NGAYON na ang pinakaaantay na pagsisimula ng Coronavela sa Senado -- ang unang araw ng pagdinig para sa impeachment case ng 63-taong gulang na si Supreme Court Chief Justice Renato Corona.
Hindi natin alam kung ano ang kakahantungan ng career ni Corona dahil depende ito sa mga ebidensiyang hawak ngayon ng prosekusyon at depende rin sa botong ibibigay ng ating mga senador.
Malinaw ang sinabi kahapon ni Senate Majority Floor Leader Tito Sotto na dapat bago mag-adjourn ang Kongreso sa March 24 ay matapos na kaagad ang pagdinig para hindi na ito makaapekto nang husto sa kalagayan ng bansa.
So kung masusunod ang kagusutuhan ni Tito Sen, dapat ay sa loob ng tatlong buwan, mahatulan na kaagad si Corona kung guilty ba ito o walang sala.
Kaya lang, sa walong ‘articles of impeachment’ na inihain kontra kay Corona, mukhang matatagalan para matalakay ito isa-isa, lalo’t malaking publisidad ang nag-aantay sa mga taong sangkot sa Coronavela.
Isipin n’yong sa susunod na taon ay magkakaroon ng ‘midterm elections’ para sa 12 nating senador, mga congressmen at lokal na opisyales ng pamahalaan kaya magandang pagkakataon ito para mapa-impress nila ang mga botante.
Sa mga nakalipas na araw, unti-unti nang lumalabas kung anu-anong ari-arian mayroon si Corona ngayon. Sabi nga, kung dati’y P13 million ang halaga ng ari-ariang hawak ni Corona bago pa man ito umalis sa executive branch noong taong 2002, ngayo’y mahigit sa P200 million na property na mayroon ang pamilya nito.
Totoo man o hindi ang akusasyong ito, nasisiguro kong bukod sa SALN marami pang maglalabasang ito kontra kay Corona.
Lahat ng paraan kasi ay ginagawa ng pamahalaan ngayon para makakuha ng matibay na ebidensiya at madurog nang husto ang kredibilidad ni Corona na bukod sa malaking sagabal sa Aquino administration para mapanagot nang husto ang dating pangulo at ngayo’y nakakulong na Pampanga Representative Gloria Macapagal-Arroyo.
Sino ba talaga si Corona at bakit gayun na lang ang ‘galit’ ng administrasyon sa kanya?
Kung tutuusin, maganda naman ang rekord ni Corona bago pa man ito pumasok at nagbigay ng serbisyo sa pamahalaan. Mula kasi sa pagiging ‘outstanding student’ mula grade school, high school sa prestiyosong Ateneo de Manila University, higit pang nahubog ang katalinuhan nito nang magkolehiyo, mag-abogasya at kumuha ng masters at doctorate degree.
Bago pa man naging chief of staff at spokesman ni GMA na vice-president noong taong 1998, nagtrabaho na si Corona bilang presidential counsel at deputy executive secretary ni dating President Fidel Valdez Ramos.
Kaya nga ’wag na kayong magtaka kung bakit hanggang ngayon ay wala pang malinaw na ‘statement’ si FVR hinggil sa kasong kinakaharap ngayon ni Corona.
Taong 2001, naging presidential chief of staff si Corona ng dating Pangulong Arroyo, pinakabatang mahistrado noong taong 2002.
Nagsimulang umingay ang pangalan ni Corona nang i-appoint ito bilang chief justice ni GMA noong Marso 17 sa kabila ng itinatadhanang constitutional ban na magpalabas ng ‘appointment’ ang Pangulo ng bansa dalawang buwan bago ang nalalapit na halalan.
Sa katigasan ng ulo ni GMA o sadyang may ibang motibo, pinilit pa rin ng Malakanyang ang appointment ni Corona kahit na labag ito sa itinatadhana ng Article VIII, Section 15 ng 1987 Constitution.
Katunayan, siyam na associate justices ang nagsabing sa Article 8, Section 4 ng Konstitusyon kailangan na anumang bakanteng puwesto sa Supreme Court na binubuo ng chief justice at 14 na associate justices ay mapunan agad-agad.
Ngunit ang katwirang ito ay nagdulot pa rin ng matinding intriga dahil ang puwestong Chief Justice na pupunan ni Corona ay hindi pa bakante dahil magre-retiro pa lamang si noo’y Chief Justice Reynato Puno.
Higit na naging mainit ang mata ng mga anti-Arroyo camp dahil si Corona ang nasa likod din para katigan ang ‘executive privilege’ na ipinalabas ng Malakanyang noong 2007 dahilan para hindi magsalita si dating NEDA chairman Romulo Neri patungkol sa nalalaman nito sa maanomalyang $329-million NBN-ZTE broadband deal.
Samantalang ang asawa ni Corona na si Maria Cristina na itinalaga ni Arroyo sa Camp John Hay Management Corporation ay nagpahayag naman ng suporta sa dating Pangulo ng bansa.
Sa aspetong ito, kitang-kita kung gaano na ka-bias ang mga Corona pabor sa mga Arroyo.
Marami pang isyu ang makakaladkad sa iskandalong ito dahil bukod sa Corona-Arroyo connection, tiyak na mahihimay nang husto ang judiciary fund, ang pinagkaguluhan dating TRO Watchlist Order, Del Castillo plagiarism case, ‘flip-flopping’ sa 16 na munisipalidad sa bansa, ang tinatawag na gerrymandering, CamSur redistricting, ‘status quo ante order’ sa Ombudsman impeachment, misbehaviors, voting patterns sa SC, self-serving judiciary at ang naumpisahan nang multi-milyon pisong ari-arian.
’Wag din kayong magulat na sa mga darating na araw ay may lumitaw naman na ‘harassment case’ laban kay Corona.
Alam kong masakit ang mga nabanggit na isyu sa itaas pero dapat, bukod sa kanya, matibay na rin ang dibdib ng kanyang asawa, tatlong anak at ang anim na mga apo na walang kamalay-malay sa dinaranas na pagsubok ng magiting nilang lolo.
Pero sa ganang akin, wala sanang Coronavela sa Senado ngayon kung hindi pinilit ni Arroyo ang appointment ni Corona. Higit lalo, walang Coronavela ngayon kung hindi rin ito tinanggap ni Corona na malaking balakid sa ‘Daang matuwid administration’ ni P-Noy.
Anu’t anuman ang kakahantungan ng teleseryeng ito, sana ay maging paborable ito sa 94 million Filipino na mayorya o 23.14 million dito ay lugmok pa rin sa kahirapan.
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 55
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 52

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more