BAGO ang lahat, kudos ulit sa Laguna PPO sa ilalim ni PD Gilbert Cruz, dahil sa patuloy na tagumpay ng kanyang ‘Angry Bird’ anti-crime campaign na patuloy sa pagbubunga ng positibong resulta.
Sa katunayan, kasamang Rolly Carandang ng Tempo/Manila Bulletin, ang madugong engkuwentro ng madaling araw noong Enero 17 sa Sto. Tomas, Batangas, kung saan apat na carjacking/armed robbery suspects ang natigok, ay resulta ng
alarma na ipinalabas ng Laguna PPO matapos tangayin ng mga suspect ang isang closed van sa Calamba City.
At dahil kasama sa programa ni PD Cruz ang province-wide dragnet operation sa anumang insidente ng krimen, hindi nakalusot ang mga salarin sa isinagawang ‘hot pursuit operation’ ng kanyang mga tauhan kaya “napadpad” ang mga ungas, ehek, suspect, sa Sto. Tomas, kung saan naman sila inabutan ng mga awtoridad.
Ayon pa nga sa mga kaibigang COP sa Laguna PPO, kahit sila ay “magaan” na ang trabaho ngayon dahil may mga araw na “zero crime” sa buong probinsiya!
Yes, Chief PNP Nick Bartolome, sa liderato ng isang magaling at matinong opisyal na katulad ni PD Gilbert, hindi lang posible, bagkus, puwede talagang mangyari ang iyong “vision” na isang kapulisan na talagang maaasahan ng ating mamamayan at seryoso sa pagtahak sa “matuwid na landas.”
Kaya nga, ang “sumisira” na lang daw ngayon sa “araw” ng mga pulis-Laguna ay ang patuloy na pagiging “magulang” nitong si alias Don Ramon na nakopo na pala ang jueteng, ehek, STL, sa buong probinsiya!
Dangan kasi, hayagang binabalewala umano nitong si Don Ramon ang kanyang ligal na mga obligasyon sa operasyon ng jueteng, oops, STL, katulad ng kabahagi ng mga LGU at PNP pero ang PCSO, dedma lang!
Sa madaling salita, dapat repasuhin ni PCSO chair Margie Juico ang record nitong si Don Ramon bilang STL franchise holder, dahil marami ang kumbinsido na inaabuso nito ang kanyang mga pribilehiyo.
Patunayan mo, madam chair, na hindi ka kunsintidor sa mga abusado! Abangan!
* * *
Kung inaakala ng Malacañang na tanging si Supreme Court Chief Justice Renato Corona ang nililitis ngayon sa Senado, aba’y nahihibang, ehek, nagkakamali sila.
Alam naman kasi ng lahat na kaya mayroon ngayong impeachment trial sa Senado laban kay Corona ay dahil ito ang gustong mangyari ni P-Noy.
Kaya nga ang resulta ng paglilitis na ito, partikular kung ma-acquit si Corona, ay “babalagbag” lahat sa administrasyong Aquino.
At kung pagbabatayan naman ang ginagawang pagkakalat, ehek, “performance” ng kanyang mga bataan mula sa Kongreso sa pangunguna ni Iloilo Rep. Neil Tupaz III, aba’y hindi lang sila ang napapahiya, bagkus, si Pang. Noy mismo.
Sa resulta ng dalawang araw na pagdinig noong Martes at Miyerkules, walang maiwang impresyon sa isipan ng karamihan kundi, sandamakmak na “amateur” ang inipon ni P-Noy upang isulong ang unang pinakamalaking laban ng kanyang administrasyon, hehehe!
At mabuti na lang may dagdag-abugado ang Palasyo sa hanay ng mga senator-judges sa pangunguna ni Sen. Frank Drilon.
Dangan kasi, kung walang kapartido si P-Noy sa mga senador, siguradong mauuwi sa wala ang mga bintang laban kay Corona, tsk,tsk,tsk!
Stated another way, this impeachment trial is as much a trial of the Aquino administration and not merely against the person of CJ Corona.
Its result would be the yardstick by which the political future of this administration and by extension, P-Noy’s future legacy, hangs.
Kung “madidiin” si Corona sa paglilitis na ito, mabuti para sa administrasyon. Eh, paano kung hindi? Aba’y napakalaking problema ‘yan, sa totoo lang, mga kabayan dahil ang interpretasyon, “lameduck president” na agad si P-Noy, aray!
Sa mas “mababaw” na pagtingin, para lang din kasing “jueteng” ang paglilitis na ito, ‘yun bang... numbers game.
Walo (8) para ma-acquit si Corona at labing-anim (16) para naman siya ma-convict at ma-obligang bumaba sa puwesto. Ang tanong: May ‘bilang’ ba ang Palasyo sa puntong ito?
Wala, mga kabayan, ‘yan ang masakit na katotohanan, huhuhu!
Teka, napag-usapan na rin lang ang jueteng, sino kaya ang “kumukubra” ngayon sa “intelihensiya”nito dahil sa katotohanang hindi naman ito natigil, ‘di ba DILG Usec. Rico Puno?
Finally, greetings na rin kay PNP Training Service director at ex-Calabarzon CDS, Chief Supt. Charles Calima, na papasok na ngayon sa ikatlong taon (o pang-apat na?) niya sa puwesto. Wow, record-holder ka na ngayon, “bihira” ‘yan sa PNP, hahaha!
But tama ka, kaibigang Charles, dapat talaga ay trabaho lang ‘di ba?
Isa pa, pulos OPM (Oh, Promise Me) na nga ang ibinigay sa iyo ng mga among tunay sa Camp Crame at DILG, gusto mo pa ba, matupad? Ano ka, “sinusuwerte,” hehehe!
Alam mo naman ang mga pulitiko, bolero, kaya...asa ka pa, hahaha!
(For reaction, text at 09274711475 or email at
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
).
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 56
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 53

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more