BAGO ang lahat, binabati natin ang mga miyembro ng Manila City Hall Reporters Association (MACHRA) sa pagtugon sa panawagan ni Mayor Alfredo Lim na tulungan ang mga biktima ni Typhoon Sendong sa Cagayan de Oro at Iligan City.
Ang MACHRA, na pinamumunuan ni kasamang Itchie Cabayan, ay nakalikom ng P15,000 na agarang ibinigay kay Mayor Lim na siya namang nag-turnover kay City Treasurer Marissa de Guzman.
Matatandaan na kinansela ni Lim ang nakatakdang New Year fireworks display noong nakaraang buwan sa Manila Bay at ibinigay na lang ang budget nito para sa mga biktima ni Sendong.
Tig-P1 milyon ang pinadala ni Lim sa mga alkalde ng dalawang syudad sa Mindanao bilang tulong ng mga taga-Maynila.
Sa isang simpleng seremonya, pinasalamatan ni kasamang Itchie ang lahat ng miyembro ng MACHRA sa kanilang mabilis na pagtugon sa panawagan ni Mayor Lim. “We hope that this small gesture will snowball into greater help for our displaced countrymen in Cagayan de Oro and Iligan Cities,” dagdag pa ni Cabayan.
Sa ginawang ito ng MACHRA, hindi lang galing sa pagsusulat at pagkuha ng balita ang kanilang pinatunayan. Ipinakita din nila na sa oras ng kagipitan ay handang tumulong ang kanilang grupo sa abot ng kanilang makakaya para maibsan ang hirap na dinaranas ng mga apektadong kababayan.
Nahawa na yata ang MACHRA sa pagkamatulungin ni Mayor Lim, na isang dating senador at heneral. Hehehe.
Mabuhay ang MACHRA!
* * * *
Sa tuwing tataas ang presyo ng langis at iba pang produktong petrolyo sa pandaigdigang pamilihan ay tumataas din ang blood pressure ng marami nating kababayan.
Paanong hindi sila maha-highblood, grabe kasi kung magtaas ng presyo ang mga lokal na kompanya ng langis sa bansa.
Nagagawa nila ito dahil deregulated nga ang industriya ng langis sa Pilipinas.
Sa ilalim ng Oil Deregulation Law, nawawalan ng kapangyarihan ang gobyerno na magtakda ng presyo ng mga inaangkat na fossil fuel. Ang ibig sabihin nito ay pwedeng magtaas ng presyo ang mga kompanya ng langis kahit walang pahintulot ang gobyerno.
Dahil sa nakikitang paghihirap ng taumbayan, nananawagan ang dalawang mambabatas na gumawa ng paraan ang gobyerno para maibsan ang impact ng oil price increases.
Gusto ni Zambales Rep. Mitos Magsaysay na pansamantalang bawasan ang ipinapataw na VAT sa mga produktong petrolyo.
Tama si Magsaysay dahil mabigat sa mga consumer ang binabayarang VAT. Hindi naman siguro babagsak ang ating ekonomiya kung pansamantalang isakripisyo muna ng gobyerno ang revenue collection nito.
Payag naman ang taumbayan na ibalik ang buong VAT kapag nag-normalize na ang presyo sa pandaigdigang merkado.
Kung si Anakpawis Rep. Rafael Mariano naman ang masusunod ay nais niyang i-repeal na ang nakabubuwisit na Oil Deregulation Law.
Pinuna ni Mariano ang kawalang aksyon ng Malakanyang sa ginagawang overpricing at profiteering ng mga kompanya ng langis.
Tinawag pa ni Mariano ang Malakanyang na “top patron” ng mga oil firms. Bilang negosyante, may karapatan ang mga may-ari ng mga kompanya ng langis na kumita pero huwag namang sakalin ang mahihirap.
Marami ang naniniwala na walang naluluging kompanya ng langis. Hindi naman siguro sila mababangkarote kung bawasan naman nila ang kanilang kinikita habang lugmok sa kahirapan ang marami nating kababayan.
Tama ba, Pangulong Aquino?
* * * *
MGA REKLAMO AT REAKSIYON
Tama po kayo. Ano ba ang matutunan ng bata sa apat na oras? At pahirap po sa mga estudyante at magulang ang dalawang taong dagdag sa basic education system. Ang dapat nilang gawin ay dagdagan ang public school sa buong bansa para hindi nagsisiksikan ang mga bata sa classroom.
Paano kaya matuturuan ng guro ang mahigit 70 bata? ’Yan ang dahilan kaya nawawala ang kalidad ng edukasyon. Tama, lalo lang dadami ang out-of-school youth -- JUAQUINA ACOSTAQ ng Nasugbu, Batangas.
Walang maidudulot na maganda ang K+12 at pagbawas ng oras ng Grade 1. Kaya Sec. Luistro, ang sigaw ng bayan, mag-resign na kayo ng among si P-Noy dahil pulos pahirap ang ibinibigay niyo sa taumbayan -- RIC CABUSAO ng Manila.
Salamat sa text nina FLOR HERNANDEZ ng Laguna, DENNIS DE LEON ng Pasig, REMY FELICIANO ng Pampanga, ALBERT JOAQUIN ng Laguna, MADELINE G. ng Muntinlupa, ALLAN QUE ng Makati, AMBOY LENISA ng Mandaluyong at HOMER REGINO ng Las Piñas.
(Para sa inyong komento at suhesityon, tumawag o mag-tex sa # 0915-9462777/email:
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 56
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 52

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more