Mga bago at pagbabago


ALAM n’yo ba na habang binabasa n’yo ito ay may mga pagbabagong nagaganap sa maraming panig ng mundo?

Kagaya halimbawa sa edukasyon kung saan sinasabi  sa “Did You Know Education” series sa YouTube na ang kabataan daw ay inihahanda na natin sa mga trabahong hindi pa natin alam kung ano,  gamit ang teknolohiyang hindi pa naiimbento upang lutasin ang mga problema ng tao na ni hindi pa  tiyak kung problema nga talaga.

Hanep ano? Pero ’yan talaga ang kalakaran sa mundong ito na tila pabilis nang pabilis sa kanyang  pag-inog.

Katunayan, ayon pa sa serye na ito, ang pinaka-in demand na trabaho noong 2010 ay  hindi man lang naisip pa noong 2004.

Dito sa atin, sino ba ang makakaisip na ang dating minamahina na kartunista sa mga komiks  ay magiging isa sa pinakamainit na trabaho sa panahong ito at katunayan ay maraming Pinoy ang sumisikat sa ibang bansa lalo pa nung matutunan ang paggamit ng makabagong teknolohiya sa animation? Sinong makakaisip na mas magiging in-demand ang babaing welder na ang alam natin ay trabahong tradisyunal na panlalaki?

Ang mundo sa daliri

Kagaya ng ipod series na inimbento ng namayapang si Steve Jobs  na hindi natin na-imagine na pwede palang mangyari sa ating panahon. Mantakin mo, puwede mong paikutin ang mundo practically sa dutdot lang ng daliri? Lahat ng convenience at pangangailangan ng tao sa komunikasyon at kung paano n’ya ito maihahahatid ng mabilis at walang hirap ay nagawa nang higit pa sa inaasahan ng mga mamimili.

’Yun nga lang, may mga negatibong epekto rin ang pag-imbulog ng teknolohiya sa samahan ng tao sa lipunan. Kung pinapabilis ng teknolohiya ang mga paraan upang magawa natin  ang halos lahat ng bagay, pinapabilis din nito ang pagtuklas natin at pagpapakalat ng mga kalokohan. Halimbawa ang pag u-upload ng  sex at violence sa Internet a alam naman natin na madali nang mabuksan ng kahit sino.

No bonding pero may chatting

Naapektuhan na rin ang family bonding  kasi quality time ang unang nasasakripisyo kapag natutong humarap sa computer ang sinuman sa miyembro ng pamilya. Kaya huwag na tayong magtaka kung marami na sa atin ang tila nagkukulang na sa social graces at nawawala na ang init ng pakikipagkapwa-tao.

Sa isang banda, malaking bagay sa mga OFW at sa kanyang pamilya ang Internet at Facebook kasi sa halagang wala pang P100 ay puwedeng magkausap ng matagal  at makita ang malayong kapamilya gamit ang PC at webcam. Magkano ’yan kung overseas call? At hindi mo naman makita, boses lang. No wonder puno lagi ang mga Internet café ng mga nanay bitbit ang pamilya para makipag-chat sa nasa destinong mahal sa buhay.

Nasaan ang loyalty?

Ayon sa U.S. Department of Labor, ’yun daw mga estudyante ngayon ay nakalipat na sa kanyang pang-14 na trabaho ’pag edad niya ng 38. Gayundin, ang isa sa apat na empleyado ay nakapagpalit na ng amo sa loob lang ng wala pang isang taon. Dalawa lang dahilan ’yan. Hindi mapagkalinga ang amo. O  salat sa kakayahan ang empleyado.

O nawawala na lang talaga sa bokabularyo ng makabagong panahon ang salitang loyalty sa kompanya na kung matatandaan natin ay isa sa mga job ethics kung kaya merong mga industriyang patuloy na namamayagpag  kahit lampas na ng daang taon.

I-Google mo

Maswerte ang mga tao ngayon kasi may Google. Kung meron kang hinahanap at ’di mo makita, hanapin mo sa Google. Kung may mga bagay ka na hindi mo maintindihan, puwede mong maintindihan kung hahanapin mo sa Google ang kahulugan. Mabilis at marami ka pang pagpipilian.

Kung noong una ay sinasabing para kang encyclopedia kung marami kang alam at kaya mong sagutin ang halos lahat ng tanong, aba, ngayon ay iba na: Para ka nang Google.
Mabilis nga pero hindi kaya may epekto ito sa ating perseverance o pagiging masikap at critical thinking o pag-iisip ng malalim  kung halos lahat ng bagay at impormasyon ay isinusubo na lang sa atin?

7 bilyong text

Ayon pa rin sa “Did You Know”  series, ang pinakaunang text daw ay nangyari noong December 1992. Ngayon, alam ba natin na ang bilang ng text na pinapadala at tinatanggap ay lampas pa sa bilang ng total population ng mundo? Ibig sabihin mahigit na sa 7 bilyon?

Pinapabilis nga ba ng teknolohiya ang ating buhay? Kung noong una ay angkop lang ang terminong “life in the fast lane” sa mga siyudad, ngayon, kahit hindi siyudad mabilis na rin ang agos ng buhay basta may Internet at text.

Sinasabi ng mga analysts na malaki ang ambag ng social networking sites at information communication technology kagaya ng texting sa mabilis na pagpapalit ng liderato sa mga bansa sa Gitnang Silangan na tinaguriang Arab Spring. Sana ganu’n din kabilis magluklok ng mapagkalingang liderato na mag-aakay sa kapayapaan at katiwasayan ng lipunan at sa buong mundo na rin.

Bagong taon,Bagong tao?

Panahon talaga ito ng mabilis na mga pagbabago. Ang tanong nakakasabay ba tayo? O nakatakda na naman tayong maiwan? Personally, upang may magbago sa takbo ng buhay, dapat may gawin din tayong bago na taliwas sa ating nakagawian.

Magandang simula ang taon upang magmuni-muni kung handa ba tayong umusad o manatili na lang sa nakasanayan.

Tandaan natin, meron na naman tayong bagong pagkakataon upang subukan ang bagong pamamaraan gamit ang bagong kaisipan.

Bagong taon para sa gustong maging bagong tao.

(Email: This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. )



Opinion

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang  kinakapitan. Okey na sana itong... Read more

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 55
By : Jess V. Antiporda

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Vic Reyes

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more

The shoal

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 51

The shoal

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we  safeguard the sovereignty dispute,... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC