindi pa natin malalaman sa ngayon. Maaari bang siya’y maging guilty sa impeachment court at paglipas ng panahon sa acquitted naman sa mga kriminal na kaso sa ordinaryong trial court – hanggang sa korte suprema? O, obligado na ang mga korte na siya’y guilty dahil sa desisyon ng impeachment court? Ano ang implikasyon kung maging iba ang hatol ng impeachment court sa trial court? Nagtatanong lang po?
Ang isa pang problema dito ay ang trial by publicity. Ang taongbayan ay mayroong opinyon sa isyung ito na kanilang nakukuha mula sa media. Paano kung para sa taongbayan siya’y guilty. Makaapekto kaya ito sa magiging hatol ng mga senador na tatakbo sa eleksyon sa susunod na taon? Nagtatanong lang po?
Nasa kamay ng mga senador ang paghusga kung si CJ Corona ay biktima lang ng pulitika o kaya’y tunay na kriminal. Let me just remind our senators what Abraham said to God, “Far be it from you! Will not the Judge of all the earth do right?” [Gen. 18:25] Alang-alang sa Diyos at sa bayan, gawin ninyo ang tama. Humatol ng wasto ayon sa mga iniharap na ebidensya at testigo at hindi ayon sa agos ng opinyon ng iyong mga butante o kaya’y bulong ng iyong mga kapartido.
Tandaan ninyo isang araw haharap din kayo sa Diyos – ang tunay na hukom ng mga hukom.
ANG DYARYO EMI ay gawaing paglilingkod ng Emmanuel Ministry Institute. Ugaliin ding makinig sa RADYO EMI sa DWBL 1242 tuwing Linggo, alas-7:30 ng umaga. Lumago kasama namin tuwing Linggo, alas-6:30; 8:30; at 10:30 ng umaga; alas-4:30 ng hapon at alas-6:30 ng gabi; at araw ng Miyerkules at Huwebes alas-7:00 ng gabi sa EMI Center. Tumawag sa 4444-777 o mag-text sa 0922-8661029. Bisitahin ang www.facebook.emi.ph.
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 57
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 53

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more