Ano na ang nangyari sa alternative fuel program?


MISTULANG inamin ng administration na wala itong kakayahang pigilin ang presyo ng petroleum products dahil na rin sa umiiral na Oil Deregulation Law.

Kinumpirma ni Presidential Spokesman Edwin Lacierda na walang balak ang administration na maglagay ng ceiling price sa petroleum products matapos ang pinakabagong oil hike na ipinatupad ng mga oil companies.

Katwiran ni Lacierda, may mga ginagawa nang plano ang administration tulad ng masusing pag-aaral ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kung dapat na ibigay ang fare hike na hirit ng transport group, gayun din ang reactivation ng Pantawid Pasada ng Department of Energy (DoE).

Ang pinagtataka ng taumbayan, araw-araw nababasa, naririnig at napapanood sa television ang mga balita ukol sa iba’t ibang uri ng mga alternative fuel program para sa transport groups pero bakit daw hanggang ngayon ay program pa rin ito?

Panahon pa raw ng dating administration noong ito ay na-approve at may budget na ang mga programang tulad ng Electric Vehicles, Liquefied Petroleum Gas (LPG), Bio-diesel, at Compress Natural Gas (CNG). Ngayong nasa dalawang taon na ang Aquino administration, nanatiling programa pa rin ang mga nasabing alternative fuel.

Matagal na rin daw itong na-scrutinized at pumasa sa lahat ng test ng mga ahensiya ng gobyerno tulad ng Department of Environment and Natural Resources, Department of Trade, Department of Transportation and Communications at Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

Marami ang nagtataka sa kabila na sinasabi ng gobyerno na ang mga alternative fuel ang solution sa problema sa transport, pero bakit hindi raw maipatupad?

* * * *

Katunayan sa press conference ng Public Information Agency (PIA), inilunsad ng (DoE) ang E-trike design contest bilang 100% support sa mga alternative fuel program tulad ng electric vehicle.

Ayon mismo kay Secretary Rene Almendras ng DoE, ang top three winning entries sa Feb. 24 ay may premyo na tig-P200,000.

Ang design na E-trike ay dapat three-wheeled electric vehicle at hindi lalagpas sa anim na pasahero maliban sa driver. Ang design dapat ay ipakita sa 2D at 3D na iginuhit sa pamamagitan ng AutoCad software kasama na ang description ng design.

Ang mga entry na isusumite ay dapat nakalagay sa isang CD at may hard copy na A3 ang size kasama ang registration form at duly notarized Oath of Ownership na nakalagay sa isang sealed envelope.

Ang mga criteria sa judging ay aesthetics/creativity, originality/innovation, ergonomics, safety at functionality.

Sa Feberuary 17 ng alas- 4 ng hapon ang deadline ng submission ng entries sa DoE-EUMB.

Para sa mga reactions pwede po kayong  mag e-mail sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. .



Opinion

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang  kinakapitan. Okey na sana itong... Read more

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 56
By : Jess V. Antiporda

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Vic Reyes

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more

The shoal

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 53

The shoal

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we  safeguard the sovereignty dispute,... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC