Turismo: Ang sorpresa ng ’Pinas!


NAGING usap-usapan ang bagong slogan ng Department of Tourism nang ilunsad nito ang kanyang bagong kampanya upang engganyuhin ang mga turista. “It’s more fun in the Philippines,” ’yan ang sabi ng slogan.

Ayon sa National Tourism Development Plan 2011-2016, tinatayang aabot sa 6.62 million na dayuhang turista ang bibisita dito sa atin mula sa 3.52 million sa kasalukuyan. Dadami rin ang bilang ng local tourists, mula 27.9 million, ito ay inaasahang papalo sa lampas 34 million sa 2016.

Kung ikukumpara sa ating mga kapitbahay sa Asia (Thailand, Malaysia, Singapore, Vietnam, etc) ang turismo natin, nasaan tayo? Limang porsiyento (5.06%) lang ang share natin at ang target ay paangatin ito sa 6.34%. Mataas na pangarap ba ito o planong hindi ambisyoso?

Sana ngayon pa lang namumuhunan na ang gobyerno at ang pribadong sektor sa turismo. Halimbawa, kailangan natin ng dagdag na 33,800 hotel rooms. Alam naman natin na kapag may construction at iba pang investment sa turismo,  mas madami ang mabibigyan ng trabaho sa mga tourist destination sa labas ng mga siyudad. At kaya nitong magbigay-hanapbuhay sa may 6.5 milyong Pinoy at makapag-ambag ng 7% sa gross domestic product ng bansa.

Iniligtas ang Thailand at Spain

Alam n’yo ba na ang turismo ang sumagip sa ekonomiya ng Thailand at Spain at hanggang ngayon ay turismo pa rin ang pinakamalaking pinagkakakitaan ng mga bansang ito?

Siguro naman kung ganda rin lang ng bansa at dami ng atraksyon ay hindi tayo nahuhuli sa mga bansang ito. Pero ano ang kanilang ginawang tama para sila ngayon ay magtamasa sa turismo? Kaya ba rin nating gawin ’yun o higitan pa? May itinatagong sorpresa nga ba ang turismo na magpapagulat sa atin?      

Sa ganang akin, ang pag-akit sa turista ay hindi lang usapin ng pagdagdag sa infrastructure. May kailangan din itong baguhin sa pananaw nating mga Pinoy. Tourist-friendly ba talaga tayo at may angking customer service upang tunay na mapasaya  ang bisita? O meron pa rin tayong isipan na ay “turista naman ’yan at maraming pera, hindi na nya mapapansin kung gugulangan ko.” Kinakaibigan ang turista hindi ginagantso.

Tayo ang salamin ng bansa

May mga sinasanay ba tayong front liner at backroom support na may kakayahan talaga upang gawing kawili-wili ang pagbisita dito sa atin? Tandaan natin na ang imahe ng buong bansa ang sinasalamin natin sa tuwing sasaludarin at pakikitunguhan ang bawat turista. Kaya kwidaw!

May paghahanda na rin  ba ang ating mga local government units lalo na sa usapin ng taxation, zoning, local transportation, at peace and order? Hindi ba nagsasala-salabat at nagkokontrahan ang mga local na polisiya sa turismo dahil sa pulitika?

Sabi nga: if we are ready, they will come! Sino ngayon ang tunay na makakapagsabi na handa na talaga tayo para sa turismo?

Sige na, sorpresahin natin maging ang ating mga sarili!

Acupuncture ba? O paracetamol?

Base sa ating sariling obserbasyon at sa pagsusuri ng mga ekonomista at historian sa mundo, ito ang panahon kung kailan dahan-dahang  umaangat ang silangan, habang patuloy naman ang pagbulusok pababa ng ekonomiya at kaayusang panlipunan sa kanluran.

Sa aspeto naman kaya ng medisina at kalusugan, ito rin kaya ang ating natutunghayan? Dumadami na ba ang kumikilala sa galing at bisa ng medisina at  paraan ng panggagamot na nanggaling sa kanluran na dati ay hindi sineseryoso ng marami sa atin?

Unti-unti na bang nabubuksan ang ating mata sa mga hindi tradisyunal na paraan ng paggagamot sa mga karamdaman ng tao na hindi lang yata dumadami kundi patuloy ding mas nagiging malala at kumplikado?

Western o eastern medicine?

Halimbawa, kung si Juan ay masakit ang ulo, kalimitan ang hatol ay uminom ng paracetamol.

Pero malamang ay meron na rin sa atin na kagaya ni Pedro na mas gugustuhin ang magpa-acupuncture na bahagi ng traditional Chinese medicine.

Lumalabas na maging sa medisina, tila  may mga handa nang tumanggap  sa  mga medical treatment na taliwas sa ating nakagisnan. May lugar na ba  ang  eastern medicine sa ating mga Pilipino na sa mahabang panahon ay western medicine ang nakasanayan?

Sa totoo lang, hindi naman ganun kadaling iwaksi ang kinagisnan upang yakapin ang tila “bagong” tuklas na pamamaraan ng pagpapagaling sa karamdaman.

At sa totoo  pa rin lang, may mga  paraan  ng panggagamot na pinagsasanib ang kaalamang silangan at kanluran, ng bago at tradisyunal.

Merong tinatawag na complementary at alternative medicine na siya nating hihimayin sa darating na mga linggo. 

(Email: This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. )



Opinion

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang  kinakapitan. Okey na sana itong... Read more

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 56
By : Jess V. Antiporda

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Vic Reyes

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more

The shoal

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 53

The shoal

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we  safeguard the sovereignty dispute,... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC