Presyo ng kuryente kailangang ibaba


KUNG gusto natin guminhawa ang ating ekonomiya, kailangan pong ibaba ang presyo ng kuryente sa Pilipinas. Lumabas sa isang survey kamakailan na tayo na ngayon ang may pinaka-mahal na cost of power sa buong mundo. Laking sakit ng ulo ito para sa manufacturing sector dahil sa kuryente pa lamang ay ubos na ang kanilang puhunan!!

Medyo mas mura nga ang cost of labor sa ating bansa kung ikukumpara sa ibang bansa kaya maraming foreign companies ang nagtatayo ng factories at call centers dito.

Subalit dahil sa mataas na presyo ng kuryente, nababawi rin madalas ang natipid ng mga kumpanya sa labor cost. Nawawala tuloy ang competetive advantage ng Pilipinas sa ibang Asian countries na nakikipag-agawan sa atin para sa foreign investments.

Huwag na natin hintayin na layasan tayo ng mga foreign investors! Huwag na rin natin hintayin na magsara ang local manufacturers! Habang may panahon pa, dapat umaksyon na ang gobyerno at ang pribadong sektor para maibaba ang ubod ng taas na presyo ng kuryente!

Alam ninyo, mahal ang kuryente sa Pilipinas dahil ang demand for power ay mas mataas kaysa sa power supply. Kulang ang kuryente na nililikha ng ating power producers kumpara sa aktwal na konsumo ng ating bansa.

Bilang patunay nito, maraming lugar sa Mindanao ang nakakaranas ng rotating brownouts tuwing summer season. Ito’y dahil tumitigil mag-produce ng electricity ang mga hydro-electric power plants kapag mababa ang water level. Halos sapat lang ang ating power production kung lahat ng planta ay gumagana. Isa lang power plant ang huminto, brownout na kaagad!!

Sa Law of Supply and Demand, kapag mataas ang demand kaysa sa supply, tiyak na tataas ang presyo ng anumang produkto. Kailangan gumawa tayo ng paraan para pumantay o lumabis ng kaunti ang supply ng kuryente sa pangangailangan natin lahat. Dito po dapat masubukan ang Private-Public Partnership na iminungkahi ni Pangulong Aquino!

Responsibilidad ng gobyerno na buksan ang pinto para sa mas maraming investments sa energy sector. Dapat ibuhos ng pamahalaan ang lahat ng maaaring ibigay na incentives para sa mga nais mag-invest sa power generation. Ito ang tanging solusyon sa mataas na presyo ng elektrisidad sa ating bansa.

Nakatitiyak ako na kung makagagawa ang gobyerno ng paraan para maging attractive sa investors ang power sector, mag-uunahan pa ang mga negosyante na magtayo ng mga power plants.

Mabilis umuusad ang teknolohiya sa power generation kaya’t huwag nating pabayaan na tayo ay mapag-iwanan pang lalo. Naniniwala ako na ang ganitong mga bagay ang dapat binibigyan prayoridad ng ehekutibo at lehislatura ngayon!!

* * * *

Dapat siyasatin din ng mga kinauukulan kung bakit ubod ng taas ang presyo ng elektrisidad sa Metro Manila! Nakapagtataka kung bakit higit na mas mahal ang kuryente dito sa Kamaynilaan kumpara sa mga probinsya? Malaki talaga ang agwat sa binabayaran naming electric bill dito sa siyudad kung ihahambing sa bill namin sa Pangasinan!

Labag ito sa pang-unawa natin tungkol sa law of economics dahil ang kuryente sa NCR ay nagmumula sa malalaking power producers at sinu-supply sa atin ng pinaka-malaking power distributor!

Samantala, ang kuryente sa probinsya ay nagmumula lamang sa mga maliliit na electric power cooperatives na sumeserbisyo lamang sa mga kalapit na pook. Kung ibabatay natin sa economy of scale, dapat higit na mas mura ang presyo ng kuryente sa Maynila kaysa sa lalawigan.

Ang masama pa riyan ay sa NCR nagtipon-tipon ang mga malalaking manufacturers at ibang power-intensive industries. Kung sa bagay, may mabuti rin itong maidudulot dahil gusto natin magsilipat sa probinsya ang mga investors para umunlad naman ang kanayunan! Ngunit hindi pa rin nasasagot ang ating katanungan kung bakit mas mahal ang kuryente sa Maynila?

* * * *

Palagay ko ay panahon na upang makausap natin ng masinsinan ang mga pinuno ng homeowners’ association ng Ayala-Alabang Village Subdivision. Pinagpugaran na ng drug syndicate ang kanilang subdibisyon pero tila wala silang kamalay-malay sa nagaganap sa loob ng kanilang komunidad! Exclusive subdivision pa naman ito kuno subalit bakit parang walang nakakaramdam na labas-pasok na pala ang mga notorious drug personalities dito?

Dalawa pa pong mga drug laboratories ang ating natuklasan sa loob ng Ayala-Alabang Village nitong mga nakalipas na araw!

Ito’y kasunod pa sa matagumpay na raid ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang malawak na property sa 504 Acacia Avenue kung saan isang shabu laboratory ang natagpuan. Lumalabas na mayroon palang tatlong active shabu labs sa loob ng subdivision!

Ang dalawa pang laboratoryo ay natuklasan ng ating mga operatiba sa mga address na 119 Kanlaon Street at 536 Country Club Drive, na parehong nasa loob din ng Ayala-Alabang Subdivision.

Bagama’t nakapuslit ang mga operators ng nasabing mga laboratoryo, nasabat naman ng ating agents ang milyun-milyong halaga ng produkto at chemicals na panggawa ng shabu. Marahil alerto na ngayon ang mga suspects dahil sa pagkaka-aresto natin sa limang Chinese nationals sa naunang raid.

Batay sa pangunang imbestigasyon, posibleng bahagi ng isang malaking Chinese drug ring ang tatlong laboratoryo. Maaaring iisang sindikato lang ito at pinaghati lamang ang kanilang manufacturing operations sa tatlong medium-scale laboratories para hindi gaanong sumingaw ang kanilang ginagawa sa loob ng inuupahang mga malalaking bahay.

Pinaghahanap ng mga awtoridad ngayon ang dalawang suspects na kinilala lamang bilang sina “Man Lat” at “Mr. Wong” na siyang umupa diumano sa nasabing properties. Malinaw na sinikap ng mga suspeks na isikreto nang husto ang kanilang operasyon sa loob ng subdibisyon.

Hindi natin sinasabi na mayroon kinalaman sa sindikato ang mga homeowners ng Ayala-Alabang Village. Subalit hindi rin natin totally maaalis ang hinala na baka mayroon contact sa loob ng komunidad ang sindikato!

Dapat mahikayat natin ang mga community leaders maging ang mga ordinaryong residente ng subdibisyon na maging alerto sa mga nagaganap sa kanilang paligid.

Maraming kapahamakan ang maaaring dumapo sa mga taong masyadong kampante at hindi nagmamasid sa kanilang kapaligiran! Sadyang malapit po ang disgrasya sa mga taong abala at tatanga-tanga!

* * * *

Welcome sa ating bagong acting executive director ng Dangerous Drugs Board sa katauhan ni dating Rear Admiral Jorge de Guzman Necesito ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Dumating siya kahapon sa ating tanggapan upang i-assume ang bagong tungkulin na pansamantalang ginampanan ng ating mahusay at masipag na permanent board member, Usec. Edgar C. Galvante.

Inaasahan natin na hindi man malampasan ay kanyang mapapantayan ang kasipagan at dedikasyon ng mga nakaraang executive director. Muli, welcome to DDB Family, Usec. Necesito!

(Para sa inyong impormasyon, suhestiyon, o reklamo, mag-text lamang po kayo dito sa number ko: 09159509746 o di kaya ay mag-email sa This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. )



Opinion

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang  kinakapitan. Okey na sana itong... Read more

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 56
By : Jess V. Antiporda

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Vic Reyes

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more

The shoal

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 52

The shoal

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we  safeguard the sovereignty dispute,... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC