Gobyerno walang pakinabang sa P350-B kita ng small-scale miners


AKTIBO na naman at walang humpay na pamemerwisyo ang mga gang ng ‘basag windshield’, ’bukas-kotse’ at ‘side mirror theft’ sa maraming bahagi ng Metro Manila.

Ito ay bunga ng kapabayaan ng mga awtoridad partikular ang mga opisyal ng barangay at mga lokal na miyembro ng kapulisan sa bawa’t bayan at syudad na nagpapabaya sa kanilang mga tungkulin.

Maraming motorista at residente sa Quezon City, Mandaluyong, Makati, Caloocan, Pasay City, Paranaque, Lungsod ng San Juan , Maynila at Makati City at marami pang iba ang nagrereklamo hinggil sa pagkawala ng side mirror ng kanilang mga kotse bunga umano ng kakulangan sa mga nagpapatrulyang mga tanod at pulis.

Nabibigla din ang mga motorista dahil ilang oras lang nilang iniwan sa gilid ng kalye ang kani-kanilang mga sasakyan ay basag na ang hulihang bahagi ng kanilang salamin ng kotse at halos limas na ang laman nito.

Bigla din umano ang pagdami ng mga nagbebenta ng mga side-mirror ng kotse sa Banawe sa Lungsod Quezon, Evangelista sa Pasay City at Makati City, Antipolo Street sa Maynila at iba pang mga lugar na may bentahan ng segunda manong piyesa ng kotse.

Ayon sa mga biktima, karaniwang may dumaraan at humihintong taksi o motorcycle na may riding tandem sa gilid ng mga kotseng nanakawan  at ilang segundo  lang ay limas na ang mahahalagang bagay ng sasakyan at tanggal na rin ang mga side mirror nito.

Kung may nagpapatrulya sanang mga barangay tanod o police mobile car  lalo na sa madaling araw ay mahuhuli ang mga kawatang ito, ayon pa sa mga residente ng K-1st hanggang K-4th Streets sa Lungsod Quezon.  

Sana naman umano ay kumilos ang kanilang mga natutulog na alkalde at iba pang local na opisyal ng mga syudad tulad nina Recom Echeverri ng Caloocan City, Mayor Bistek ng Quezon City, Mayor Binay at Mayor Abalos ng Makati at Mandaluyong respectively, gayundin si Mayor Bernabe ng Parañaque upang utusan ang kanilang mga tagasunod na umaksyon para mahuli ang mga suspects.

* * * *

Daan bilyun piso pala taon-taon ang nawawala sa pamahalaan bunga ng napakaraming illegal at small time gold at nickel miners sa ating kapuluan.

Ayon sa mga eksperto ng ating Bureau of Mines, may mga P350 bilyon taon-taon ang nakukuha ng mga small-scale at illegal miners sa ginto, copper at nickel kontra sa P50 bilyun taon-taon na nabubungkal ng mga lehitimo at big-scale miners.

Hindi naman umano pwedeng tigilan ang pagmimina dito sa ating kapuluan dahil isa ito sa malaking source ng pondo ng ating pamahalaan.

Kung maire-regulate lang sana ang may 700 small scale at illegal miners ay malaking halaga ng tax ang masisimot dito ng ating Pamahalaan mula sa kinikita nilang P350 bilyon.

Ang Pilipinas ay pangatlo sa mga big-time producers ng ginto sa buong mundo at pang apat naman sa world copper producer at pang anim sa malalaking nickel producer sa buong mundo.

Malaki pa ang reserba natin ng nickel dahil halos hindi nababawasan ito, ’di tulad ng ginto at copper na siyang pinagkakaabalahan ngayon ng mga small scale at illegal miners.

Tanging ang regulasyon lang at pagbabantay sa ating mga ‘natural resources’ ang kailangan upang masiguro na kikita dito ang pamahalaan na siya ring magiging taga salba natin upang mahango ang mga naghihirap nating mamamayan.

Ayon pa sa mga eksperto ng Bureau of Mines, kung mare-regulate lang ng pamahalaan ang pagmimina ng mga small-scale miners ay napakalaking tulong ito sa pag-unlad ng ating ekonomiya at hindi na tayo kailangang pang humingi o mamalimos ng tulong sa ibang bansa.

Kalahati na lang ng P350 bilyon na nakukuha ng mga small scale miners sa ating mga natural resources o P175 bilyon ay tiyak na malaking tulong ito sa ating Pamahalan dahil mas malaki pa ito sa taunang ‘target collection’ ng Bureau of Customs.

Kaya ano pa ang hinihintay ng ating mga taga- Department of Natural Resources and Environment o DENR? Tutukan na po natin ang mga small-scale at mga illegal miners upang ang Pamahalaan ay makinabang.

’Wag na po nating isali ang mga large-scale o big-timer mining companies dahil nagbabayad po ng tamang buwis ito sa ating pamahalaan mula sa P50 bilyong  kinikita ng mga ito taon-taon.

* * * *

Maaring hindi pa napupuna ng ating mga taga-pagpatupad ng batas na marami na namang mga motorista lalo na iyong mga banyaga na may mga mamahaling sasakyan ang gumagamit na naman ng mga ‘wang-wang’.

Kung matatandaan, ang pagbabawal sa ‘wang-wang’ ang isa sa mga proridad ni P-Noy nuong maupo ito bilang Pangulo ng ating bansa kaya dapat walang humpay ang pang-huli natin sa mga gumagamit nito.



Opinion

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

Lifestyle check flunkers sa BOC sibakin

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang  kinakapitan. Okey na sana itong... Read more

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 46
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Dibidendo mula sa isang lipunang malaya sa droga

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 55
By : Jess V. Antiporda

‘Tongpats,’ pinag-aawayan ng mga tiwaling MMDA at Pasay enforcers

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 47
By : Vic Reyes

‘YES’ para sa cityhood ng Bacoor

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more

The shoal

Published : Thursday May 24, 2012   |  Category : Opinion   |  Views : 51

The shoal

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we  safeguard the sovereignty dispute,... Read more

Loading Google Custom Search...
Buy and Sell Philippines : Sulit.com.ph
Hosting Powered by: I-MAP WEBSOLUTIONS, INC