P-Noy at kanyang first lady


MAKAKATAGPO na ni P-Noy ang kanyang First Lady ngayong taon. At sa katunayan mas susuwertehin umano ang most qualified bachelor ng bansa kung ihaharap niya ito sa dambana bilang kanyang lifetime partner at kabiyak.

Ito ang ilan sa fearless predictions ni geomancer Master Joseph Chau  sa pagpasok ng Chinese Lunar Year at Year of the Water Dragon sa 12:01 a.m. ng Enero 23, Linggo.

Matatandaan na tradisyunal na pinangungunahan ni G. Chau ang pagsalubong sa Chinese New Year sa Manila Mandarin Hotel sa Makati City.

Masalimuot umano ang kahaharapin ni P-Noy sa kanyang ikatlong taon, subalit bilang isang isinilang sa ilalim ng Chinese animal sign na Rat (1960) ay mananaig ito sa huli sa lahat ng hamon na darating sa kanyang liderato.

Bukod sa Water Dragon at iba pang Dragon, masuwerte din ang mga isinilang sa Chinese animal sign na Rat at Pig.

“There are many elements of fire and water for your country, and while many say these will bring natural calamities, positive thinking will tell you these two elements are in harmony,” paliwanag ng Hongkong based na feng shui expert na si Chau.

Kung may balak na si P-Noy na mag-asawa ay maganda umano ang Year of the Water Dragon para ito isakatuparan, dagdag pa ni G. Chau.

Payo din ni G. Chau sa mga bachelor na masuwerte ang pag-aasawa ngayong taon.

Sa katunayan, may nakikita si G. Chau na bagong apple of the eye ni P-Noy ngayong taon dahil sa rising Wife Star umano nito kaya ang kanyang First Lady ay “just around the corner.” ’Di kaya makilala ng Pangulo ang dilag sa darating na Valentine’s Day?

Kaya lang “tougher road” ang kahaharapin umano ni P-Noy dahil na rin sa posisyon umano ng Malakanyang kung saan siya nag-oopisina na nakaupo sa South East  at nakaharap sa North West na pareho umanong  lokasyon na hindi masuwerte at may nagbabadya na disaster sa South East at Robbery Star sa North West. Kung hindi mag-iingat si P-Noy ay may mga maling desisyon na magre-resulta sa losess sa ating mga finances, ayon pa sa feng shui expert.

May nakikita din si Chau na sigalot sa kasundaluhan.

Masuwerte umano ang isang mini-fountain na mailagay sa likuran  ng desk ni P-Noy. Nakasalalay umano kay P-Noy kung paano nito kahaharapin ang ano mang negative vibes katulad ng rough sailing sa kanyang liderato at gawin itong positive.

The Year of the Water Dragon is also the Year of Change so it is a good time for the country to bloom,” ayon pa sa kanya.

Kilala si G. Chau bilang feng shui expert sa loob ng mahigit na 30 taon at siya ay bantog sa iba’t- ibang bansa dito sa Asya, Europe at South Africa.

Sa taon na 2012 ay may suwerte o good luck umano ang Pilipinas. Ang turismo ay kailangan umano na paunlarin ng pamahalaan bilang isang sunshine industry at possible na yumabong bilang prime destination sa Asya ang Pinas dahil sa pagbaba ng turismo sa Japan at Thailand.

Sa gitna ng pagsisikap ng bansa ay kulelat pa rin ang Pinas sa turismo sa 3. 5 million na tourist arrivals ng nakalipas na taon kumpara sa 24.58 milyon sa Malaysia, 20.09 sa Hongkong, 15.84 milyon  sa Thailand, 8.80 milyon  sa South Korea, 8.61 milyon  sa Japan at pitong milyon sa Indonesia.

Aabot sa 204 milyon ang tourists sa Asya Pacific, ayon sa UN World Tourism Organization.

Patuloy umano ang banta ng radiation sa Japan at pilit na bumabangon pa rin ang Thailand sa massive floodings.

Hindi naman na maalala pa ang bangungot ng mga turista sa  nangyari sa Quirino Grandstand hostage taking, dagdag pa ni Chau.

Gayunpaman, ang mga elementong fire at water ay magdudulot pa rin ng mga natural calamities at trahedya.

Kaya payo ni G. Chau ang  lubos na pag-iingat at ang pagpapatupad ng preventive measures o disaster preparedness  sa buong taon kasabay nang patuloy na matamlay at baba-taas   ng ekonomiya na iiral sa bansa.

“There will be more flooding, raining, earthquakes and more explosions in the Philippines and South East Asia, especially in the months of April, October, and January 2013,” ang babala ni Chau.

Payo ni G. Chau sa mga negosyante at sa lahat na maging “flexible” sa kanilang pagnenegosyo at pagharap sa buhay upang maging mas matagumpay lalo na sa taon ng Year of Change na papasok.

“People must think before they act,” pagwawakas pa ni Chau.

Happy Tikoy sa lahat, Kung Hei Fat Choi! Kiong Hee Huat Tsai!”



Opinion

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang  kinakapitan. Okey na sana itong... Read more

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 56
By : Jess V. Antiporda

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Vic Reyes

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more

The shoal

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 52

The shoal

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we  safeguard the sovereignty dispute,... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC