ISANG daang porsyento nating sinusuportahan ang panawagan ni Eastern Samar solon Ben Evardone para kaagad maisyuhan na ng hold-departure order (HDO) ang limang Chinese nationals na naaresto ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang raid sa isang shabu laboratory sa Ayala-Alabang noong nakaraang linggo!
Ang apila ng kongresista sa Department of Justice (DOJ) ay resulta ng kanyang pangamba na baka ma-deport lamang ang limang suspects sa halip na maparusahan dito sa ating bansa.
Ayon sa mambabatas, pinaiiral ng Chinese government ang todong puwersa ng kanilang batas sa nahuhuling Filipino drug mules kaya’t makatarungan lamang na pairalin din natin ang full force of the law sa mga dayuhan na sangkot sa drug trafficking dito.
Kung ako ang tatanungin, masuwerte pa ang mga Intsik na ito dahil walang parusang bitay sa ating bansa. Mahabang pagkakakulong lang ang maaaring ipataw sa kanila kung napatunayan sa hukuman na sila’y nagkasala.
Kasi sa ilalim ng ating batas, reclusion perpetua lamang ang pinakamabigat na kaparusahan na maaaring ipataw kahit ang mga nasasakdal ay big-time drug manufacturers! Samantala sa Tsina, bitay kaagad ang mga nasasangkot sa drug trafficking kahit sila’y mga couriers o mules lamang!
Marami nang mga Chinese nationals na naaresto dahil sa drug-related cases sa ating bansa ang hindi napatawan ng karampatang hustisya dahil sila’y na-deport lamang sa halip na mabilanggo!
At posible rin na ang mga foreign drug suspects ay mapahintulutan ng korte na mag-bail kaya kung walang umiiral na HDO, tuluy-tuloy nang pupuslit palabas ng bansa ang mga ito! Iwasan na natin na tayo’y magmukhang mga inutil sa international community!
Sana gawin isang standard policy ng DOJ ang pag-isyu ng HDO sa lahat ng foreigners na sangkot sa krimen dito sa Pilipinas!
* * * *
Babala sa lahat ng nagbabalak magpaupa ng kanilang mga bahay o anumang real property... magsagawa muna ng kaukulang background check sa inyong mga prospective tenants!
Ito ang mapait na leksyon para sa management ng Fuerte Holdings, Inc. -- ang holding company na kontrolado ng pamilya Madrigal. Posibleng makasuhan ngayon ang mga director ng nasabing kompanya dahil tila hindi nila binusisi ang tunay na pagkatao ng kanilang Chinese tenants.
Ang mga ito ay mga miyembro pala ng international drug syndicate kaya ginawang shabu laboratory ang one-hectare compound ng Fuerte sa Ayala Alabang Village!
Marahil lubos na nasiyahan ang Fuerte sa buwanang upa na P260,000 na ibinabayad ng mga dayuhan kaya’t hindi na inalam pa kung paano ginagamit ang pag-aari nitong compound.
Subalit hindi niyo rin masisisi ang mga imbestigador kung mayroon kaunting paghihinala na baka mayroong nalalaman ang may-ari tungkol sa mga naganap sa loob ng property!
Sa puntong ito, pinag-aaralan pang mabuti ng PDEA kung mayroon bang sapat na batayan upang sampahan ng kaukulang kaso ang property owners o wala.
Hindi natin maubos-maisip kung ilan pang malalaking properties ang mga naka-lease ngayon sa sindikato ng droga at kung ano kaya ang mga nagaganap sa loob ng bakuran nito?
Hindi maaaring busisiin ng mga awtoridad ang lahat ng mga kahina-hinalang properties dahil mahigpit din ang ating batas sa mga unauthorized searches.
Kaya inyong tandaan na responsibilidad n’yo bilang landlord o lessor na kilatisin ang mga pinatitira n’yo sa inyong mga pag-aaring bahay, townhouse, condo o apartment! Umiwas sa sakit ng ulo mula sa mga demanda na resulta ng inyong sariling kapabayaan!
* * * *
Desidido na ngayon ang Obama adminsitration na i-discourage ang mga US firms sa pag-outsource ng trabaho sa mga bansang mayroong mas murang labor costs.
Matagal nang sinasabi ito ni President Obama subalit hindi sinasang-ayunan ng mga Amerikanong negosyante dahil lubhang mahal na ang US labor ngayon. Malaking katipiran pa rin sa US firms ang outsourced labor lalo na ngayong tag-hirap sa Estados Unidos.
Subalit kung talagang igigiit ito ng US government, marahil mapipilitan na rin ang mga American companies na magbawas ng mga trabaho na kanilang pinagagawa sa mga dayuhan.
Bilang paghahanda sa posibilidad na ito, dapat ding magsagawa na tayo ng paghahanda sa pamamagitan ng paglikha ng mga bagong trabaho dito sa loob ng ating bansa. Hindi tayo puwedeng umasa na lang lagi sa mga foreign allies dahil sa panahon ng kagipitan, it’s every man for himself , ika nga!
Gayunpaman, kumpyansa pa rin ang Business Processing Association of the Philippines (BPAP) na mananatiling magpapatuloy ang paglago ng demand para sa call center agents at ibang outsourced labor sa ating bansa.
Ang BPAP po ang secretariat na nangangasiwa sa lahat ng mga BPO-related companies sa Pilipinas. Ayon kay BPAP executive director Martin Crisostomo, mananaig pa rin ang husay ng mga Filipino workers kaya hindi sila mabibitiwan ng mga foreign companies.
Ipinaliwanag ni Crisostomo na hindi dapat ituring na kaagaw sa trabaho ang mga Filipino outsourced labor kungdi isang solusyon sa mataas na cost of labor sa America.
Ang pag-outsource aniya ng mga Pilipino ay daan tungo sa pag-asenso ng mga U.S. companies. Iginiit ni Crisostomo na ang paglago ng mga Amerikanong kompanya ay tiyak na hahantong sa recovery ng U.S. economy.
Ano po ang aral na ating mapupulot sa isyung ito? Dapat po nating pagbutihin ang ating partnership sa mga foreign partners subalit dapat din nating palakasin ang ating self-sufficiency!
Higit sa lahat, ibasura na po natin ang colonial mentality! Isa-puso natin na tayo ang equals ng ating mga foreign partners at hindi sila superior sa atin!!
* * * *
Muli kong binabati ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa kanilang pinakamagandang umpisa sa pagpasok ng 2012 sa pagkakahuli ng shabu laboratory sa Ayala-Alabang. Congratulations kay DG Gutierrez at Gen. Magsino ng PDEA-NCR at ganun din kay Dir. Apalla na nakatutok sa PDEA Region 1.
Sana ay magtuloy-tuloy ang magandang simula na ito para sa ating mga law enforcement agencies nang sa ganoon ay mas maraming mahuli at maging kabawasan sa problema natin sa droga.
Manatili sana ang ating kooperasyon sa isa’t-isa lalo na sa PDEA, PNP-AIDSOTF, NBI at iba pang mga ahensyang gumagalaw laban sa iligal na droga.
Keep up the good work!
(Para sa inyong impormasyon, suhestiyon, o reklamo, mag-text lamang po kayo dito sa number ko: 09159509746 o di kaya ay mag-email sa
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
)
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 55
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 51

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more