Kgg. na Atty. Acosta,
AKO po ay may dalawang anak ngunit magkaiba ang kanilang ama. Kasal po ako sa ama ng ikalawa kong anak subalit magkahiwalay na kami ngayon. Siya po ay isang Singaporean national at kasalukuyang wala na rito sa Pilipinas. Siya po ay nagpapadala ng P5,000.00 kada buwan bilang sustento sa amin ng kanyang anak. Gayunpaman, hindi ito sapat sa aming mga gastusin. Nais ko po sanang malaman ang nararapat na halaga na dapat naming matanggap bilang sustento mula sa kanya.
Lubos na gumagalang,
Stephanie
Dear Stephanie,
Dahil ikinasal ka sa iyong asawa, itinuturing ng batas bilang legitimate child ang inyong ikalawang anak. At ayon sa Artikulo 195 ng Family Code of the Philippines, ang inyong asawa ay may obligasyon na magbigay ng suporta sa inyo, bilang asawa, at sa inyong anak, bilang magulang.
Hinggil sa tamang halaga na dapat ibigay sa inyo ng inyong asawa bilang sustento, ang Artikulo 201 at 202 ng Family Code ay nagsasabi ng ganito:
“Art. 201. The amount of support, in the cases referred to in Articles 195 and 196, shall be in proportion to the resources or means of the giver and to the necessities of the recipient.”
“Art. 202. Support in the cases referred to in the preceding article shall be reduced or increased proportionately, according to the reduction or increase of the necessities of the recipient and the resources or means of the person obliged to furnish the same”.
Samakatuwid, ang halaga ng suporta na dapat ninyong matanggap sa iyong asawa ay nakadepende sa pinansyal na kakayahan ng inyong asawa at gayundin sa pangangailangan ninyo at ng inyong anak. Maaaring maiba ang halaga na dapat nitong ibigay habang naiiba rin ang pinansyal na kalagayan ng iyong asawa at ang pangangailangan ninyo at ng inyong anak.
Bagama’t hindi nagtatakda ng eksaktong formula upang malaman ang tamang halaga ng suporta, ang nabanggit na batayan ang magsisilbing gabay upang matulungan kayong magtakda ng sapat na halaga bilang sustento sa inyong anak. Maaari kayong mag-usap ng iyong asawa upang mapagkasunduan ang makatwiran at sapat na financial support na dapat ibigay sa inyo gamit ang nabanggit na pamantayan.
Nawa ay malinaw naming nasagot ang iyong mga katanungan. Gayunpaman, binibigyang-linaw po namin na ang mga payong nakasaad sa liham na ito ay base lamang sa mga impormasyong nilalaman ng inyong liham. Maaaring may ibang legal na opinyon na mas angkop dito kung may importanteng detalye na hindi ninyo nabanggit sa inyong liham.
Maraming salamat po sa inyong patuloy na pagtitiwala.
Ang inyo pong lingkod- bayan,
PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA
Punong Manananggol Pambayan
Paunawa:
Ang mga serbisyong legal ng PAO gaya ng “legal advice,” court representation, pagsasagawa ng dokumento, notaryo at iba pa ay libre at walang bayad mula sa kliyente ng PAO sang-ayon sa R.A. 9406 (PAO Law). Sang-ayon din sa nasabing batas, ang katunggali o kalaban sa kaso na matatalo ang magbabayad ng attorney’s fee sa PAO para ideposito sa National Treasury.
Maaaring isumbong kay Chief Acosta ang sinumang public attorney o empleyado ng PAO na manghihingi o tatanggap ng salapi mula sa kliyente ng PAO sa address na ito: 5th Floor, DOJ Agencies Building, NIA Road corner East Avenue, Diliman, Quezon City, 1104.
Makinig sa “Abogado ng Bayan” sa Radyo ng Bayan, DZRB, 738 khz AM band, 6:30 a.m.mula Lunes hanggang Biyernes. Manood ng “Public Atorni” tuwing Huwebes ng gabi, sa TV5, before “Aksyon Journalismo”. Isangguni ang iba pa ninyong usaping legal sa aming opisina sa address na nakasaad sa pitak na ito o kaya ipadala ang inyong katanungan sa aming e-mail address:
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
o tumawag sa PAO hotline: 929-9436 anytime.
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 55
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 52

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more