CONGRATULATIONS. Sunud-sunod ang mga magagandang accomplishments ng mga kasangga natin sa paglaban sa iligal na droga sa Pangasinan at iba pang lugar.
Magandang simula ito bilang pambungad sa taong 2012 at nawa’y-tuluy-tuloy ito para sa ikapapanatag ng kalooban ng bawa’t isa sa atin.
Nakatanggap ako ng impormasyon mula sa mga concerned citizens sa Dagupan City, Pangasinan tungkol sa malawakang pagbebenta ng iligal na droga sa lugar na ito partikular sa Barangay Bonuan Binloc.
Sa Sitio Silungan, kumpirmadong problemado ang mga concerned citizens dahil sa napabayaan hanggang sa lumala nang lumala ang problema sa droga. Naging pugad kasi ito ng mga drug pushers, lalo na sa Muslim community.
Natuwa naman ako sa positibong aksyon ng mga opisyal ng Dagupan sa pagsupil sa salot na droga.
Sa report na nakarating sa akin, nagbigay diumano ng babala si Dagupan City Mayor Benjie Lim sa mga kasapi ng Muslim community na ipagigiba n’ya ang bahay ng sinumang mapapatunayang nagbebenta at gumagamit ng bawal na gamot na nasa resettlement area sa nasabing lugar.
Naglagay din ng pwersa ng pulisya sa lugar na ito, mga pulis na malilinis galing sa labas ng Dagupan, pulis na walang dungis, pulis na hindi pwedeng ma-corrupt ng kinang ng salapi kapalit ng kanilang pagbubulag-bulagan sa iligal na pagbebenta ng droga.
Matibay din na kasangga natin si Dagupan City Vice Mayor Belen Fernandez sa kanyang napakapositibong programa sa anti-drug abuse.
* * * *
Congratulations sa lahat ng bumubuo ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) mula sa kanilang pinuno na si Director General Jose S. Gutierrez, Jr. at masipag na PDEA-NCR head Gen. Pedrito Magsino!
Naging mabunga ang isinagawang raid ng PDEA agents sa isang malaking compound sa Ayala-Alabang Subdivision kung saan natagpuan ang isang medium-scale shabu laboratory noong nakaraang linggo.
Arestado ang limang Chinese nationals na pinaghihinalaang operators ng nasabing shabu lab. Bukod pa dito, maraming shabu at mga kemikal sa panggawa ng shabu ang nabawi sa isinagawang operasyon.
Ang raid ay isinagawa ng ating mga operatiba sa bisa ng isang search warrant kaya kumpyansa tayo na walang anumang legal lapses sa pagsasagawa ng operasyon. Maingat na ang PDEA sa pagsasagawa ng arrest and seizure para siguruhin na matibay ang kaso at walang lusot ang nadakip na suspects.
Pati ang proper handling ng tinatawag na chain of evidence ay mahigpit na ring binabantayan. Hindi na hahayaan na maulit muli ang malungkot na kinahantungan ng Alabang Boys case.
Ang mga arestadong Intsik ay kinilalang sina Ming Chao, Choi Yiu Kit, Choi Yiu Chun, Kwok Chi Keung at Lam Ka Chon. Mahusay pumili ng lokasyon ang mga ito! Bukod sa nasa isang exclusive subdivision, ang shabu lab ay nasa isang one-hectare compound pa!
Walang kamalay-malay ang mga residente ng subdibisyon dahil sa laki ng compound, walang amoy ng kemikal na lumalabas mula dito. Wala rin daw tell-tale signs katulad ng mga patay na halaman na napagmasdan ang ating agents dahil sa lawak ng compound.
Nais kong ipakita sa ating readers na hindi naging madali ang operasyon na ito para sa PDEA. Hindi aksidenteng natisod lamang ang shabu lab na ito! Ito ay resulta ng matagal na pagkakalap ng impormasyon at pagmamanman ng ating agents.
* * * *
Sang-ayon tayo sa plano na dagdagan ang kasalukuyang pwersa ng Philippine National Police (PNP). Marahil ang 140,000-strong PNP ay lubhang kulang na para sa lumolobong populasyon at krimen sa ating bansa ngayon.
Ayon kay General Nick Bartolome, balak nilang tumanggap ng 6,000 bagong pulis ngayong 2012 upang punan ang kanilang manpower requirements.
Pero teka muna! Ang hiring ng mga bagong pulis ay isang seryosong bagay na hindi maaaring madaliin. Kung hindi ibayong maghihigpit sa recruitment ng mga bagong miyembro ng PNP, tiyak dadami lamang ang bilang ng mga buwaya na gumagala sa lansangan!
Sa aking opinyon, ang screening ng mga aplikante sa PNP ay dapat ihalintulad sa ipinatutupad ng malalaking korporasyon. Sa corporate world, hindi lamang ang mga pisikal na katangian ang pinagbabatayan kungdi pati ang psychological at moral background ng applicant ay binubusisi. Walang kwenta ang isang aplikante kahit kaya nitong gumawa ng 1,000 push ups kung may sayad naman pala ang kanyang pag-iisip!
Maraming indikasyon na masyadong maluwag at hindi scientific ang pinaiiral na screening process ngayon kaya’t nakakalusot ang mga taong walang karapatan maging pulis! Ang madalas na pagkakasangkot ng mga pulis sa mga krimen ay indikasyon ng mahinang human resource management sa pambansang pulisya. Panahon na po para magpatupad ng mga pagbabago sa recruitment procedures ng PNP.
* * * *
Isang halimbawa dito ay ang provincial director ng Pangasinan. Sa halip na bantayan ang seguridad ng bayan laban sa iba’t-ibang krimen at kaguluhan ay abalang-abala naman sa pagkolekta ng kanyang pataas na pataas na parte sa jueteng at iba pang pasugalan! Maraming unsolved killings at nakawan na hindi natututukan at maging ang opisina’y ginawang manokan!
Maraming beses na nating tinalakay ang isyung ito ngunit hindi iniintindi nina PNP Chief Bartolome at DILG Secretary Robredo at sa halip ay nagbibingi-bingihan lang sila. Hindi nga natin alam kung sila man ay namantikaan na rin?
Hindi masama ang jueteng dahil marami itong natutulungan pero kung ang makikinabang lang ay ang buwayang provincial director ng Pangasinan, mabuti pang gawin nang legal ‘yan ng mapakinabangan ng mas maraming mahihirap.
Kung ito ay legal na, bakit hindi inilalathala para sa kaalaman ng nakararami? Ngunit sa pagkakaalam ko ito ay iligal pa rin. Hindi pa kaya ito nakararating sa kaalaman ni P-Noy? Hindi kasi ito ang paraan ng pagtahak sa tuwid na daan ng Pangulo!
Tanging ang mga bayan ng Alaminos City, Alcala, Bani, Sison, Sto. Tomas at Villasis ang walang jueteng sa Pangasinan na nangangahulugang sumusunod sa tuwid na daan ni P-Noy.
Naghihintay sa ligal na operasyon ng Loterya ng Bayan kung saan inaasahan na mas maraming mahihirap sa Pangasinan ang matutulungan at magpapapasok ng karagdagang kita sa pamahalaan.
Tama bang sa level lang ng mayor nag-iisyu ng gambling permit? Hindi pa ligal ang jueteng pero ginagawa na nyong ligal! Ito ba ang paraan ng mga mayors sa Pangasinan sa pagtahak ng tuwid na daan?
(Para sa inyong impormasyon, suhestiyon, o reklamo, mag-text lamang po kayo dito sa number ko: 09159509746 o di kaya ay mag-email sa
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
).
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 55
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 51

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more