NAGING abala na ang inyong imbing lingkod, hindi na nabungkal sa katotong Hipolito Gagni ang mga mapapanayam para sa isang sulatin ukol sa umiiral na kakatwa sa isang lupalop sa lalawigang di-kalayuan sa Metro Manila…. PPP o Pera Palit Puri…
Hindi ituturing na bayaran ang maybahay o dalaga na, sanhi ng matinding pangangailangan upang matustusan ang ikabubuhay, mapipilitan na isangkalan ang sariling hinaharap kapalit ng salapi… igigiit natin na hindi katumbas ng dangal ang katakam-takam na singkapan.
We’re pointing to carnal services offered in exchange for a sum, not even a fee… no honor was at stake or tainted in the process… a maiden’s hymen cannot be kept as fleshy artifact. It goes. Yet she keeps her honor intact.
Honor isn’t skin-deep. It goes deeper than the marrow.
Kaya huwag nang ungkatin pa kung may isinalang na dangal o hangal ang mga tinatawag na honorable na naging bahagi ng Liberal Party Express upang maisalang na sa Senado ang pagpapatalsik kay Supreme Court Chief Magistrate Renato Corona.
Kung mangingimi ang sakmal ng pangangailangan para tumihaya’t ibuka ang pinipithaya, ang mga kagalang-galang na taga-Kamara’y walang pakundangan, walang atubili na isinalpak ang kani-kanilang lagda… ni hindi na binulatlat, binasa o binungkal ang mga paratang kay Corona.
Sa huli nga’y umamin na ang 180 kagalang-galang na lumagda sila sa articles of impeachment na hindi man lang sinuri ang kanilang pinirmahan… baka kasi abutin ng siyam-siyam kung bawat isa’y pag-iisipan ang kanilang pipirmahan… aba’y baka abutin din ng siyam-siyam ang buhos-mantika ng pork barrel.
Ni hindi nga naglimi at naghimay, o idinaan sa masinsinang talakayan saka nagbotohan kung karapat-dapat ngang isampa pa sa Senado ang impeachment… this early, sharp legal minds are saying the Senate won’t muster the numbers to oust Corona… the rigmarole of an impeachment process may turn out to be another waste of taxpayers’ money.
Bago pa sumambulat ang 2012, bumuyangyang sa Department of Budget and Management (DBM) website ang baha ng pork barrel sa bulsa ng ating mga kinatawan sa Kamara. Hindi na lang nga mabubungkal sa ngayon… under periodic maintenance daw ang DBM website.
Maugong ang mga ulat na tumanggap ang mga kapuri-puring kinatawan ng tig-isang milyon bilang bonus sa kanilang paglagda sa… bukod pa sa mantika mula pork barrel.
Proyektong PPP pa rin ‘to. Pera Palit Puri. Para matungkab na sa puwesto ang Punong Mahistrado.
Honor isn’t skin-deep… it goes deeper than the lining of the pockets.
At bakit nga ba biglang “nasira” ang nasabing website? Para ba maiwasang masundan ng taumbayan ang detalye ng release ng mga pork barrel sa ating mga kongresista at maiwasang magka-ideya ang lahat kung sino-sino ang nadagdagan ang “biyaya” mula sa Palasyo matapos ang pirmahan sa Kongreso? Nagtatanong lang po, DBM Sec. Butch Abad!
Mahaba pa ang bagong “teleseryeng” ito na walang iba kundi ang personal na “giyera” ni PNot sa kanyang mga kaaway sa pulitika kaya… abangan!
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 55
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 51

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more