Kgg. na Atty. Acosta,
Ako po ay nagtrabaho sa isang pribadong kumpanya mula 2007 hanggang buwan ng Abril 2010. Kamakailan ay napag-alaman ko po na simula noong Setyembre 2009 ay huminto na sa pagre-remit ng aking kontribusyon sa Social Security System (SSS) ang aking employer sa kabila ng patuloy nitong pagkaltas sa aking sahod ng nasabing kontribusyon. Gusto ko pong malaman kung maaari kong singilin sa aking employer ang halaga ng kinaltas nito sa akin na hindi nito ni-remit.
Sana po ay mapayuhan at matulungan ninyo ako sa suliranin kong ito.
Lubos na gumagalang,
Missy
Dear Missy,
Hindi mo maaaring makuha ang halagang kinaltas ng inyong employer sa inyo bilang inyong kontribusyon bagama’t ito ay hindi nai-remit ng huli. Ito ay may kinalaman sa pagiging compulsory o sapilitang pagiging miyembro ng Social Security System (SSS). Gayunpaman, hindi ibig sabihin nito na wala na kayong legal na hakbang na pwedeng gawin. Maaari kayong magsampa ng reklamo sa SSS laban sa inyong employer upang mapilitan ito na i-remit ang inyong kontribusyon at kasama nito ay ang pagbabayad niya ng penalty sa SSS. Ayon sa Republic Act. No. 8282 (Social Security Act of 1997) ang nasabing penalty ay three percent (3%) per month from the date the contribution falls due until paid (Section 22).
Obligasyon ng isang empleyado at ng kanyang employer ang maghulog ng mga nakatakdang kontribusyon. Kapag lumabag ang employer sa paghuhulog nito sa kabila ng pagkakaltas nito sa kanyang empleyado, siya ay maaaring makasuhan sa paglabag ng mga probisyon ng SSS Law. Iniuutos ng batas na ang mga kontribusyon ay dapat maihulog sa mga unang sampung (10) araw ng buwan. Anumang kontribusyon na hindi binayaran ng employer ay maaaring singilin ng SSS mula sa nasabing employer. Hindi rin magiging dahilan ang hindi paghuhulog ng employer para hindi makuha ng empleyado ang benepisyo ng kanyang coverage (Section 22).
Bukod dito, kapag ang isang employer matapos kaltasin ang buwanang kontribusyon o bayad sa loan ng isang empleyado mula sa kanyang sahod ay hindi makapag-remit ng nasabing kaltas sa loob ng tatlumpong (30) araw mula ng sila ay dapat mabayaran ay ipinapalagay na ginamit niya ang nasabing kontribusyon o bayad para sa kanyang sarili at maaari siyang makasuhan ng estafa sa ilalim ng Article 315 ng Revised Penal Code (Section 28 (h), R.A. No. 8282).
Anumang kasong kriminal laban sa nasabing employer ay maaaring isampa ng SSS at ng kinauukulang empleyado ayon sa probisyon ng SSS Law o ng Revised Penal Code sa lugar kung saan ang opisina ng SSS ay nakatalaga kapag nangyari ang nasabing paglabag sa kanyang hurisdiksyon o sa Metro Manila ayon sa pagpili ng SSS.
Sa iyong kaso, maaaring magsampa ng reklamo sa paglabag ng SSS Law laban sa iyong employer sa Social Security Commission para sa kanilang kaukulang aksyon.
Nawa ay malinaw naming nasagot ang iyong mga katanungan.
Ang inyo pong lingkod-bayan,
PERSIDA V. RUEDA-ACOSTA
Punong Manananggol Pambayan
Paunawa: Ang mga serbisyong legal ng PAO gaya ng “legal advice,” court representation, pagsasagawa ng dokumento, notaryo at iba pa ay libre at walang bayad mula sa kliyente ng PAO sang-ayon sa R.A. 9406 (PAO Law). Sang-ayon din sa nasabing batas, ang katunggali o kalaban sa kaso na matatalo ang magbabayad ng attorney’s fee sa PAO para ideposito sa National Treasury.
Maaaring isumbong kay Chief Acosta ang sinumang public attorney o empleyado ng PAO na manghihingi o tatanggap ng salapi mula sa kliyente ng PAO sa address na ito: 5th Floor, DOJ Agencies Building, NIA Road corner East Avenue, Diliman, Quezon City, 1104.
Makinig sa “Abogado ng Bayan” sa Radyo ng Bayan, DZRB, 738 khz AM band, 6:30 a.m. mula Lunes hanggang Biyernes. Manood ng “Public Atorni” tuwing Huwebes ng gabi, sa TV5, before “Aksyon Journalismo”. Isangguni ang iba pa ninyong usaping legal sa aming opisina sa address na nakasaad sa pitak na ito o kaya ipadala ang inyong katanungan sa aming e-mail address:
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
o tumawag sa PAO hotline: 929-9436 anytime.
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 55
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 51

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more