MAY suhol ba o ayaw lang magtrabaho ang mga kinauukulan upang magsagawa ng pag-iinspeksyon sa mga kilalang supermarket sa Metro Manila na patuloy na nagbebenta ng mga nangingitim na karne ng manok at baboy at bilasang isda sa kanilang mga ‘wet market section’.
Mapapansin din ang sobrang mura ng halaga ng mga ‘frozen meat products’ tulad ng mga karne ng baboy at manok na ibinebenta sa ating mga kababayan na karaniwan ay ‘buy-one-take one kilo free’ o ‘fifty percent discount’ ang bawat kilo nito na tila nais talagang ipaubos ang stock.
Sa mga supermarket sa Lungsod ng Maynila at sa may Macapagal Avenue sa Pasay City makikita ang mga tila nabubulok nang ‘frozen meat products’ at nangingitim na ang mga karne na ibinebenta nga sa napakamurag halaga.
Samantalang ang mga sobrang itim nang mga karne na kung ilang buwan na sa kani-kanilang mga freezer ay pinuputol-putol at mina-marinate at nilalagyan ng kulay upang maitago ang nangingitim na kulay ng mga karne.
Ayon sa ilang mga mamimili, sobrang kapal din ng mga apog ng mga nangangasiwa sa mga ‘wet market’ ng nasabing mga ‘supermarket’ para lagyan ng salitang ‘fresh fish’ ang mga bilasa at namumutla nang mga hasang ng isdang kanilang ipinagbibili na nasa ibabaw ng mga yelo.
Lalu’t higit namakakapal ang mukha ng mga namamahala sa nasabing mga supermarket para linlangin ang publiko na ibenta bilang sariwa ang mga sugpo at hipon na naglalaglagan na ang mga ulo na isang palantandaan na hindi na sariwa ang mga ito.
At para sa kaalaman ng ating mga mamimili, ang itinitindang ‘frozen meat products’ sa atin sa nasabing mga supermarket ay mga imported na karamihan ay galing pa sa Tsina, Australia, New Zealand at Amerika na kung ilang buwan na sa mga barko at ‘reefer vans’ bago mailabas ang mga ito sa Bureau of Customs.
sabi ng aking mga kakilala sa BOC, karamihan sa nasabing mga imported na karne ng baboy, manok at baka ay noon pang buwan ng Septiembre at Oktubre nagsidating sa bansa at ang mga ito ang ibinebenta ngayon ng mga supermarket,
Karamihan din sa mga ‘frozen meat products’ na ito ay hindi dumaan sa pag-i-inspeksyon ng Bureau of Food and Drug (BFAD) at Bureau of Animal Qurantine (BAQ) ng Depatment of Agriculture(DA) na nakabase sa mga ‘customs ports’bunga ng karamihan sa mga ‘reefer vans’ na kinalululanan ng mga ito ay naipuslit sa customs.
Nangangamba nga ang mga taga DA, BFAD at BAQ na sa dami ng nakalusot na karne ng baboy at manok sa customs na hindi nila na-inspeksyon ay maaaring marami dito ang mga ‘double-dead o ‘imported botcha o kontamindo ng ‘foot-and-mouth-disease’ (FMD) na ginawang mga hamon bago mag-Pasko.
Nangangamba din ang mga taga DA, BFAD at BAQ na sa ’di malayong hinaharap ay matuklasang may iba’t-ibang uri ng mga sakit ang mararanasan ng ating mga kababayang nakabili at nakakain ng ‘imported botcha’ na pinroseso dito sa ating bayan bilang mga hamon, hotdogs, longganisa at hamburger at iba pa.
Ilan umano sa mga sakit na maaaring ma-develop sa mga nakakain ng kontaminado at mga ‘imported botcha’ ay ang pagkaroon ng cancer sa buto, leukemia, sakit sa balat at marami pang ibang uri ng mga sakit.
Kaya bago makapamisala pa ang mga nagkalat na ‘over frozen meat products’ sa mga supermarket na patuloy na ibinebenta ng mga ito sa ating mga kababayan sa murang halaga, dapat magsagawa na ng pag-iinspeksyon ang mga taga DA, BFAD at BAQ at maging ang mga lokal na pamahalaan na nakakasakup sa mga ito.
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 55
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 51

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more