Palatandaan ng pagbabago ng Pinoy?


May dalawang bagay na nakatawag ng aking pansin, kamakalawa lamang, na sa aking palagay ay may mahalagang kaugnayan sa isat-isa. Ang una ay ang mga nasambit ng Pangulo sa kanyang talumpati sa Tandang Sora Shrine, at ang pangalawa ay ang nabalitang paglunsad ng LWUA employees ng mass action kontra sa board ng kanilang ahensiya (PJ, Jan 10).

Ayon sa Pangulong Noynoy, isang dapat na pamarisan nating mga mamamayan na naghahangad ng pagbabago para sa ikabubuti ng bayan ang halimbawa ni Melchora Aquino, o Tandang Sora. Di naging hadlang ang edad niyang 84 na taon upang siya’y mamaraang makatulong sa nangyayaring hihimagsikan para sa kalayaan.

‘Di din siya nakapag-aral, ngunit nakayanan niyang makapag-ambag sa pagpupunyagi para sa pagbabago dala ng kanyang angking “disiplina, kagandahang loob at wagas na malasakit sa kapwa.” Naipakita ni Tandang Sora na hindi hadlang ang mga balakid, at may kakayahan ang kahit sino, ano man ang kalagayan, na lumahok sa pagpupursiging nagnanais ng pagbabago. Naipakita din niya ang kabuluhan at halaga ng pakikipaglahok sa ganitong layunin, maging marangya ka man o maliit.

Ang pagsasagawa ng mass action ng LWUA Employees Association for Progress nuong nakaraang Biyernes, sa aking pananaw, ay nakapaloob sa hulma ni Tandang Sora. Ayon sa balita ay hinihiling ng mga empleyado ang pagpapatalsik sa kasalukuyang board, o lupon, dahil sa di nila pagsa-sagawa ng hakbang, magpasahanggang ngayon, kontra sa graft and corruption ng mga nakaraang mga opisyal ng ahensiya.

Ang nangyari nuong nakaraang Biyernes, ayon sa LEAP ay isa lang sa nakalinyang mass protest actions ng “Senakulo sa Enero” na isasagawa ng mga empleyado upang igiit ang matagal na nilang hinihinging pagbabago. Ayon sa kanila, ang LWUA ay nabaon at nalusak sa korapsiyon at katiwalian nuong nakaraang administrasyon, ngunit marami pa rin sa mga kasama sa pangkat ng mga korap ang pinapayagang manatili sa kanilang pusisyon.

Marami din daw sa mga empleyado, sa kabila ng nakaambang mga panganib, ang lumantad upang tumutol sa mga nangyayari, ngunit sila ay hindi pinanpansin, at bagkus, sila ay hina-harass. Kung totoo ang mga ito, nakakalungkot; at nakakabagabag na walang ginagawang tiyak na hakbang ang pangkasalukuyang pamunuan na maiwasto ang mali at magsagawa ng pagbabago.

Marami pa marahil ang lalabas na pagpapaliwanagan sa LWUA, na siyang magtutukoy, sa bandang huli, kung ano ang kahihinatnan ng mass action. Ngunit sa ganang akin ay kapuri-puri ang ipinakitang pagpupunyagi ng LEAP na mailantad ang sa pananaw nila ay kahinaan at kakulangan sa pagpu-pursige ng pamunuan ng kanilang ahensiya, na tugisin ang mga kasangkot sa korapsiyon at katiwalian. Kasama na din ang pagla-lantad sa kahinaan sa pagpapatupad ng mga kinakailangang pagbabago.

Sa pananaw ko’y isa na ito sa mga palatandaang ang mamamayan ay di na lang basta nagkikibit balikat sa nakikita nilang kamalian o kakulangan dahil sa nagbago na ang pananaw nilang walang mangyayari. Marahil ay nagpalakas ng loob nila ang nakita nilang determinasyon ng pangkasalukuyang pamahalaan na pagbayarin ang korap at ang mga tiwali.

Ang kasalukuyang mga hakbang sa pagsugpo ng korapsiyon ay masasabing nagsisimula pa lamang, at kung baga sa isang halaman ay kau-usbong pa lang. Kinakailangan nito ng alaga upang magdahon at magsanga hanggang sa siya ay maging isang mayabong at matibay na puno. Ang pagdadahon at pagsa-sanga nito ay mangyayari sa pamamagitan ng pag-gaya ng iba pang mga nasa ahensiya ng gobyerno (na kung saan ay may katiwalian) sa pagpupunyaging ipinakita ng mga empleado ng LWUA.

Ang pagdadahon at pagsa-sanga ay tuloy-tuloy na mangyayari kapagka nabago na ang paniwala ng karamihan na mayroon nang maaasahang mangyayaring pagbabago na kaakibat ng pagpupursige na maiwasto ang mali.

Malayo-layo pa marahil ang tatahakin bago marating ang mithiing malawakang pagbabago, ngunit naniniwala akong nakatuon at tumatahak na tayo sa dakong ito. Wari ko’y nasisilayan na ang binanggit ni P-Noy na ang pagtitimon patungo sa kapakanan at tagumpay ng bansa ay sama-samang gagawin ng mga opisyal ng pamahalaan at “bawat isa sa atin”.










Opinion

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang  kinakapitan. Okey na sana itong... Read more

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 55
By : Jess V. Antiporda

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Vic Reyes

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more

The shoal

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 52

The shoal

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we  safeguard the sovereignty dispute,... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC