BAGO ang lahat, isa munang mainit -- kahit belated -- na happy birthday kay Pareng Boying Abasola ng Balita sa kanyang kaarawan kahapon. Mayroon daw “liquidity problem” kaya ang selebrasyon ay gaganapin ngayon, hehehe!
Pahabol na pagbati na rin kay air pilot, Capt. Jorino Ledesma, na kahit “birthday boy” din kahapon ay “matamlay” pa rin dahil ang kanyang lisensiya, sapul pa noong Oktubre, ay ayaw pa ring bitawan, ehek, i-renew, ng mga matitikas na bataan ni P-Noy at ES Jojo Ochoa, d’yan sa ma-anomalyang Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP.
Siguro kailangan munang mapahiya na naman tayo sa Federal Aviation Authority (FAA), European Union at International Civil Aviation Organization (ICAO) sa napipintong muling pagbagsak ng ‘Pinas sa FAA review ngayong buwan o kaya naman, tuluyang may magbanggaan na mga eroplano sa ating mga himpapawid tulad ng babala ng ICAO, bago kumilos ang Malacañang at sibakin ang mga inutil na inilagay nila sa CAAP?
Dito kasi sa gobyernong Aquino, kailangan munang ipahiya si P-Noy ng kanyang mga appointees o kaya naman may mangyaring malaking kapalpakan bago siya makumbinsi na mga “bagahe” ang mga nailagay niya sa kanyang gobyerno.
Sino ba kasi, presidential troubleshooter, Mar Roxas, ang “padrino” ng mga “palpakis” na ito? Just asking.
But the good news is... mapayapang naidaos ang pista ng Mahal na Poong Nazareno noong Lunes kaya dapat na ring pasalamatan si P-Noy sa kanyang “hands-on” approach sa umano’y banta ng terorismo sa nasabing okasyon.
Kudos sa ating mga awtoridad sa kanilang “balikatan” upang tiyakin ang kapayapaan ng buong selebrasyon, sa pangunguna ni P-Noy.
At kung may dagdag-liwanag ngayon sa Manila Police District (MPD) headquarters, ito ay dahil sa ‘one-star general’ na ngayon ang matikas, mabait at matinong district director na si Chief Supt. Alex Gutierrez. Iba siyempre ang “kinang” nang estrelya, ’di ba, kasamang Itchie Cabayan?
Congrats kapatid, sa pagkilalang ibinigay din sa iyo ng MPD sa kanilang ika-111 anibersaryo, kung saan kasabay na “bumaba” ang estrelya ni “pinsang” Alex sa naturang okasyon.
Magandang “pasalubong” ito sa kanya at sa kanyang pamilya ngayong 2012 at isa na ring uri ng “reward” sa kanyang personal na atensyong ibinuhos upang tiyakin ang kapayapaan ng pista ng Poong Nazareno.
Kudos, pinsang Alex at harinawang tuloy-tuloy na ang “pagtino” ng MPD sa ilalim ng iyong liderato. Mabuhay ka!
* * *
Tumakas, pinatakas o dinukot ba ang notoryus na Koreanong si Kim Tae Dong habang naka-hospital arrest sa St. Luke’s Hospital?
Ang mga anggulong ito ang dapat silipin at pag-aralan ni BI Comm. Ricardo David at huwag niyang basta na lang laging paniwalaan lahat ng palusot, ehek, kuwento, na sinasabi sa kanya ni BI intel chief at spokesperson, Atty. Antonette Mangrobang.
Sa ngayon ay lalo pang “pinagugulo” ni atorni ang istorya hinggil sa pagkawala ni Kim sa BI custody noong Disyembre 23, kung saan sa opinyon ng mga gustong magmalasakit kay Comm. David, ay dapat nakasama itong si madam sa nasibak o nabigyan ng disciplinary action.
Ayon kasi sa mga miron, nanalo umano si Kim sa kanyang petisyon for ‘writ of habeas corpus’ sa Manila RTC, matapos ireklamo ang ginawang paghuli sa kanya ng BI noong Hulyo.
Kung panalo siya sa korte at masarap ang pagkahiga sa kanyang air-conditioned room sa St. Luke’s Hospital, ano pa ang dahilan para siya tumakas?
Hindi ba pumasok sa isip ni Comm. David na dahil nasopla ang BI sa “iligal” na pag-aresto kay Kim, hindi na ito basta puwedeng i-deport sa Korea kung saan naghihintay naman ang mga kapwa niya miyembro sa Korean Mafia na “nagoyo” niya ng mahigit $8 milyon, ayon na rin sa nalaman nilang impormasyon?
“Mahaba” ang kamay ng mga ganitong sindikato kaya hindi ba posible, Comm. David, na ang mga kalaban nitong si Kim ang gumawa ng paraan -- kasabwat ang mga tiwaling tauhan ng BI -- na “madakma” itong si Kim para gumanti?
By the way, dapat din sigurong isiping mabuti ni Comm. David kung talagang “tao” niya itong si Atty. Mangrobang.
Dangan kasi, kung totoo ito, bakit pulos na lang “salto” ang BI sa mga operasyon nito kasama ang hindi mapigil na pagtakas ng mga nahuhuling dayuhan tulad ni Kim at mga kaso sa korte na natatalo ang BI? “First time” daw ngayon na laging “luhaan” sa mga husgado ang BI, tsk,tsk,tsk!
Sa nalaman ko pa, pinagyayabang ni Atty. Mangrobang na “kilala” na nila ang mga kasabwat umano ni Kim sa kanyang “pagtakas” na kanyang mga kababayan.
’Yun nga lang, kapit ka ulit sa silya mo, Comm. David dahil ang balita ko, sasampahan ka na (naman) ng kaso ng mga abogado ng mga suspect ni Atty. Mangrobang at hindi malayong matalo ka naman sa asunto, tsk,tsk,tsk!
Ang ulat kasi ng mga kurimaw, “regular visitors” umano ni Kim ang mga “dinakma” ng grupo ni Atty. Mangrobang noong nakahilata pa ito sa St. Luke’s.
“Manipis” na batayan ito, kahit sinong pulis-patola pa ang tanungin, ’di ba, mga kabayan?
Dumalaw lang, kasabwat na, ano ’yan? At wala naman umanong violation sa ating immigration laws ang mga pobreng Koreano, eh, bakit “dinamba” pa rin?
Aber, kung hindi talaga aayusin ni Comm. David ang estilo ng kanyang pamumuno sa BI at babawasan ang sobrang “sampalataya” sa galing ng kanyang spokesperson, malapit sa katotohanan ang naisulat ko na ngayong buwan, “goodbye” na siya sa BI! Abangan!
(For reaction, text at 09274711475 or email at
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
)
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 55
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 51

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more