TAMA ang desisyon ni PNP chief Director-General Nicanor Bartolome na maglunsad ng Disaster Response Training Program para sa mga tauhan ng pambansang pulisya.
Ito daw ay parte ng kaniyang programa ngayong 2012. “This will be the period when we will enhance the capability of our personnel especially in Mindanao on disaster response considering that the region is prone to disasters,” ani Bartolome.
Ayon kay Bartolome, mas magalang, matulungin at masipag ngayon ang kapulisan natin kumpara sa mga nakaraang taon.
Pero kagaya ng ibang ahensiya ng gobyerno ’nandiyan pa rin ang ilang bugok na pulis, kabilang na ang tinatawag na kotong cops na walang ginawa kundi manghingi sa mga kawawang drayber at sidewalk vendor.
Hindi lang ’yan. Pursigido rin ang liderato ng PNP na mamili ng dagdag na kagamitang pang-rescue sa panahon ng kalamidad.
In fairness kina Bartolome, dito nakatutok ngayon ang kanilang pansin. Kasabay ng disaster response training para sa kapulisan, ang kampanya para matanggal sa serbisyo ang mga tiwaling opisyal at tauhan ng PNP.
Sa tindi ng mga kalamidad ngayon bunga ng climate change, kailangang maging bihasa at handa ang mga pulis sa rescue, relief at retrieval operations.
Sa totoo lang, nagbubunga na ang mga pagbabagong ginagawa nina Bartolome at mga dating PNP chief para mapalapit ang kapulisan sa taumbayan.
Kahit madalas ang bagyo, makakatulog nang mahimbing ang mga nakatira sa flood-prone areas kung alam nilang handa ang PNP sakaling kakailanganin silang ilikas o dalhan ng relief goods.
Sabi pa ni Bartolome, magdadala pa sila ng dagdag na disaster response equipment sa Mindanao na kung saan madalas ngayong binabayo ng bagyo na nagdadala ng malalakas na pag-ulan.
“This year, we will enhance the capability of our personnel in Mindanao and other parts of Visayas. We will train them, we will equip them and we will, if needed, augment their personnel strength,” diin pa ni Bartolome. Ganyan ngayon ang PNP, bukod sa serbisyo, may malasakit!
* * * *
Sa gitna ng pagdadalamhati ng mga biktima ng pagbaha sa CDO at Iligan City sa pagguho ng lupa sa Compostela Valley, nakalulungkot ang balitang bibili daw ng bagong presidential plane ang Malakanyang.
Sabi nga ni Rep. JV Ejercito, Malacañang’s plan to showcase luxurious spending at this time of crisis is just insensitive. I wish they would prioritize on rehabilitating the physical, social and infrastructure of Cagayan de Oro and Iligan City.”
Sa halip ay hinikayat ni JV ang Palasyo na i-encourage ang mga ahensiya ng gobyerno at pribadong sektor na i-share ang kanilang blessings sa mga apektadong residente.
Ayos nga lang naman na bumili ng bagong eroplano pero hindi sa panahong ito na milyun-milyong kababayan natin ang nangangailangan ng kalinga, tirahan, pagkain, gamot at iba pang pangangailangan sa mga evacuation center.
Tinawag nga ni San Juan City Rep. Joseph Victor Ejercito na “untimely and insensitive” ang balaking ito.
Talaga namang hindi katanggap-tanggap na gagastos ang gobyerno ng milyun-milyong piso para bumili ng eroplano habang humihingi tayo ng tulong sa ibang bansa para sa mga sinalanta ng baha at landslide sa Mindanao at Visayas. Baka ma-turn-off pa ang international community at hindi tayo padalahan ng tulong.
Inuulit natin, hindi tayo tutol sa pagbili ng bagong presidential plane. Ang sinasabi natin ay wrong timing lang. Kung delikado nang gamitin ang eroplanong gamit ni P-Noy, umupa na lang o sumakay ang Pangulo sa commercial plane kung may biyahe siya sa labas ng bansa.
Tama lang na palitan ang lumang eroplanong ginagamit ng Pangulo para sa kanyang kaligtasan.
Pero bago tayo bumili ng bagong eroplano, siguraduhin muna natin na nasa ayos na ang lahat sa mga lugar na sinalanta ng mga kalamidad.
Tama ba kami, Pangulong Aquino?
MGA REKLAMO AT REAKSIYON
Dapat isama sa kaso ng ZTE Broadband si Joe de Venecia. Nandoon siya sa China at nakikipag-golf din kina GMA at FG noon at siya ang kasalukuyang Speaker noon -- MANALANG ng Laguna.
Kung matalo man ang prosecution panel sa impeachment laban kay Corona, walang dapat sisihin kundi si Cong. Tupas et al. Puro sila media at camera conscious. Ang kakapal ng mukha nila. ’Di naman nila sinusunod ang impeachement rules ng Senado -- ED SOTTO ng QC.
Total ban para sa paputok. Yes to fireworks -- RIC CABUSAO ng Manila.
Salamat sa text nina: ALVIN CRISOSTOMO ng Pasig, DENNIS CORTEZ at CELIA M. ng Mandaluyong, BETH CRUZ ng Bulacan, NERI POBRE ng Muntinlupa, BELLE GAPUZ ng Manila, FLOR HERNANDEZ ng Laguna, CYNTHIA A. ng San Juan, DINAH ABELARDO ng Tarlac at ROY ORTIZ ng QC.
(Para sa inoyng komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0915-9462777/email:
This e-mail address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.
. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Mario F. Fetalino Jr.

ISANG damakmak na BOC officials na pala ang pinasisibak ng Office of the Ombudsman base sa isinagawang lifestyle check na ipinatupad ng ahensiya. Sa kabila nito, patuloy na nakaupo ang mga napatunayang nagpayaman gamit ang kanilang posisyon sa BOC dahil sa ‘pader’ na kanilang kinakapitan. Okey na sana itong... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 46
By : Sec. Antonio "Bebot" A. Villar Jr.

Isang judge sa probinsya na kaibigan ng Dangerous Drugs Board (DDB) ang nakapansin na talagang maraming nasasayang na drug-related cases sa mga korte sa buong bansa. Sobra ang kanyang panghihinayang sa mga kasong nadi-dismiss sapagkat hindi nga naman madali ang preparasyon para makahuli at makatimbog ng pushers at users!Ngunit ang... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 55
By : Jess V. Antiporda

NAGBANGGAAN po ang mga tauhan ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at ni Pasay City Mayor Antonio Calixto kaugnay ng malaking ‘tongpats’ mula sa “illegal terminal” sa kanto ng Taft Avenue at EDSA na ipinasara ng MMDA kamakailan lamang.Ipinagbawal rin sa lahat ng uri ng sasakyan ang pag-cross o pagtawid... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 47
By : Vic Reyes

SA darating na Hunyo 23 ay pagbobotohan na ng mga taga-Bacoor, Cavite kung gusto nilang maging siyudad ang kanilang napaka-progresibong bayan. Binubuo ng 73 barangay ang Bacoor at kasalukuyang pinamumunuan ni Mayor Strike Revilla. Ito’y matagal nang 1st class municipality na may rehistradong botante na mahigit 245,000. Matatandaan na pinirmahan... Read more
Published : Thursday May 24, 2012 | Category : Opinion | Views : 51

Here’s what Taiwanese President Ma Ying-jeou said about the conflicting territorial claims over the Scarborough Shoal and other areas in the South China Sea after being sworn into his second term last Sunday: “...In the South China Sea, we have implemented a cohesive policy that we safeguard the sovereignty dispute,... Read more