Kailangan ng bayan, tunay na malasakit


PAMBIHIRANG yugto sa ating kasaysayan ang nasasaksihan natin tuwing hapon sa telebisyon.  Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Pilipinas, Punong Mahistrado ng Korte Suprema ang nililitis sa kasong impeachment.  Matamang nakamasid at nakikinig na mabuti ang sambayanan sa paglilitis na itong katibayan ng pamamayani ng demokrasya sa ating bansa.

Samantala, patuloy tayong lahat sa pagtupad sa mga tungkuling nakaatang sa ating mga balikat bilang pinunong bayan at bilang mamamayan ng isang malaya at demokratikong bansa.  Higit sa ano pa man, ang pagkakaisa at pagtutulungan ng taong bayan sa isang dako at ng pamahalaan ang kailangan para magtagumpay ang mga hangarin sa kapakanang pambayan.  Bayan natin ito, at tayo ang unang-unang dapat magmalasakit dito.

Ang nakalulungkot nga lamang madalas kaysa hindi, sa maliliit na mga bagay na magagawa agad natin bilang mamamayan, nagwawalang bahala tayo at ayaw nating kumilos.

Huwag na tayong lumayo pa, sa palibot lamang ng ating mga tinitirahang pook, kitang-kita ang katibayan ng kapabayaan natin sa mga nagkalat na balat ng kendi, upos ng sigarilyo, nilapirot na mga papel, balat ng saging, mga basong plastic na pinag-inuman ng sa-malamig at mga pinaglagyan ng pansit, spaghetti, palabok at pati mga supot na plastik.

Naku, tuwing umaga na lamang, matatambad sa paningin natin ang tanda ng KASALAULAANG ginawa ng mga taong wala ni katiting na pakialam sukdulang pamahayan man ng langaw at mga mikrobyo ang sipok ng basura na iniwan nila kung saan-saang bangketa, gilid ng bangketa, kahit sa mga plasa at ang nakakalungkot, pati patio ng mga simbahan, hindi na iginalang!

Kung minsan, ang mga nakatatandang Pilipino ay nagtatanong: Bakit nagkaganito ang mga Pilipino? Katutubong malinis hindi lamang sa katawan ang lahi natin, kundi pati sa loob at labas man ng mga tahanan? Sa probinsiya nga, iniisis ng pakiling ang mga pasimano ng bintana at baitang ng mga hagdan. Umaga at hapon, winawalis ang buong bakuran sa isang lugar ang mga tuyong dahon ng mga punung-kahoy na nakapalibot sa bahay upang sigaan nang mataboy ang mga lamok. Kaya noon, malinis na malinis ang paligid kahit walang tagawalis na inuupahan ang gobyerno upang walisin ang ano mang kalat sa kalye.

Siguro, tama lamang na buhayin uli ang magandang ugaling ito ng mga Pilipino at pukawin ang kamulatan nang lahat sa katotohanang kung nais nating makaakit ng mga dadalaw sa ating mga ipinagmamalaking magagandang pook, ibalik natin ang kalinisan at ang malasakit na laging maging malinis ang lahat ng panig ng bansa natin. Katutubo ang kagandahang-loob at husay makipagkapuwa tao ng mga Pilipino. Lalong likas sa Pilipino ang pagiging malinis. Ang lahat ng katutubong magandang asal ng mga Pilipino ay dapat lamang na buhaying muli sapagkat ito ang magiging tunay na susi ng higit na magandang kinabukasang kay tagal nang inaasam-asam at pinapangarap natin. Simulan na natin ito bago mahuli ang lahat!



Opinion

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang  kinakapitan. Okey na sana itong... Read more

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 57
By : Jess V. Antiporda

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Vic Reyes

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more

The shoal

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 53

The shoal

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we  safeguard the sovereignty dispute,... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC