PISTON, magsasagawa ng malawakang welga


NOONG Lunes inanunsiyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na ipatutupad ang nationwide “minimum wages” sa mga bus drivers.

Sa mahabang pag-aaral ng Department of Labor, Department of Transportation and Communications at ng LTFRB, ito ang nakitang solusyon ng nasabing inter-government agencies upang wakasan na ang mga sinasabing no-nonsense bloody bus accidents na kinasasangkutan ng mga bus drivers.

Umaasa ang liderato ng LTFRB lalo na si Chairman Jaime “JJ” Jacob na ang fixed salary sa mga bus driver ang sagot upang hindi na masangkot ang mga ito sa reckless driving na siyang sanhi ng mga madudugong aksidente na ikinamamatay ng mga inosenteng pasahero.

Positibo naman ang pangtanggap ng mga bus operators at nagsabing susunod sila sa utos ng LTFRB sa issue ng fixed salary, kaya lang daw hanggang ngayon ay wala pa sa kanilang ibinibigay na Internal Rules and Regulations (IRR) kung paano ipatutupad ang nasabing bagong MO ng board.

Speaking of LTFRB, natuwa ang publiko lalo na ang mga taxi riders sa bagong programa ng board na “taxikick.com.”

Ang taxikick.com ay ang pinakabagong armas at paraan ng mga pasahero ng taxi upang isumbong ang lahat ng uri ng kabalastugan ng mga abusadong taxi drivers direkta sa leadership ng LTFRB.

Ang nasabing website taxikick.com ay real time at ang reklamo ay direkta sa data base ng LTFRB kung kaya’t mabilis na mabibigyan ng aksyon ang lahat ng reklamo ng mga pasahero laban sa mga abusadong taxi drivers.

Katunayan, mula nang ilunsad ang taxikick.com noong isang linggo halos 1,400 reklamo na ang tinanggap ng website na ito ng LTFRB laban sa mga abusadong driver.

* * *

Sa panibagong P1.50 kada litro sa diesel at P1.75 sa gasoline na oil hike, sagad na sa ngitngit ang iba’t ibang grupo ng transports lalo na ang PISTON.

Umasa daw ang administration Aquino na tuluy-tuloy ang kanilang mass actions na isasagawa patungo sa isang malawakang transport strikes dahil sa tuluy-tuloy na oil hike na kinukinsinti ng Department of Energy at ng administration Aquino.

Batikos pa ni George San Mateo ng PISTON, ipinagtatanggol at nagmimistulang spokesman pa ang DOE sa tuwing magpapatupad ng oil hikes ang mga oil companies.

Hiling naman ng grupo ni Efren de Luna na Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO), na ibigay na ng LTFRB ang P2 fare hike sa kanilang hanay na halos isang taon na raw nakabinbin sa board.
Katwiran pa ni De Luna, sa ngayon hindi lang presyo ng petroleum ang sangkot sa issue, kasama rin dito ang patuloy na pagtaas ng mga prime commodities tulad ng tinapay, bigas, mantika, tubig, kuryente, gatas, spare parts, toll fees, at valued added tax, at ang dekadang problema sa mga abusadong traffic law enforcers na sangkot sa kotong.

Dalangin ng grupo ni De Luna na ikukunsidera ng board ang lahat ng isyung ito upang ibigay na ang matagal ng nakabinbin na petition of fare hike.

* * *

Punong- puno ng pag-asa ang mga miyembro ng Philippine Air Force (PAF) sa bagong commanding general nito na si Major General Lauro Catalino dela Cruz.

Si Gen. Dela Cruz ang napili ni Presidente Benigno Aquino III na bagong pinuno ng PAF bilang kapalit ng nagretirong si Lt. Gen. Oscar Rabena.

Saludo ang lahat ng sundalo ng PAF kay Dela Cruz at sinasabing hindi nagkamali nang pagpili at pagtatalaga si Pangulong Aquino sa kanilang bagong pinuno sa PAF.

Sa inyo  dyan sa PAF umaasa ang buong sambayanan na maglilingkod kayo ng buong puso MABUHAY PO KAYO!

Para sa mga reactions pwede po kayong tumawag o mag text sa 09209208049 o mag e-mail This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. .



Opinion

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang  kinakapitan. Okey na sana itong... Read more

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 55
By : Jess V. Antiporda

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Vic Reyes

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more

The shoal

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 51

The shoal

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we  safeguard the sovereignty dispute,... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC