IKINAGAGALAK kong iulat sa ating readers ang matagumpay na operasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isang mapanganib na lugar sa Mindanao!
Napasok ng ating mga agents ang isang lugar na bihirang mapuntahan ng mga alagad ng batas dahil ito ay pugad ng mga private armed groups at mga rebeldeng Moro.
Buong akala ng mga drug pushers sa bayan ng Wao sa Lanao del Sur ay hindi sila maaabot ng mahabang kamay ng batas dahil pati mga pulis at militar ay hindi basta nakakapasok sa kanilang teritoryo. Nagkamali sila!!
Isang buy-bust operation ang isinagawa ng PDEA noong umaga ng ika-9 ng Enero bilang tugon sa intelligence information na talamak na ang kalakalan ng droga sa nasabing lugar.
Subalit nanlaban ang mga suspects at humantong sa isang umaatikabong barilan na tumagal ng 15 minuto. Armado ng high-powered firearms ang mga suspects.
Ngunit hindi nagpatalo ang ating agents kahit sila’y nasa kuta ng kalaban! Noong matapos ang bakbakan, isang suspect ang patay, isa ang sugatan at tatlo ang arestado.
Walang nasawi o nasugatan sa ating mga operatiba. Ito ang isang halimbawa ng tagumpay ng kabutihan laban sa kasamaan.
Out numbered and out gunned ang PDEA operatives sa nasabing engkwentro. Subalit matapang nilang hinarap ang overwhelming odds dahil alam nila na sila ang nasa panig ng kabutihan! Buti na lang din at tumulong sa kanila ang mga elemento ng 8th Infantry Batallion ng Philippine Army.
* * * *
Nakahuli na naman ang PDEA-NCR na pinamumunoan ni Director Pedrito Magsino ng isa pang “medium-scale” na laboratoryo sa loob din ng eksklusibong Ayala Alabang Village sa Muntinlupa City. Kaya’t lumalabas na sa pagpasok ng bagong taon, nakaka-tatlong huli na agad ng shabu lab ang PDEA!
Nakakatuwa sapagkat naumpisahan ang 2012 ng agresibo at masipag na operasyon ng PDEA. Nawa’y magtuloy-tuloy ang kanilang huli maging sa ibang rehiyon ng PDEA nang sa ganun ay tuluyan nang bumaba ang problema sa droga.
Kung ating iisipin, napakaraming buhay na naman o bilang ng kabataan ang nasagip dahil sa pagkakadiskubre ng nasabing tatlong laboratoryo! Kung hindi pa ‘yon natiklo, ma-iimagine natin kung gaano kalaking perhuwisyo na naman ang nakaamba!
Mabuhay kayo Director General Gutierrez at Gen. Magsino! Sana ay pamarisan kayo ng ibang mga pinuno at operatiba sa iba’t-ibang rehiyon ng PDEA!
* * * *
Pansamantala po tayong maiba ng paksa at ating talakayin ang isang isyu na malapit din sa aking puso. Ito po ang pagtataguyod ng ating pambansang ekonomiya sa harap ng mahigpit na kompetisyon mula sa mga dayuhan. Nagsisimula ang lahat sa pagtangkilik ng mga produktong sariling atin!
Kaya ako’y ibayong sumusuporta sa programang “Buy Pinoy, Buy Local” ng Federation of Philippine Industries (FPI). Para sa inyong kaalaman, ang FPI ang pinakamalaking samahan ng Filipino manufacturers na kumakatawan sa mahigit 2,000 kompanya. Milyon ang bilang ng mga Pilipino na nakikinabang sa mga kompanyang sakop ng FPI.
Inilunsad ng FPI ang Buy Pinoy, Buy Local program upang hikayatin ang pribado at pampublikong sektor na paboran ang mga produktong gawa sa ating bansa sa halip na bumili ng imported.
Ayon sa aking kumpareng FPI chairman Jess Arranza, ang malawakang pagtangkilik sa mga lokal na produkto ay makabubuti para sa negosyante, sa mga manggagawa at maging sa gobyerno.
Natural lamang na makinabang ang mga negosyante kapag nabibili ang kanilang mga produkto. Subalit alam niyo ba na nadaragdagan din ang bilang ng mga kababayan nating may hanap-buhay kapag malaki ang demand para sa local products?
Alam n’yo rin ba na ang gobyerno ay nakaka-kubra ng mas malaking buwis kapag maraming transaksyon ang nagaganap sa ating bansa?
Hindi lamang tayong mga consumers ang maaaring makatulong sa pag-unlad ng ating mga industriya. Pati ang pamahalaan ay maaaring makatulong sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Local First policy sa mga government procurement.
Ito’y nangangahulugan na dapat bigyan prayoridad ng gobyerno ang mga lokal na produkto kung ang presyo at kalidad nito ay kapantay o mas nakalalamang sa foreign brands. Sa aking pagkaka-alam, matagal nang mayroon executive order para ipatupad ito ngunit tila hindi nasusunod?!
Kung maipapatupad lang sana ito, maraming mga Pilipinong manggagawa ang mabibiyayaan! Madaragdagan pa ang taxes na makukolekta mula dito!
* * * *
Apila ko sa ating readers, bilhin niyo na lang ang produktong gawa ng mga kamay ng Pilipino imbes na bumili kayo ng mga produktong smuggled mula sa China!
Ang walang patumanggang pagpupuslit ng mga damit, sapatos, accessories, gadgets, electronics, spareparts at maging pagkain mula sa Tsina ang pinakamalaking banta sa mga lokal na industriya ngayon! Maraming mga Pilipinong kompanya ang nalugi dahil hindi kayang pigilan ng Bureau of Customs (BOC) ang pagpasok ng smuggled goods!
Subalit kahit maipasok pa sa bansa ang nasabing contraband goods, hindi rin magtatagumpay ang mga smugglers kung tayo mismong consumers ay tatanggi sa pag-tangkilik ng kanilang mga produkto!
Isipin n’yo na lang na baka kayo na o ang inyong mahal sa buhay ang susunod na mawawalan ng trabaho kapag ang inyong employers ay mapilitan magsara ng negosyo! Huwag na po natin patulan ang kaunting katipiran mula sa pagbili ng smuggled goods dahil mas mahal ang kapalit nito!
Dapat natin maunawaan na mas mura ang smuggled na mga produkto dahil madalas ito’y mga overruns na lamang o dumped items mula sa Tsina. Sinasadya nila itong ibenta ng mura para mamatay ang local industries at tuluyan mawala ang kanilang kakumpitensya.
Kapag nalipol na ang mga lokal na manufacturers wala na tayong choice kungdi bumili mula sa China kahit biglang itaas ang presyo ng kanilang mga exports!!
Siguro hindi kayo magugulat kung aking ibunyag na madalas sa mga damit na ipinupuslit mula sa China iniipit ang mga droga! Kumita na ang sindikato sa smuggled item, kumita pa sila ng mas malaki sa droga!
Ang kawawa ay tayong mga Pilipino! Kaya para maiwasan iyan, let’s all buy Pinoy, buy local!!
* * * *
Nasa Tubod, Lanao del Norte ang ating DDB Team upang magsagawa ng isang “Orientation Seminar on Barkada Kontra Droga and Life Skills Enhancement Training” simula ngayon hanggang Huwebes.
Ang seminar na ito ay naglalayong maibahagi ang masamang epekto ng pag-aabuso ng iligal na droga, pagbubuo ng Barkada Kontra Droga movements sa iba’t-ibang paaralan at mapalakas ang personal na commitment ng mga mag-aaral upang magkaroon ng malusog na pamumuhay at walang droga.
Inaasahang dadalo rito ang humigit-kumulang sa 90 na binubuo ng mga principals, guidance counselors at health/nutrition personnel mula sa Region 10 sa pakikipag-ugnayan ng Department of Education.
(Para sa inyong impormasyon, suhestiyon, o reklamo, mag-text lamang po kayo dito sa number ko: 09159509746 o di kaya ay mag-email sa
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
)
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 55
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 52

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more