WALANG alinlangan ni katiting ang malaking pagbabago, hindi lamang sa Pilipinas, kundi sa buong daigdig. Waring kumipot ang puwang sa pagitan ng mga bansa. Kung dati-rati ay mahahabang mga buwan ang itinatagal ng biyahe kung nais ng sino man mangibang bansa, ngayon, karaniwang oras na lamang ang tagal ng paglalakbay patungo kahit sa kabilang dulo ng daigdig. Hindi lamang iyan, maginhawa pa ang paglalakbay dahil karaniwang eroplano ang sinasakyan.
Tulad ng ibang bagay na may mainam at hindi mainam na bunga sa tao at sa mundo, ganito rin ang nangyari sa waring pagkipot ng pagitan ng mga bansa. Dati-rati, kung may alingawngaw ng girian ng iba-ibang bansa, kampanti ang mga Pilipino. Malayo naman sa Pilipinas ang gulong maaaring maganap! Hindi tayo madadamay magsalpukan man sila! Basta tuloy lang sa atin ang karaniwang takbo ng buhay!
Kaya lang, hindi na ganito ang kalagayan ngayon sa daigdig. Ano mang sigalot o ligalig sa alinmang panig ng daigdig, tiyak na tiyak na apektado pati ang mga mamamayan ng mga bansang wala ni katiting na pakialam sa mga nag-aaway na mga bansa. Kaya may katuwirang paghandaan ng Pilipino ang ano mang maaaring maganap sa iringan at girian ng Estados Unidos at ng Iran. Hindi na natin masasabing walang pakialam ang Pilipinas at mga Pilipino kapag lumala ang sigalot na ito.
Lalong magiging malaki ang problema ng mga Pilipino sa halaga ng mga produktong buhat sa langis na gamit hindi lamang sa mga sasakyan, kundi pati sa kuryente at iba pang nagpapatakbo ng gulong ng ekonomiya ng bansa. Ito ang mga hindi maiinam na bagay na kinakaharap ng daigdig pagpasok pa lamang ng 2012. Habang umiigting ang girian, nag-iibayo naman ang pangamba ng lahat ng bansa na magiging lalong mabigat na problema ng daigdig ang gasolina dahil sa karagatang sakop ng Iran bumabagtas upang makarating sa iba-ibang panig ng daigdig ang lahat ng bapor na naghahakot ng gasolina buhat sa Gitnang Silangan. Tiyak na kakapusin, kundi man lubusang mawalan ng gasolina ang lahat halos ng bansa, lalo na ang Pilipinas.
Ngayon pa lamang, nararamdaman na ng Pilipinas ang bigat ng problema sa gasolina dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo nito na nagsisilbing pasaning mabigat ng sambayanan. Gaano man kalaki ang hangarin ng gobyerno na sagkaan ang pagtaas ng presyo ng gasolina at mga produkto nito, nakalulungkot mang aminin, wala ito sa kapangyarihan ng pamahalaan dahil sa ibang bansa nagbubuhat ang mga produktong ito.
Ngunit malaki pa rin ang tulong na magagawa ng taong bayan at ito ay sa pakikiisa upang sa ano mang paraan, simulan na ngayon na huwag mag-aksaya ng gasolina/krudo o panggatong na ginagamit araw-araw. Umpisahan ang pagdisenyo ng makabagong syudad na nakatakda ang mga lugar pangtahanan, pang komersiyo, pang industriya, ospital, eskwelahan at liwasan na maaaring lakarin sa loob ng 10-15 minuto, may maayos na sewage at drainage system at mass rapid transport. Pondohan ang pagsasaliksik at pagpapalaganap ng mga alternatibong panggagalingan ng lakas. Huwag na nating hintaying lumala pa ang problema bago gawin ang nararapat gawin. Tulad ng ibang pagsubok na sinalunga nating mga Pilipino, sa pagdadamayan at pagkakaisa, matatawid natin ang matarik na bundok ng mga hamon ng ating panahon.
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 55
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 52

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more