Laganap, nagku-clone ng credit card, ATM


LAGANAP na naman ang sindikato na ang ‘modus operandi’ ay kopyahin ang mga ‘credit card’ at ATM card.

Ginagawa nila ito upang magamit  sa kanilang pamimili sa malalaking department stores at shopping malls at pag-withdraw ng salapi sa mga banko.

Ito ay lingid sa kaalaman ng may-ari nito gayundin ng mga financial institution na nag-issue ng card.

At ang masakit nito bumibilang ng higit sa isang buwan bago matuklasan ng mga may-ari ng mga ‘credit card’ at ATM card na nagamit ang kani-kanilang mga card kapag sila ay sinisingil na ng mga banko o financial institution na nag-isyu ng nasabing mga card.

Ayon sa mga nabiktima, nagtataka sila kung bakit ang dati-rati nilang inuutang sa mga shopping malls sa pamamagitan ng credit card at wini-withdraw sa ATM card ay halos masagad.

At sa tuwing hinihingi  nila ang kani-kanilang mga resibong pinirmahan kaugnay ng kanilang mga ‘purchases’ mula sa department stores/malls, gasolinahan,  restaurants  at iba pang mga lugar na inu-honor ang mga ‘credit cards’ ay iba ang pirma na nandun.

Ayon sa aking mga espiya madali lang makopya ang isang credit card o ATM card ng isang may-ari nito sa pamamagitan ng mga kasapakat ng sindikato sa mga shopping malls, supermarket, gasolinahan, restaurant at marami pang iba na karaniwan ay mga tiwaling  empleyado ng nasabing mga establisimiyento.

Kumukunsumo lang umano ng mula  lima hanggang 10 segundo ang pagkopya ng sindikato sa pamamagitan ng mga kasapakat nila sa mga establisimiyento tulad ng mga sales lady, kahera, waiters at waitresses, gasoline boy at marami pang iba.

Ang mga kasapakat ng sindikato  ay may ini-ingatang mga ‘copying gadget’ na halos kasing-liit lang ng posporo na kung saan doon nila isinu-swipe ang credit card na kokopyahin.

Matapos mai-swipe ang kinopyang credit card o ATM card ay maipu-produce na ng sindikato ang  bagong credit card na kung saan lalagdaan nila ng kanilang sariling lagda at maipamimili na nila.

Kaya ang babala ng mga awtoridad upang  hindi makopya ang  mga gamit n’yong credit card at ATM card ay maging mapagmanman at ’wag basta ipagkakatiwala sa mga saleslady, waiters at waitresses, gasoline boy at sa mga kahera.

Maging mapaghinala lalo na kung dadalhin kung saan parte ng  malls at shopping center ang inyong mga credit card at ATM card ng inyong pinagabutan nito.

Noong nakarang taon ay may nahuli ang mga awtoridad na gumagamit ng ‘clone’ o kinopyang credit credit at ATM card sa isang malaking hotel dahil pamilyar sa lagda ng ginamit na card ang staff ng hotel.

Naaresto ang ilang mga suspects, subalit pinalaya din agad matapos maglagay at mag-‘cashundo’ ang mga imbestigador at miyembro ng sindakato ng tinatawag na kaskas o cash-cash syndicate.  

* * * *

Kaugnay pa rin ng mga credit card o ATM card, mag-ingat sa mga ‘sweettalking individual’ sa loob ng mga shopping malls at department stores na nagbibigay ng libreng regalo upang kayo ay maakit na  madala nila sa kanilang mga pwesto sa loob ng nasabing mga mall at department stores upang bolahin o lokohin.

Kapag ang isang bibiktimahin ng mga ito ay naipasok na sa pwestong inuupahan ng mga ito sa mga malls at department stores, uumpisahan nang bolahin at kumbinsihin  na bumili ng mga bagay tulad ng electric stove na walang nakikitang apoy o baga subalit nakakaluto umano iyon, mga water dispenser, electric fan at kitchen utensils at mga gamit sa pagluluto, washing machines at telebisyon.

Palalabasin nilang sobrang mura ang ibinebenta nila at lalo pang makukumbinsi ang binibiktima dahil bibigyan nila ito ng libreng regalo tulad ng microwave, refrigerator at iba pang mga bagay at papaniwalaing nanalo ng isang mamahaling gamit ang biktima dahil ito umano ay  masuwerteng parukyano.

Kapag nakumbinsi na ang biktima o kliyente na bumili sa kanila ay hihiramin na ng mga ito ang credit card o ATM card ng biktima at aalamin ang balanse o credit limit nito at matapos malaman ang mga detalye ay kokopyahin na ng mga ito para sa kanilang gagawing pagnanakaw sa biktima.

Magagawa ding mapa-pirma ng mga ‘staff’ ng nasabing tindahan ang biktima upang palabasing may utang na ito sa kanilang kumpanya kahit walang nabiling ‘item’ sa kanilang tindahan.

Matutuklasan lang ng biktima na siya ay nadenggoy na kapag dumating na sa kanya ang kanyang billing o statement of account mula sa kanyang banko o ‘financial institution’.

Karamihan sa mga nagiging biktima ng ganitong mga ‘sweet-talking individual’ sa mga shopping malls at department stores ay mga kadarating lang na overseas Filipino workers (OFW) at mga balikbayan, may sinasabing individual na galing probinsiya at marami pang iba.

Kaya ang maipapayo sa mga taong maaaring maging biktima ng mga ‘sweet talking individual’ sa loob ng mga shopping mall at department stores’ ay wag basta magtiwala sa mga matatamis ang dila na nagkalat sa loob ng mga shopping centers dahil halos lahat ng mga ito ay mga manloloko.



Opinion

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang  kinakapitan. Okey na sana itong... Read more

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 55
By : Jess V. Antiporda

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Vic Reyes

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more

The shoal

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 52

The shoal

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we  safeguard the sovereignty dispute,... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC