DAHIL sa kahusayan, kasipagan at dedikasyon sa trabaho ng kanyang mga opisyal, na pinangungunahan ni Mayor Strike B. Revilla, hindi na maawat ang mabilis na pag-unlad ng bayan ng Bacoor sa Cavite.
Sa totoo lang, pati ang DILG ay bilib sa kakayahan nina Mayor Revilla sa pagsulong ng socio-economic development ng nasabing bayan sa kabila ng maraming mabibigat na problemang kinakaharap ang bansa.
Kaya naman sa wakas ay iginawad din ng DILG sa Bacoor ang “seal of good housekeeping” bilang patunay na isinusulong ng munisipyo ang “transparency” at “accountability.”
Ibinibigay lang ng DILG ang nasabing parangal sa mga bayan, syudad at probinsiya “that exemplify good governance.”
Ito ay pagkilala rin sa “good planning and sound fiscal management” ng isang lokal na pamahalaan.
Ang DILG na pinamumunuan ni Sec. Jesse Robredo, isang dating alkalde sa Bicol, ay regular na mino-monitor ang performance ng mga mayor at gobernador.
Naniniwala tayo na ang mga karangalan na tinatanggap ng Bacoor ay nagsisilbing inspirasyon para lalong husayan nina Revilla ang kanilang panunungkulan sa mamamayan. Pero walang magagawa ang mga lingkod-bayan kung walang suporta ang taumbayan.
Kaya naman dito nagpapasalamat si Mayor Strike at mga lokal na opisyal dahil sa patuloy na pagsuporta at pakikiisa ng mga Bacooreno sa mga programa at proyekto ng munisipyo.
Dahil sa nakikitang sinseridad nina Mayor Revilla ay kusang-loob na tumutulong ang publiko, pati na ang mga ordinaryong mamamayan sa lokal na gobyerno.
Kaya para sa inyong mga taga-Bacoor, Mabuhay kayong lahat!
Teka muna, Sec. Robredo, baka naman matengga pa ang incentive na inaasahan ng bayan ng Bacoor? Huwag naman sana!
* * * *
Araw-araw ay laman ng mga pahayagan ang nalalapit na impeachment trial ni Supreme Court Chief Justice Renato Corona sa Senado.
Pati sa radio at telebisyon ay impeachment din ang paboritong tinatalakay sa mga talk shows.
Okay lang ito dahil talaga namang mainit na isyu ang pagtanggal sa isang mataas na opisyal ng gobyerno na kagaya ni Corona.
Pero mukhang naisasantabi ang mga problemang nagpapahirap sa mamamayan sa mahabang panahon .
Ito ang kahirapan, kawalan ng trabaho, kurapsyon, kataasan ng presyo ng bilihin , kakulangan ng tirahan at dumaraming out-of-school youth.
Hangga’t nandiyan ang kahirapan ay ‘di mawawala ang kurapsyon sa lipunan.
Kaysa pag-usapan ang mga programang makakatulong sa mga mahihirap, nakalulungkot na nakasentro ang ating atensiyon sa pagpapalayas kay Corona sa Korte Suprema.
Lahat ay gustong sumakay sa isyu, lalo na ang mga nagbabalak na kumandidato sa isang taon.
Libreng publisidad nga naman kung makikisawsaw sila sa napakakontrobersiyal na impeachment trial.
Sana pabayaan na lang ang mga senador, prosecutor at taga-pagtanggol ni Corona na gawin ang kani-kanilang trabaho. At habang dinidinig ang kaso ay sikapin naman ng mga opisyal ng Malakanyang at magigiting na kongresista na resolbahin ang mga problemang nangangailangan ng agarang aksyon.
Inuulit natin, mahalaga ang paghabol sa mga taong pinaghihinalaang nagsamantala noong nakaraang rehimen.
Pero huwag naman nating kalimutan ang paglaban sa kahirapan at kawalan ng trabaho.
Marami ang napipilitang magnakaw para may pantustos sa araw-araw na pangangailangan ng kani-kanilang pamilya.
Maraming humihinto ng pag-aaral dahil imbes na pumasok sa paaralan ay gugustuhin pang magtulak ng kariton para lamang kumita ng pangtawid-gutom.
Kaya nga tanong ng marami nating kababayan: Magkakaroon ba ako ng trabaho kapag na-impeach si Corona? Bababa ba ang presyo ng bilihin kung masisipa si Corona?
Tanggal o hindi, ang sigurado ay nandiyan pa rin ang dumadaming bilang ng mga mahihirap na kababayan natin.
Kayo, ano sa tingin niyo?
MGA REKLAMO AT REAKSIYON
Hindi lang dapat Mindanao ang pinaghahandaan ng landslide ng PNP. Dapat ituon rin nila ang pansin sa Baguio City, kung saan nagkalat ang iskwater sa gilid ng bundok at ibang parte ng Mt. Province kung saan may minahan -- CALOY MANALASTAS ng Manila.
Piyesta na naman ang mga oil companies. Wala na namang pipigil sa mga gagawin nilang pagtaas ng produktong petrolyo dahil sa nangyayaring gulo sa Middle East -- ARNEL JIMENEZ ng Pasig.
Tuloy na ang impeachment, magtrabaho naman kayo diyan sa Malakanyang. Wala kayong ginawa kundi dumaldal -- ARNIE SISON ng Makati.
Salamat sa text nina ED SOTTO ng QC, NELLIE ONG ng Marikina, SYLVIA RODRIGUEZ ng Laguna, CECILLE MATIAS ng Pampanga, ADOR POLINTAN ng San Juan, BETH CRUZ ng Bulacan, BLEST ORDONEZ ng Las Piñas at ALEX CO ng Pasig.
(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-texct sa 0915-9462777/email:
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 55
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 51

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more