Nag-donate ng lupa, gustong bawiin


Kgg. na Atty. Acosta,

Nais ko pong humingi ng payong legal hinggil sa donasyon ng lupa. Ang amin pong lolo ay nag-donate ng isang hektaryang lupa sa isang paaralan noon pang dekada singkwenta na tinayuan ng isang gusaling pampaaralan. Ang nasabing lupa ay inabandona na ng paaralan sa dahilang lumipat na ito sa isang lupa na ibinigay din ng iba naming kamag-anak. Gusto po naming malaman kung may karapatan ba kaming bawiin ang lupang ito?

Maraming salamat po.

Lubos na gumagalang,

Hermogenes


Dear Hermogenes,

Ang isang donasyon ay maaaring mapawalang-bisa kung ang donor ay may ipinataw na kondisyon sa donee noong panahon ng pagkaka-donate ng isang pag-aari.

Ayon sa Article 764 ng Civil Code of the Philippines:

“Art. 764. The donation shall be revoked at the instance of the donor, when the donee fails to comply with any of the conditions which the former imposed upon the latter.

“In this case, the property donated shall be returned to the donor, the alienations made by the donee and the mortgages imposed thereon by him being void, with the limitations established, with regard to third persons, by the Mortgage Law and the Land Registration Laws.

“This action shall prescribe after four years from the noncompliance with the condition, may be transmitted to the heirs of the donor, and may be exercised against the donee’s heirs (647a)”.

Dahil wala kayong nabanggit sa inyong liham, ipinagpapalagay naming walang kaakibat na kondisyon ang pagkaka-donate ng inyong lolo sa nasabing lupa hinggil sa kung saan ito gagamitin. Dahil dito, maituturing na absolute o ganap ang pagkakabigay niya ng lupa sa paaralan. Samakatuwid, ang lupang ibinigay ng inyong lolo sa paaralan ay mananatiling kanila bagama’t hindi na nila ito ginagamit. Wala na kayong karapatan na bawiin ang nasabing lupa.

Nawa ay malinaw naming nasagot ang inyong mga katanungan. Gayunpaman, binibigyang-linaw po namin na ang mga payong nakasaad sa liham na ito ay base lamang sa mga impormasyong nilalaman ng inyong liham. Maaaring may ibang legal na opinyon na mas angkop dito kung may importanteng detalye na hindi ninyo nabanggit sa inyong liham.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala.


Ang inyo pong lingkod-bayan,


PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA
Punong Manananggol Pambayan


Paunawa:

Ang mga serbisyong legal ng PAO gaya ng “legal advice,” court representation, pagsasagawa ng dokumento, notaryo at iba pa ay libre at walang bayad mula sa kliyente ng PAO sang-ayon sa R.A. 9406 (PAO Law). Sang-ayon din sa nasabing batas, ang katunggali o kalaban sa kaso na matatalo ang magbabayad ng attorney’s fee sa PAO para ideposito sa National Treasury.

Maaaring isumbong kay Chief Acosta ang sinumang public attorney o empleyado ng PAO na manghihingi o tatanggap ng salapi mula sa kliyente ng PAO sa address na ito: 5th Floor, DOJ Agencies Building, NIA Road corner East Avenue, Diliman, Quezon City, 1104.

Makinig sa “Abogado ng Bayan” sa Radyo ng Bayan, DZRB, 738 khz AM band, 6:30 a.m., mula Lunes hanggang Biyernes. Manood ng “Public Atorni”  tuwing Huwebes ng gabi sa TV5, before “Aksyon Journalismo”. Isangguni ang iba pa ninyong usaping legal sa aming opisina sa address na nakasaad sa pitak na ito o kaya ipadala ang inyong katanungan sa aming e-mail address: This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o tumawag sa PAO hotline: 929-9436 anytime.



Opinion

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang  kinakapitan. Okey na sana itong... Read more

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 56
By : Jess V. Antiporda

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Vic Reyes

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more

The shoal

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 53

The shoal

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we  safeguard the sovereignty dispute,... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC