Alkalde natalo ng milyong dolyar sa Macau


ISANG alkalde ng isang syudad sa Southern part  ng Metro Manila ang lumung-lumong bumalik sa bansa matapos  matalo ng kung ilang milyung dolyar matapos  magtungo sa Hong Kong at nagsugal sa Macau ng nakaraang linggo.

Ayon sa aking mga espiya, halos lahat umano ng nakurakot ni mayor sa kanyang lungsod mula sa mga ‘shady deals’ ang naipatalo nito sa mga gambling casino sa Macau, kung kaya’t tuliro umano ito nang magbalik sa bansa kamakailan.

Iniisip kasi ni mayor kung paano lilikom muli ng malaking pondo para ipangsugal muli sa pagbabalik niya sa nasabing mga kilalang casino sa Macau at tuloy makakurakot na rin ng malaking pondo na gagamitin niya sa kanyang re-election bid sa 2013.

Inaasahan ng mga city hall employees at maging ng kanyang mga constituents ang kabi-kabilang kurakutan na gagampanan ng kanyang mga tauhan sa city hall upang makalikom ng malaking pondo para sa kanya.

Kamakailan ay nagkaroon ng pag-a-audit ang mga taga- Commission on Audit (COA) sa kanyang tanggapan na kung saan iniimbestigahan  ang tungkol sa ‘ghost payroll anomaly’ na pinagkakitaan ng limpak-limpak at milyun-milyong salapi nina mayor at ilang konsehal na kapanalig nito.

At sa nagaganap na imbestigasyon ng COA ay parang may mga sili sa puwet ang mga konsehal na kapanalig ng alkalde at paikut-ikot sa city hall na ang plano ay kung  paano ba ia-approcah ang mga taga-COA upang alukin ng suhol para itigil na ang imbestigasyon.

Libu-libo kasing ‘ghost employees’ sa nasabing lungsod ang pinasusweldo ng city hall kada kinsenas at katapusan ng buwan at malaking bahagi ng nakukurakot na salapi ay napupunta sa alkalde at ang natitira ay pinaghahatian ng mga kapanalig nitong tiwaling konsehales ng                                        lungsod.

Asahan na rin umano ang pagsisikip ng mga pangunahing kalye sa lungsod na nasasakupan ni  mayor dahil plano nitong papasukin pa sa lungsod ang mas marami pang kolorum na pampasaherong sasakyan at mga illegal vendor na malaking ‘source’ ng kanilang pondo.

At bukod pala sa mga ‘ghost employees’ ay binibigyan din si Mayor ng limpak-limpak namang kinikita ng kanyang hepe sa kanilang ‘business permit section’.

At tulad  ni mayor,  gumon din sa sugal at nagpapatalo ng daan-daang libong piso linggu-linggo partikular ’pag araw ng Biyernes itong si ‘business permit section chief’ sa kanyang pagsusugal sa casino ng Philippine Amusement and Gaming Corporation sa Hyatt Hotel sa kanto  ng Pedro Gil at Mabini Street sa Maynila.

Kaya ganun na lang umano kung pagsasakalin at pasukahin ni ‘business permit section chief’ ang mga negosyante sa kanilang lungsod para makakurakot ng limpak-limpak na salapi..Hehehe…

* * * *

Mahigit sa P70 bilyun pala ang inilaan ni Public Works and Highways Secretary Rogelio L. Singson o mahigit na 70 porsiyento ng kanilang capital outlay budget na P99.49 bilyun sa taong ito para sa rehabilitasyon, widening o pagpapaluwag at pag-a-upgrade ng mga kalye at konstruksyon ng iba’t-ibang proyekto ng kanyang departamento.

May kabuuang P78.099 bilyon ang inilaan ni Sec. Singson sa may 15,872 kilometrong haba ng mga arterial roads na kanilang gagawin bago matapos ang 2014 at 15, 370 kilometro ng national secondary roads ang inaasahang matatapos sa taong 2016.

Ayon pa sa kalihim ng DPWH, kailangang i-focus nila ang kanilang trabaho sa kalidad at kaligtasan ng ating mga national roads na noong mga nakaraang panahon ay lubhang napabayaan ng mga namuno sa kagawaran.

Ayon pa kay Singson, inatasan  na niya ang kanyang mga field officers na i-repair, i-rehabilitate, at mag-construct ng may kabuuang 345,978 lineal meters ng mga national bridges na kung saan 10,594 lineal meters ang nakatakda para sa rekonstruksyon. May 40,675 lineal meters naman para kumpunihin at ang 10,935 lineal meters ay para gawing permanente ang mga temporary bridges.   

Isasagawa nila ang upgrading ng may kalidad at ligtas na mga daan sa pamamagitan ng pag-kongkreto nito at pagpapaluwag ng mga arterial roads lalo na iyong mga patungo sa tourism destinations, airports, RORO ports, food production areas at mga patungo sa mga economic zones.

More power sa iyo Secretary Singson!

*****

Sa susunod na mga isyu ay tatalakayin ko po ang tungkol sa patuloy na nagaganap na ‘oil smuggling’ sa bansa.

*****

Noong nakaraang araw ng Linggo, Enero 15, 2012, ganap na alas-9 ng gabi, ay halos masagi ako ng humahagibis na Valismo Express na may plakang TXU-220, na parang naka-droga ang tsuper na animo ay ari niya ang kahabaan ng Commonwealth Avenue na walang patumangga kung iwasiwas at kabigin kaliwa’t- kanan ang rumaraagasa niyang pampaserong bus sa tuling mahigit sa 100/km per hour.

Nalaman ko ang tulin ng nasabing Valismo Express nang tangkain ko itong habulin at upang makita ang plate number at tuloy i-report sa mga awtoridad ng Metro Manila Development Authority (MMDA).

Inabutan ko ang nasabing bus malapit sa templo ng Iglesia ni Cristo mula ng habulin ko ito mula sa  harap ng Shopwise supermarket sa Commonwealth Avenue na kung saan ako muntik nang madagil.

Nais kong tawagan ang kaibigan kong si Col. Tucay ng MMDA, na siyang nangangasiwa ngayon sa paghuli sa mga tsuper na lumalabag sa batas trapiko at mga barumbadong tsuper tulad ng sa Valismo Express.

****

Sa mga nagnanais magbigay ng impormasyon hinggil sa mga mali o kabutihang ginagawa ng ating mga kababayan maging opisyal man ito ng pamahalaang lokal at national o pribadong indibiduwal, mangyaring tumawag sa aking cell phone number. Globe-09179993555 o Smart no. kong 09995080777 at Sun Landline 3998378-MARAMING SALAMAT PO!



Opinion

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang  kinakapitan. Okey na sana itong... Read more

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 56
By : Jess V. Antiporda

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Vic Reyes

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more

The shoal

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 52

The shoal

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we  safeguard the sovereignty dispute,... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC