KAMUSTA ang lakas ng iyong memorya? Ikaw ba’y nagiging makakalimutin? May mga bagay na dapat kalimutan – ngunit may mga bagay na hindi dapat kalimutan. Ang mga kasalanan at kabiguan ng kahapon ay kailangan ng kalimutan – tulad ng pagpapatawad na ginawa ng Diyos at paglimot sa mga ito. Ang sabi sa Biblia, “Kung gaano ang layo ng silangan sa kanluran, gayon inilayo niya sa atin ang ating mga pagsuway.” [Mga Awit 103:12] Ang sabi ni propeta Mikas, “Ang Diyos ay muling mahahabag sa atin; kanyang tatapakan ang ating kasamaan. Kanyang ihahagis ang lahat nating kasalanan sa mga kalaliman ng dagat.” [Mikas 7:19] Ang ating mga kasalanan at mga kabiguan ng kahapon ay nilimot na ng Diyos at dapat na rin nating limutin. Bakit mo kailangang alalahanin ‘yung nilimot na ng Diyos? Gayundin ang sinabi ni Apostol Pablo, “Mga kapatid, hindi ko pa inaaring naabot ko na, ngunit isang bagay ang ginagawa ko, nililimot ko ang mga bagay na nasa likuran, at tinutungo ang mga bagay na hinaharap, nagpapatuloy ako tungo sa mithiin para sa gantimpala ng dakilang pagtawag ng Diyos kay Cristo Jesus.” [Filipos 3:13-14]
Ngunit may mga bagay na hindi dapat kalimutan. Ang sintimiyento ng Diyos sa Kanyang bayang Israel ay madali nilang nakalimutan ang mga ginawa sa kanila ng Diyos. Sa Mga Awit 106:8-13, “Gayunma’y iniligtas niya sila alang-alang sa kanyang pangalan, upang kanyang maipakilala ang kanyang malakas na kapangyarihan. Kanyang sinaway ang Dagat na Pula, at ito’y natuyo, pinatnubayan niya sila sa mga kalaliman na parang sa ilang. Kaya’t iniligtas niya sila sa kamay ng namumuhi, at iniligtas niya sila sa kapangyarihan ng kaaway. At tinabunan ng tubig ang kanilang mga kaaway; walang nalabi sa kanila kahit isa man lamang. Nang magkagayo’y sinampalatayanan nila ang kanyang mga salita; inawit nila ang kanyang kapurihan. Ngunit agad nilang nalimutan ang kanyang mga gawa; hindi nila hinintay ang kanyang payo.” Ang susing kaisipan dito ay nasa talatang labing tatlo, “Ngunit agad nilang nalimutan ang kanyang mga gawa.”
Kamusta ang iyong mga memorya sa mga dakilang bagay na ginawa ng Diyos? Naaalala mo pa ba ang mga himala ng ginawa ng Diyos sa iyong buhay? Ang himala ng iyong kaligtasan? Ang himala ng iyong kagalingan? Ang himala ng iyong pagbabago? Ang himala ng iyong pagpapala at pag-unlad? Huwag mo itong kalilimutan. Ang mga ala-alang ito ang patuloy na nagpapainit ng ating puso upang mahalin at paglingkuran ang Diyos.
Sa natural na buhay habang tumatanda ang tao natural nagiging makakalimutin. Ang iba’y nalilimutan ang mga petsa at mga pangalan ng tao. Ang iba’y nalilimutan kung ano ang bibilhin o kaya’y saan nailagay ‘yung binili. Huwag kang mabahala sa mga natural na pagbabago ng isip at katawan habang tumatanda. Natural lang ‘yan. Ang huwag mo lang kalilimutan at hindi dapat kalimutan ay ang mga dakilang bagay na ginawa ng Panginoon sa iyong buhay.
Sinabi ng Diyos sa kanyang bayang Israel, “Mag-ingat ka lamang sa iyong sarili, at ingatan mo ang iyong kaluluwa ng buong sikap, baka malimutan mo ang mga bagay na nakita ng iyong mga mata, at baka mahiwalay sa iyong puso ang lahat ng araw ng iyong buhay. Ipaalam mo ito sa iyong mga anak at sa mga anak ng iyong mga anak.” [Deut. 4:9] Ang mahipit na habilin ng Diyos sa kanila na mag-ingat at baka malimutan nila ang mga bagay na kanilang nakitang ginawa ng Diyos sa kanilang kalagitnaan. Sa loob ng apatnapung taon sila’y kinalinga ng Diyos sa gitna ng disyerto. Tinugunan ang kanilang mga pangangailangan. Haliging ulap tuwing umaga at haliging apoy naman tuwing gabi. [Exo. 13:21] Pagkain [Exo. 16:35] at inumin [Exo. 17:6] sa gitna ng disyerto. At ang kanilang mga damit ay hindi naluma ni ang kanilang mga sandalyas ay napudpod. [Deut. 29:5]
Totoong napakadakila ng mga bagay na ginawa ng Diyos sa kanyang bayang-Isarel na hindi nila dapat kalimutan. Ang mga ito’y dapat manatiling buhay sa ala-ala hanggang sa kanilang mga anak at kaapu-apuhan. Ang sabi ng Diyos, “… ingatan mo ang iyong kaluluwa ng buong sikap, baka malimutan mo ang mga bagay na nakita ng iyong mga mata… Ipaalam mo ito sa iyong mga anak at sa mga anak ng iyong mga anak.” [Deut. 4:9]
Nais mo bang maranasan ang dakilang pagliligtas ng Diyos? Basahin mo ng taus-puso ang panalangin na ito at tanggapin mo ang kaligtasang kaloob ng Diyos. “Panginoon Jesus, ako po ay makasalanan. Patawarin mo po ako sa aking mga kasalanan at tinatanggap kita sa aking puso bilang Panginoon at sariling Tagapagligtas. Sa pangalan ni Jesus, amen”
Markahan mo ang araw na ito at huwag kalimutan – sa araw na ito ika’y iniligtas ng Panginoon.
* * *
ANG DYARYO EMI ay gawaing paglilingkod ng Emmanuel Ministry Institute. Ugaliin ding makinig sa RADYO EMI sa DWBL 1242 tuwing Linggo, alas-7:30 ng umaga. Lumago kasama namin tuwing Linggo, alas-6:30; 8:30; at 10:30 ng umaga; alas-4:30 ng hapon at alas-6:30 ng gabi; at araw ng Miyerkules at Huwebes alas-7:00 ng gabi sa EMI Center. Tumawag sa 4444-777 o mag-text sa 0922-8661029. Bisitahin ang www.facebook.emi.ph
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 55
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 52

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more