Manindigan para sa katotohanan!


ANG katotohanan patungkol sa Diyos at sa ating Panginoong Jesu-Cristo ay hindi nagbabago. Ang Diyos ay katotohanan at Siya’y hindi nagbabago. Ang sabi ng Diyos patungkol sa Kanyang sarili, “For I am the LORD, I do not change” [Malachi 3:6] Ang wika ni Santiago, ang Diyos ay hindi nagbabago tulad ng anino. [Santiago 1:17] Sa buong  kasaysayan ng sangkatauhan pilit nitong binabago ang Diyos na tumugma sa hulma ng mundo. Kapag mayroon katotohanan sa Biblia na hindi gusto ng tao – pilit nitong pinipilipit para umayon sa kanyang pangangailangan o kaya’y kagustuhan. Kapag pinilit ng tao na tanggapin ang Salita ng Diyos mula sa bagsak na pananaw ng mundo at hindi sa tamang kahulugan nito – magiging madali para sa Diyablo na dayain ang tao ng kanyang kasinungalingan.

Nakikita natin sa ating paligid ang resulta sa buhay ng mga taong nadaya ng Diyablo – hindi lang indibiduwal maging sa mga samahan ng mga naturingang Kristiyano. Nakikita natin ang kompromiso na ginagawa ng ilang mga pastor sa Ebanghelyo para maging katanggap-tanggap sa kultura ng mundo na hindi kailangang makasakit ng sinuman. The Gospel of Christ in its purest form hurts. Martin Luther said, “You cannot preach the true Gospel without offending anyone.” Ang purong kalikasan ng Ebanghelyo ay “confrontational.” Hinaharap ng Ebanghelyo ang isang tao sa kanyang tunay na kalagayan bilang makasalanan na ang tanging Tagapagligtas ay si Jesu-Cristo.

Ang Ebanghelyo ay malinaw sa kanyang sarili. Ang tao ay makasalanan [Roma 3:10, 23]. Ang tao ay makasalanan mula pa sa tiyan ng kanyang ina [Mga Awit 51:5]. Ang tanging paraan upang maligtas ay sumampalataya kay Jesu-Cristo. Paul and Silas said to the Philippian jailer, “Believe in the Lord Jesus Christ, and you will be saved.” [Acts 16:31] Si Jesus ay hindi lang isa sa mga tagapagligtas – Si Jesus lang ang tanging Tagapagligtas. Walang ibang pangalang ibinigay sa silong ng langit sukat ikaligtas ng tao – maliban sa pangalang Jesus! [Mga Gawa 4:12] Si Jesus ay hindi lang isa sa mga pintuan papasok sa kaligtasan – Si Jesus lang ang tanging pintuan papasok sa kaligtasan. Jesus said, “I am the door. Whoever comes in by me will be saved.” [John 10:9] Furthermore, Jesus said, “I am the way, the truth, and the life; no one goes to the Father except by me.” [John 14:6] Si Jesu-Cristo lang ang tanging daan at pintuan patungo sa tunay na kaligtasan. Walang iba!

Ang ganitong paninindigan sa katotohanan ng Ebanghelyo ay hindi popular. Mayroon kang masasagasaang ibang paniniwala at relihiyon.. Kadalasa’y nagiging sanhi ito ng religious friction. Ang iba nama’y gustong takasan ang religious friction sa pamamagitan ng religious compromise. Ang iba’y kinukompromiso na lang ang mesahe ng Ebanghelyo para sa popularidad, mas maraming tao at mas maraming pinansyal na supporta. Ang iba nama’y para sa kanilang mga pulitikal na ambisyon at personal na pakinabang. Kahabagan nawa sila ng Diyos!

Ang katapatan at paninindigan sa katotohanan ng Ebanghelyo ay ipinamalas ng husto nina Apostol Pedro at Juan ng sila’y sansalain ng mga Pariseo sa kanilang misyon. Ganitong ang kanilang naging tugon, “Kayo na po ang humatol kung alin ang matuwid sa paningin ng Diyos: ang sumunod sa inyo o ang sumunod sa Diyos. Hindi maaaring di namin ipahayag ang aming nakita’t narinig.” [Mga Gawa 4:19-20] Ang iyong karanasan sa Ebanghelyo ay may kaakibat na responsibilidad. Muli, ang wika nila, “Hindi maaaring di namin ipahayag ang aming nakita’t narinig.” Ang paninindigan at pagpapahayag ng katotohanan ay hindi popular. Si Jesu-Cristo ay  ipinaku sa krus ng kanyang mga kaaway dahil sa katotohanan. Ang mga unang alagad ay gayundin ang naging kapalaran sa kamay ng mga malupit na kaaway ng katotohanan.

Ang mga kaaway ng mensahe ng krus ay ang mga taong ang dinidiyos ay ang hilig ng kanilang katawan, ang kanilang buong pansin ay nakatuon sa mga bagay na panlupa at kanilang ikinararangal ang bagay na dapat sana nilang ikahiya. [Filipos 3:18-19]

Ano ang iyong damdamin sa katotohanan ng Ebanghelyo? Ang Ebanghelyo ng kaligtasan na tanging si Jesu-Cristo lang ang kaligtasan. Sa pananaw ng mundo tila ang ganitong katotohanan ay makitid at nakakatisod. Iniisip ng iba na maraming daan patungo sa Diyos – tulad ng iba’t-ibang relihiyon – ayon sa kanila, lahat naman diumano’y patungo sa Diyos. Ang ganitong pananaw ay mali at kasinungalingan. Walang maraming daan patungo sa Diyos. Hindi totoo na lahat ng daan ay patungo sa Diyos. Ang totoo isa lang ang daan patungo sa Diyos – Si Jesu-Cristo lang ang tanging daan patungo sa Diyos. Wala ng iba! Tanggapin mo si Jesu-Cristo, ligtas ka! Tanggihan mo si Jesu-Cristo, mapapahamak ka. Ano ang iyong pasya?

Basahin mo ng taus-puso ang panalangin na ito at tanggapin mo ang kaligtasang kaloob ng Diyos. “Panginoon Jesus, ako po ay makasalanan. Patawarin mo po ako sa aking mga kasalanan at tinatanggap kita sa aking puso bilang Panginoon at sariling Tagapagligtas. Sa pangalan ni Jesus, amen”

***

ANG DYARYO EMI ay gawaing paglilingkod ng Emmanuel Ministry Institute. Ugaliin ding makinig sa RADYO EMI sa DWBL 1242 tuwing Linggo, alas-7:30 ng umaga. Lumago kasama namin tuwing Linggo, alas-6:30; 8:30; at 10:30 ng umaga; alas-4:30 ng hapon at alas-6:30 ng gabi; at araw ng Miyerkules at Huwebes alas-7:00 ng gabi sa EMI Center. Tumawag sa 4444-777 o mag-text sa 0922-8661029. Bisitahin ang www.facebook.emi.ph.




Opinion

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang  kinakapitan. Okey na sana itong... Read more

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 55
By : Jess V. Antiporda

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Vic Reyes

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more

The shoal

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 52

The shoal

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we  safeguard the sovereignty dispute,... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC