Ayon sa aking impormasyong nakuha sa loob ng Department of Environment and Natural Resouces, isang azucarera, ang Batangas Sugar Central, Inc, sa Lian, Batangas ay hindi sumusunod sa Cease and Desist Order na inilabas ng DENR na may lagda mismo ni Environment Secretary Ramon Paje noong March 14, 2011. Nakita ko ang kopya ng CDO.
Ang basis ng order ni Secretary Paje ay mula sa rekomendasyon ng Pollution Adjudication Board na inilabas noong Abril 2011.
Ayon sa order ni Paje, “ For consideration of the undersigned is a recommendation from the Pollution Adjudication Board )PAB) for the re-issuance and full implementation of a Cease and Desist Order (CDO) against the herein respondent for gross violations committed against our existing environmental laws.”
Ang siste nito, ang tagal na ng order, ngunit hindi ‘umano sinusunod ito ng management ng asukalan. Inalis pa ‘umano ang paskel kung saan nakasulat ang CDO! Ano’ng klase ito? May sarili bang republika’t batas ang asukalang ito? Ang isyu dito ay ang waste water at toxic emission ng hangin. Walang mga pollution-treatment facilities ‘umano.
Ang paglabag na isinasaad ng order ay ang pagdudumi ng hangin at katubigan ng Lian, Batangas. Polusyon, Polusyon!. At alam n’yo bang bang dalawang dekada, mula Agosto 1991 pa, na ‘umano’y pinapatawan ng palagian ang ng cease and desist order ang BSCI ng ng mga nakaraang pamunuan ng DENR, ngunit patuloy pa rin ito sa operation nila? Kaya nagkakandaloko na ang Inang Kalikasan dahil sa mga ganitong paglabag at pagsalanta sa ating hinihingang hangin at katubigang tinitirhan ng mga isdang puwedeng pagkunan ng ikabubuhay at kakainin. Bakit marumi ang karagatan? Natural na ang lahat ng ating sapa, lawa, at ilog ay pumupunta sa karagatan ng Pilipinas.
Ayon sa order ni Paje, “ Aside from the blatant disregard of the lawful Orders of the Board, the Board looked back at Respondent’s many violations of the DENR Emission and Effluent Standards during the past two decades.”
Susmaryosep! Dalawang dekada na nga ang ginagawang paglabag ng BSCI sa regulasyon ng DENR para sa pagkakaro’n ng malinis na hangin at tubig! Hindi pa naisasabatas ang Clean Air Act at Clean Water Act noong 1991 kung kailan sinasabing nagsimula ang paglabag ng asukalan sa mga regulasyon ng DENR.
Ang tanong—bakit ganito ka-Astig ang asukalan na ito?
Matagal ko nang nakita ang asukalan na ito nang minsang magawi ako ng Batangas, at ang nakita ko ay maraming parang burol sa loob ng asukalan. Parang Chocoate Hills ng lalawigan ng Bohol. Tila burol ng mga pinaggilingan ng tubo.
Ayon sa aming network sa Batangas, ang mga ‘umanong aning tubo o sugar cane sa lalawigan ng Quezon, Batangas, at Cavite ay sa BSCI ipinadadala para i-mill ito. Kung gayon, marami silang kliyente kung kaya hindi nila puwedeng sundin ang utos ng DENR at patuloy umano silang lumalabag sa batas? Gano’n nga ba? Ano naman ang ginagawa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at Pamahalaang Bayan ng Lian?
Ayon pa sa Order ni Paje, “ The Regional Office is likewise instructed to gather necessary evidence and coordinate with the Environment Management Office (EMB) Central Office for the filing of criminal charges against Respondent pursuant to Section 28 of the Clean Water Act. Accordingly, the filed criminal case shall be monitored by the Regional Office coupled by regular reporting on the progress thereof to the PAB. The filing of criminal charges shall be without prejudice to administrative fines imposable against respondent for past vilations.”
Ang mabigat nito, ilang hearing ‘umano na ipinatawag ng PAB ang hindi dinaluhan ng kinatawan mula sa BSCI. Bakit naman?
Kailangan pa bang isang batalyong pulis at sundalo ang ipadala sa mga katulad nitong lumalabag sa batas ito upang sundin ang utos ng pamahalaaang pambansa na kinakatawan ng DENR? Sana ay hindi na mangyari ang ganitong paraan upang hindi na lalong madagdagan pa ang kalamidad sa ating bansa. Tandaang ang bawat segundong polusyong iniuusok sa atmospera ay nakadadagdag sa patuloy na pag-init ng temperatura ng mundo na tinatawag na global warming na nagdudulot ng climate change.
Gumising na sa paalaala ng mga bagyong Frank, Millenyo, Ondoy at Pepeng, Pedring at Quiel, at kailan lang ay ang bagyong si Sendong. Huwag na nating hintayin pang magdeliryo sa lagnat ang mundo.
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 55
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 51

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more